Chapter 24: Being with you

645 14 0
                                    

LUNA'S POV

Kababalik ko lang sa may salas dahil naghatid ako ng mga lamog niya sa laundry shop sa ibaba. Nilapitan ko si Matthew na nakahiga sa sofa at natutulog. Pinagmasdan ko siya at habang ginagawa ko 'yon nakaramdam ako bigla ng lungkot.

Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon? Natatakot ako na baka nga isang araw bigla na lang siyang umalis. Anong gagawin ko kapag nangyari 'yon? Inalis ko ang isiping 'yon at aalis na sana ng bigla niya'ng gagapin ang braso ko. Iniwasan ko ang tingin niya.

"Let's sleep together."

"Ha?" Hinatak niya na lang ako bigla papahiga sa kaniya kaya ngayon ay pareho na kami'ng nakahiga. Mabuti na lang medyo malaki 'tong sofa niya. Napakalapit namin sa isa't isa at malamang ay nararamdaman niya ang tibok ng puso ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng yakapin niya pa ako ng mahigpit at mas nilapit pa sa kaniya.

"Matthew."

"Hmm." Sagot niya kahit nakapikit. Mukhang pagod siya.

"Wala ka na ba'ng klase?"

"Meron."

"Bakit nandito ka pa?"

"I want to be with you today." Sandali kaming natahimik.

"Farrah."

"Ha?"

"Tomorrow we will start again. We'll be together soon."

"Ano'ng sinasabi mo?"

"Let's sleep for a while, please?"

Hinayaan ko na lang siya. Naramdaman ko naman na nakatulog na agad siya pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Hanggang sa pareho na kaming nakatulog ni Matthew. Sana hindi na 'to magwakas. Sana hindi na nga dumating ang araw na mawala si Matthew sa paningin ko.



"Farrah, nabalitaan mo na ba?" tanong sa akin ni Rhea na hindi maipinta ang itsura.

Pagpasok ko pa lang din kanina dito sa room mga beast mode ang mukha ng mga kaklase ko.

Ano'ng nangyayari?

"Alin?"

"Si Sir Matthew."

"Si Sir Matthew ay ano?" Bigla akong kinabahan sa sasabihin niya.

"Nag-resigned na si Sir Matthew."

"Nag-resigned?"

"Oo. Nakakapanghinayang nga mawawalan na tayo ng gwapo'ng professor."

"Bakit daw?"

"Hindi ko lang alam ang true reason pero sabi-sabi baka raw magbi-business na lang. Hindi kaya magpapakasal na 'yon? Pero imposible kasi bata pa naman si sir. Ano kaya sa tingin mo ang dahilan?"

"Hindi ko rin alam."

Naalala ko 'yong sinabi niya sa akin kahapon. May kinalaman kaya 'don ang pagre-resign niya?

"Ayan na pala si Sir Matthew, Farrah. Baka magpapaalam lang siya."

Tiningnan ko si Matthew na nakatingin sa may pwesto namin.

"Good morning, class."

"Sir Matthew, totoo po ba'ng nag-resign na kayo?"

"Yes. The reason why I'm here is to say goodbye to all of you." Nagsi-react naman sila'ng lahat pero ako nakikinig lang.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon