Chapter 75: Kidnapped

330 6 0
                                    

MATTHEW'S POV

Natigilan ang lahat nang bumukas muli ang ilaw.

"Sarrah? Nasa'n ang anak ko? Sarrah?" dinig kong sabi ni Tita Belinda. Napalapit na ako sa kaniya.

"Tita."

"Matthew, si-si Sarrah."

Hindi ko na nga makita si Sarrah na kanina ay nakatayo lang sa harap ng cake nito. Hinanap ng mata ko si Farrah pero hindi ko rin siya makita.

"Farrah," banggit ko sa pangalan niya nang hindi ko siya makita.

"Matthew, si Farrah nasa'n din siya? Si Farrah?" Bakas na ang takot sa mukha ni Tita Belinda.

"Tita, kumalma lang po muna kayo."

Kaniya-kaniyang bulungan ang mga bisita. Napatingin ako kay Christel na narito pa din at nakatingin sa 'min.

DIEGO'S POV

"Buksan mo," utos ko kay Arman na nakatayo dito sa may likuran ng van.

Agad niya nama'ng sinunod ang utos ko. Nandito na rin si Sarrah na wala ring malay. Tinabi ko si Farrah sa kapatid niya saka sinarado ang pinto.

"Tara na." Sumunod na siya sa 'kin.

Pasakay na kami nang mapansin ko sina Captain Castillo at ilan pang kasama nito.

"BILIS! BILIS! SAKAY!"

Kinuha ko ang baril ko at pinaputukan sila bago sumakay. Pinatakbo kaagad ni Dikto ang van nang makapasok kami.

"Bilisan mo sinusundan nila tayo." Napansin ko kasi na sinundan nila kami.

MATTHEW'S POV

Nagkagulo ang mga bisita no'ng makarinig ng ilang putok ng baril. Kinabahan na rin ako.

"Dito lang po kayo, Tita."

"Saan ka pupunta, Matthew?" Lumapit si Tita Adela sa 'min.

"Huminahon ka lang, Belinda." Iniwan ko na sila do'n. Napansin kong sumunod sa'kin si King. Nakasalubong namin si Ate Jade sa may entrance. She looks worried.

"Matthew."

"Ate, ano'ng nangyayari?"

"Si Sarrah at Farrah kinidnap," seryosong sabi niya.

"Ha?"

"Sinusundan na sila ngayon nina Captain Castillo at Gabriel." Tinalikuran ko kaagad si ate Jade.

"Saan ka pupunta?" Binalingan ko muna siya sandali.

"Susundan ko sila. Ate, ikaw muna ang bahala dito."

"Sige. Mag-iingat kayo." Lumabas na ako at pinuntahan ang kotse ko. Pagsakay ko saka bumukas ang kabilang pinto at sumakay din si King.

"Magpaiwan ka na lang."

"Sasama ako."

Mukha namang hindi siya magpapaiwan kaya pinaandar ko na ang kotse. Tinawagan ko na lang si Captain Castillo at nalaman ko kung nasaan na sila.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon