Chapter 14: Taking care of him

860 25 1
                                    

LUNA'S POV

Lumabas ako ng kwarto matapos makapagpalit. Si Matthew naman ay naka-upo sa sofa habang tinutuyo ang buhok niya.

"Pumunta ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na." Sabi ko ng makalapit ako sa kaniya.

Thank you!"

"Bakit ka ba kasi uminom? May problema ka ba?"

"I'm just missing my parents." Naupo rin ako sa sofa pero medyo malayo na sa kaniya.

"Pareho lang tayo. Si Tatay nami-miss ko rin siya ng sobra-sobra pero wala naman akong magagawa para maibalik siya. Bakit nga gano'n ano? Bakit pa kailangang mawala sa atin 'yong mga taong mahal na mahal natin?" Hindi ako nakakuha ng sagot kay Matthew sa halip narinig ko siyang napahatsing. Sinasabi ko na nga ba eh.

"Sana hindi ka naman magkasakit dahil sa pagpapaulan mo."

"Takot sa akin ang sakit, okay." Napa-iling na lang ako sa sinabi niya. Yabang talaga.

"I-off mo 'yong aircon kapag matutulog ka na para hindi ka masyadong lamigin." Napansin ko siyang nakatawa.

"May nakakatawa ba?"

"Wala. Napansin ko lang pwede pala kitang maging nanay."

"Batukan kita diyan eh." Mas lalo siyang natawa.

Nang tumila ang ulan nag-decide ako na umuwi na tutal lumalalim na rin ang gabi.

"Ako na lang nga kaya ko namang umuwi eh. Magpahinga ka na lang dito." Kanina pa kasi niya pinipilit na ihatid ako.

" 'Wag ka ngang makulit, Farrah. Let's go."

"Paano ka makakapag-drive eh lasing ka nga 'di ba?"

"I'm not drunk." Wala na akong nagawa dahil nauna na siyang lumabas. Sinundan ko n lang siya pababa. Maayos naman niya akong naihatid hanggang sa bahay. Mukha ngang nahimasmasan na siya.

"Salamat. Mag-iingat ka pauwi, Matthew."

"Pumasok ka na sa loob."

"Sige."






"Ate Farrah gumising ka na." Nagising ako sa ginawang pagyugyog sa akin ni Sarrah.

"Anong oras na?"

" 8:12 na ate."

"8:12 na? Bakit hindi mo ako ginising?"

"Aba malay ko ba ate na may pasok ka pala ngayon."

"Late na ako sa first subject. Ikaw bakit hindi ka pa bihis?"

"Wala akong pasok ngayon ate."

"Mabuti naman para may mag-aasikaso dito."

"Maligo ka na kaya ate ako na magliligpit ng higaan mo."

"Sige. Thank you."


Pagdating ko sa school late na ako ng 5 minutes pero okay lang naman dahil wala pa pala si Matthew. Siya second subject ko.

"Papasok kaya si sir Matthew?" Tanong sa akin ni Rhea.

"Hindi ko lang alam." Bakit kaya wala pa siya? Lumabas muna ako sandali ng room. Kukunin ko na 'yong phone ko sa bag ng mapansin kong may isa pang cellphone sa loob. Napatampal na lang ako sa noo ng maalala kong kay Matthew nga pala 'to. Papasok kaya siya?

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon