Chapter 55: Josh's Lies

443 12 0
                                    


FARRAH'S POV

Pagbalik ko sa kwarto ni Josh hawak niya 'yong cellphone ko at parang nakangiti pero agad ding nawala no'ng nakita niya ako. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama.

"Ah s-si Dhesa tumawag kaya sinagot ko na."

Binalik niya na 'yong cellphone sa bag na nakapatong lang sa table.

"Bakit daw?" Nagluto ako ng makakain ni Josh.

"Tinatanong lang kung pabalik ka na raw ba sa office."

"Mamaya na lang ako aalis kapag nakakain ka na." Binaba ko 'yong tray sa may harap niya.

"Sumasakit pa ba 'yang kamay mo?"

Pagdating ko dito kanina sa bahay niya naabutan ko siya sa kusina na nagdurugo 'yong kamay. Accidentally raw kasing nahiwa siya ng kutsilyo kaninang nagluluto siya. Napaka-clumsy niya talaga pagdating sa kusina. Medyo malaki 'yong hiwa sa right hand ni Josh.

"Medyo."

" 'Wag ka na lang kasi'ng magluluto kung pati kamay mo eh gagayatin mo. Kumain ka na."

Nagsimula na siyang kumain kaya lang napansin kong nahihirapan siya dahil left hand ang gamit niya. Hindi nga pala siya left handed.

"Ako na nga."

Kinuha ko 'yong kutsara't tinidor at tumabi sa kaniya. Pinatong ko na lang muna sa side table 'yong tray.

"Ahh."

Para akong nagpapakain sa bata. Tiningnan niya lang ako.

"Ako na lang." Nilayo ko 'yong kutsara na kukunin niya sana. Kulit.

"Ahh. Kumain ka na lang."

Tinanggap naman na niya 'yong sinusubo ko. Para siya'ng bata.

" 'Wag mo nga akong titigan. Oh."

Hindi niya inalis 'yong tingin niya sa akin. Hindi niya pinansin 'yong sinusubo kong pagkain.

"I miss you, Farrah."

Binaba ko na 'yong kutsara at iniwasan ang titig niya. Naiilang ako sa ginagawa niya kaya napatayo na lang ako pero bago 'yon hinila niya ang kamay ko papalapit sa kaniya. Napa-upo ulit ako sa kama at sobrang lapit ko na sa kaniya. Nilapit ni Josh 'yong mukha niya sa akin para sana halikan ako pero iniwasan ko na lang. Napatayo na agad ako.

"Kailangan ko ng umalis." Kinuha ko 'yong bag ko at umalis na.

  
KING'S POV

"Hi, baby!" Ugh! Napakamot na lang ako sa ulo.

"Mom, stop calling me baby I'm not kid anymore."

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Whatever. Forever kitang baby. How's school?"

"Boring."

Nagsimula na akong umakyat papunta sa kwarto ko at iniwan siya do'n sa salas. May sinasabi pa siya pero hindi ko na lang siya pinansin.

Napatigil muna ako sandali ng makita ko 'yong kwarto ni ate. Instead na sa sariling kwarto do'n ako nagtuloy. Hindi naman pala naka-lock 'tong room niya. She's really careless as ever. Kapag kasi umaalis si ate palagi 'tong naka-lock at saka minsan lang naman 'yon umuwi dito because she had her own house that she brought a month ago. Naghalwat ako at hinanap ang bagay na 'yon. Natatandaan ko na dito ko 'yon nakita dati. Pagtingin ko sa isang drawer nakita ko din at kinuha.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon