Chapter 12: Family Sundate Part 2: Peace be with you

805 25 1
                                    


"Hi, Sotto family. Mano po ma'am." Inabot niya ang kamay ni Nanay at nag-mano.

"Hi po sir Matthew."

"Hello, Sarrah right?"

"Opo."

"Kuya Matthew."

"Hi, Aldice! Wow, you're so cute little girl."

"Anong ginagawa mo dito?" Taka kong tanong sa kaniya.

"Magsisimba rin kasi ako eh kaya naisip ko samahan na lang kayo. Can I join you?"

"Opo naman." Excited na sabi ni Sarrah.

"Ayos lang sa akin wala namang masama." Payag din si Nanay.

"Ano pa nga po ba ang magagawa ko dalawa na kayong pumayag eh." Ang kotse na ni Matthew ang sinakyan namin papuntang simbahan. Marami na rin ang tao dito pero mabuti may pwesto pa rin sa unahan. After ilang minutes nagsimula na rin ang misa.



" ...kaya tularan natin ang pananampalataya ni Job sa Panginoon sinubok man siya ng diyablo. Namatay ang kaniyang sampung anak, naubos ang kaniyang kayamanan, nagkaroon ng malalang sakit subalit nanatili siyang tapat sa Diyos. Ni minsan ay hindi niya sinisi ang Diyos sa halip ay mas sinamba pa Niya ito. Mga kapatid alalahanin ninyo na sa oras ng pangangailangan nariyan at mananatili sa ating tabi ang mga tunay nating kaibigan. Mga taong tunay na may malasakit at pagmamahal sa atin kagaya na lang ng mga kaibigan ni Job. Sa ating lahat na nakarinig sa salita ng Diyos humayo kayo at manatiling tapat sa Kaniya sa kabila man ng mga problema." Tama si Father napakaliit pa nga ng problem ko kumpara sa nangyare kay Job. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Tiningnan ko si Nanay na nakangiti sa akin kaya ginantihan ko ang ngiti niya. Napatingin din ako sa katabi kong si Matthew. Tipid niya akong nginitian.

FAST FORWARD.

" Mga kapatid magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa't isa. Peace be with you." Nilapitan ko si Nanay at hinalikan ko.

"Peace be with you, 'nay."

"Peace ate."

"Peace be with you, Sarrah." Niyakap ko rin siya at hinalikan gano'n din si Aldice.

"Peace be with you, little angel. Sarrah. Tita, peace be with you po."

"Peace be with you, ijo." Napatingin ako kay Matthew.

"Peace be with you, Farrah."

"Peace be with you." Inihatid na rin kami ni Matthew matapos ang misa.

"Pumanhik ka muna sa bahay, Matthew." Aya ni Nanay sa kaniya.

"Hindi na po may kailangan pa rin po akong puntahan eh. Sa susunod na lang po siguro."

"Siya sige ikaw ang bahala. Mag-iingat ka pauwi ha saka salamat sa'yo."

"Wala pong anuman 'yon."

"Sige pasok na muna kami sa loob ha."

"Sige po." Si Sarrah na ang umalalay kay Nanay. Hinarap ko si Matthew.

"Ahm, thank you."

"No. Thank you! I realized na masaya palang magsimba kapag may kasamang pamilya."

"Bakit? Pwede ka rin namang magsimba kasama ang pamilya mo eh."

"Yeah. But I don't have parents."

"Ha?"

"My mom and dad died in a plane crush 16 years ago." Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Seryoso? Paanong hindi ko 'yon nalaman? Bigla akong nalungkot para sa kaniya. Sa akin isa lang 'yong nawala pero sa kaniya dalawa pa.

"Sorry."

"Don't say sorry. 'Yan ang dahilan kung bakit ayokong magkwento ng tungkol sa bahay ko. Ayokong makaramdam sila ng awa para sa akin." Nakakahiya man pero bigla ko na lang siyang niyakap. Ramdam na ramdam ko kasi ang lungkot niya kahit hindi niya pa sabihin.

"Sorry." Bigla akong napalayo sa kaniya.

"It's okay alam ko namang matagal mo na akong gustong yakapin."

"Hindi kaya gusto lang kitang i-comfort binibigyan mo naman kaagad ng malisya."

"Just kidding. Thank you, Farrah."

"Tama na nga ang thank you mo wala naman akong ginawa eh."

"Basta hindi mo lang alam pero napapasaya mo ako." Bigla akong kinilig sa sinabi niya.

"Sige na umuwi ka na. Ingat." Sumakay na siya sa kotse niya at umalis na rin. Pumasok lang ako ng bahay nang hindi ko na natatanaw ang kotse.

"Ate sagutin mo na kaya si kuya Matthew." Bungad sa akin ni Sarrah na nakapagpalit na pala. Si Nanay at Aldice naman ay nasa kwarto pa yata nila.

"Hindi kaya nanliligaw si Matthew sa akin."

"Pero sooner or later kapag nanligaw na siya sayo sagutin mo na kaagad ha."

"Aba, marunong pa sa akin?"

"Uy si ate umaasa rin. Don't worry ate type ka ni kuya Matthew."

"Tigilan mo 'ko kakasimba ko lang." Iniwan ko na siya do'n at nagpalit na rin.

_____________________________________________________

May nga mapang-asar talaga tayong kapatid, ano? Sensya naman daw sabi ni Sarrah.😂

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon