Chapter 76: Memories (The reason why he lost his memories)

389 8 0
                                    

MATTHEW'S POV

Maingat kaming pumasok ni King sa bahay na naratnan namin dito sa Baguio. Kaniya-kaniyang hanap kami ng mapagtataguan nang may dalawang lalaking sumulpot.

"Bilisan mo kanina pa naghihintay sina Diego."

"Sandali lang nahulog 'tong barya," dinig kong usapan nila.

"Ang bagal," singhal nito.

"Una na ako sa loob." Bigla akong napakubli no'ng mapansin ko na sa may pwesto ko dadaan 'yong lalaki. Kaso sa kamalasan aksidente ko namang natabig 'yong paso kaya natapon sa semento. Napamura na lang ako sa isip ko. Huli na ako nito. Ramdam ko 'yong yabag na papalapit na sa'kin. Wala na akong tataguan ngayon.

KING'S POV

Narinig ko 'yong nabasag na paso. Sinilip ko 'yong dalawang lalaki na nagkatinginan pa. Bumunot na sila ng baril kasi mukhang natunugan nila na may taong nakapasok. Papalapit na ngayon 'yong isang lalaki sa pinagkukublihan ni Kuya Matthew. Ano'ng gagawin ko? Papalapit na siya. Mag-isip ka King. Okay, wala na akong alam na ibang paraan kundi...

"HUY!" Sinigawan ko na lang sila. Mukhang wrong move ako. Pareho silang napatingin sa 'kin. Napatakbo na ako kaagad no'ng tinutok na nila ang baril sa 'kin at paputukan ako.

MATTHEW'S POV

Napatabon ako sa tenga nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. Bigla kasing sumakit ang ulo ko dahil do'n. Ano'ng nangyayari sa'kin parang binibiyak ang ulo ko.  Napasandal na lang ako at sandaling naupo sa sahig.

FARRAH'S POV

"Boss." Napatingin kami sa dumating na sina Diego, 'yong isang kasama niya kanina at dalawa pang bagong lalaki. Lahat sila ay humihingal.

"Ano 'yong putok kanina?"

"May nakapasok, boss," sagot ni Diego.

"Sino?" tanong ni Josh.

"Isang binata pero hindi namin kilala."

Nagkatinginan sina Christel at Josh.

"Hindi kaya sina Matthew 'yon?" takang tanong ni Josh.

"Paano naman nila nalaman na nandito tayo?" galit na tanong ni Josh.

"Umalis na tayo dito, boss, siguradong may mga pulis silang kasama," nag-aalalang sabi ulit ni Diego.

"Hindi mo na pala kailangang tawagan 'yang ex mo dahil kusa ng pumunta dito." si Josh. Pinasaringan ni Christel si Josh.

"Ano'ng gagawin natin?"

"Gaya ng napag-usapan natin sa'kin si Farrah tapos sa'yo si Matthew."

"Pero si Matthew..." Nilapitan ako ni Josh at sinimulang kalagan.

"Problema mo na kung paano mo siya makukuha, Christel. Kung ayaw mo namang mahuli ng buhay dito sumama ka na sa 'kin."

Pupuntahan ko sana si Sarrah para pakawalan ito pero hinila ako ni Josh papalapit sa kaniya at hinawakan ako ng mahigpit.

"Bitawan mo ako, Josh," sigaw ko at pilit kumawala.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon