Chapter 63: Cute Couple

324 11 0
                                    

SARRAH'S POV

Inuna ko ng kainin 'yong Sundae na binili ni Kelly. Narito kami sa food court ng SM. Bigla akong nag-crave sa malamig dahil medyo napagod ako sa kakaikot.

Grabe si Kelly mag-mall walang pinapalampas. Ang dami niya ring binili para sa 'kin kahit tanggihan ko siya. Kumakain naman siya ng french fries.

"Paano kung makita natin dito si King?"

"So?"

"Kinikilig ka."

"Hindi."

"Sus! Nanliligaw na siya sa'yo?"

"Hindi! Kumain ka na nga lang po."

Sinubuan ko pa siya ng fries para lang matahimik siya.

Tinapos lang namin ang pagkain at umalis na rin. Nasa labas na kami ng may masulyapan akong babae 'di kalayuan. May kausap siya'ng lalaki na naka-fully black. Familiar siya sa 'kin kaya no'ng medyo humarap na ito sa may kinaroroonan namin ay nakompirma ko na siya nga 'yon. Ang ate ni King. Hinila ko si Kelly at medyo napakubli kami sa may kotse'ng naka-park.

"Anong nangyayari sa'yo?" Sinenyasan ko lang siya na tumahimik.

Hindi na rin naman ito nagtanong. Tiningnan ko ulit si ate Christel. Abala siya sa pakikipag-usap sa lalaki. Sino kaya 'yon? Hindi ko alam na nakikipag-usap pala siya sa mukhang gangster.

May inabot na sobre si ate Christel sa lalaki. Ano kayang laman no'n? Maya-maya ay iniwan na ni ate Christel ang lalaki at umalis na.

"Kelly, dito ka lang okay?"

"Saan ka pupunta?"

Hindi ko na sinagot si Kelly at nilapitan na ang paalis na rin sana'ng lalaki.

"Manong." Napaharap ito sa akin.

"Bakit?"

"Kaano-ano niyo po 'yong babae'ng kausap niyo kanina?"

Nangunot ang noo nito sa tinatanong ko.

"Bakit ko sasabihin sa'yo?"

"Eh, kasi po-"

Biglang may babaeng nakabangga sa kaniya kaya naman nalaglag 'yong hawak niyang sobre. Nilapitan ko agad 'yon at napansin kong pera pala ang laman nito dahil may ilan pang perang papel na nakalabas. Malaking halaga 'yon sa tantya ko. Pupulutin ko na sana ng maunahan ako ng lalaki'ng damputin 'yon.

"Tsk! Nakakainis naman oh." Tiningnan ako nito ng masama.

" 'Wag ka'ng pakialamera, huh?" Umalis na ito pagkasabi no'n.

"Sarrang, sino ba 'yon? Kilala mo?" Tanong ni Kelly na nakalapit na pala sa akin.

"Hindi. Tara na." Aya ko dito.

Muli kong tinanaw ang kotse ng lalaki na paalis na rin. Nakakapagtaka anong ibig sabihin no'n? Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking 'yon kasi para nga ito'ng gangster o para ba'ng killer? Kagaya niya kasi 'yong madalas kong makita sa k-drama.




FARRAH'S POV

"Heto kumain ka na."

Nilapag ko 'yong tray sa may harap ni Matthew para makakain na siya. Hindi naman niya ginalaw kaya tiningnan ko siya na nakatingin din pala sa akin.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon