Chapter 72: What's the truth?

305 10 0
                                    

SARRAH'S POV

Wala akong pasok kanina'ng umaga kaya ginamit ko 'yong time na 'yon para tapusin ang mga dapat tapusin sa party ko. Nag-distribute na rin ako ng mga invitation at syempre sa tulong 'yan nina Ate Farrah, Kuya Matthew, Aldice at nanay. Sa wakas natapos namin ang lahat bago magtanghali. Bukas magha-halfday lang ako ng pasok para sa preparation time.

Kakatapos lang ng klase namin ni Kelly at ngayon ay naglalakad na palabas ng building namin.

"Hindi ako ang may birthday pero I'm really excited, bes."

"Para ka'ng si Aldice." Natawa na lang kami pareho.

Pagkalabas naupo muna kami ni Kelly sa may lounge.

"Teka nga kanina ko pa napapansin para'ng ang saya mo ngayon."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Iba kasi 'yong glow mo ngayon eh. Excited ka rin, ano? Aminin."

"Kunti lang."

"Kunti lang? Hmp? Hindi kaya excited ka dahil makaka-partner mo si King Harvey Atienza?"

"Uy! Tigilan mo 'ko hindi." Binigyan niya ako ng mapanglokong ngiti.

"Talaga?"

"Talagang-talaga."

"Pinag-uusapan niyo ba ako?" Napatingin kami sa dumating na si King pala. Naupo ito sa tabi ko.

"Ehem!" Tiningnan ko si Kelly na kinindatan pa ako.

"Hindi ah. Bakit ka naman namin pag-uusapan?"

"Wala lang. Narinig ko kasi ang pangalan ko."

"Actually, pinag-uusapan ka-" Tinabunan ko 'yong bibig ni Kelly.

"Tumahimik ka na." Siya na ang nagtanggal ng kamay ko.

"Oo na nga." Tiningnan ko si King.

"Thanks nga pala sa pagbalik no'ng mga pictures."

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba ibabalik ko 'yon sa 'yo."

Napansin ko na nanginginig lang naman si Kelly kasi hindi niya alam ang pinag-uusapan namin.

"Paano mo nga pala nakuha?" takang tanong ko.

"Coincidence ko lang na nakita 'yong bag mo sa basurahan siguro tinapon no'ng mga magnanakaw dahil wala naman sila'ng makukuha sa bag mo."

"Siguro nga pero nasa'n ang bag ko?" Nagulat siya sa tanong ko.

"U-Uhmm... A-Ano eh na-naiwa-"

"Hayaan mo na ang mahalaga naibalik sa akin ang mga pictures."

"O-Oo nga."

Ano ba'ng nangyayari sa kaniya at nagkanda-utal utal na siya sa pagsasalita?

"Ano nakaalala ba si Kuya Matthew? Ano'ng nangyari no'ng pinakita mo sa kaniya?"

"Naalala niya 'yong time na 'yon pero hindi niya naalala 'yong mas mahalaga."

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon