Chapter 43: Accident

567 16 0
                                    

FARRAH'S POV

" 'Nak, pwede ba akong pumasok?"

Hindi na hinintay ni nanay ang sagot ko at pumasok na siya sa kwarto saka lumapit sa akin. Umiiyak na rin ako ngayon dahil sa mga sinabi ni Josh. Umupo si nanay sa tabi ng kama'ng kinauupuan ko.

"Farrah."

Hinarap niya ako sa kaniya at pinunasan ang luha ko.

"Alam ko'ng nahihirapan ka na anak sa sitwasyon mo'ng 'yan pero nandito lang kami ng mga kapatid mo para sa'yo, huh."

" 'Nay, bakit po gano'n? Akala ko po okay na ang lahat pero simula ng dumating si Matthew nagbago na po ang sitwasyon. Ginagawa ko naman po ang lahat para hindi masaktan si Josh eh kaya lang palagi ko na lang po siya'ng nasasaktan. Ang sama ko 'nay."

"Anak, 'wag mo nga'ng sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan na nasasaktan si Josh dahil lang ang mahal mo ay si Matthew. Farrah, 'nak hindi ka magiging masaya kung pipilitin mo ang sarili mo na mahalin si Josh dahil lang sa naging mabuti siya sa'yo."

"Naguguluhan po ako 'nay hindi ko po alam ang gagawin ko. Hindi ko po alam kung paano ulit haharapin si Josh. Sana lang hindi ko na po nakita pa si Matthew ulit."

"Anak, wala'ng kasalanan ninuman sa inyo ni Matthew. Siguro mas mabuti na rin na palayain mo muna 'yang puso mo. Kausapin mo si Josh at ipaliwanag mo 'yang sarili mo para magkahiwalay man kayo ay walang sasamà ang loob. Nakukuha naman lahat sa magandang usapan eh basta maging totoo ka lang palagi. Alam ko at ramdam ko, 'nak, kung sino talaga ang laman niya'ng puso mo."

"Thank you, 'nay." Niyakap ko na lang si nanay. Gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa kaniya.

KINABUKASAN. Mga 11 AM na ako pumunta sa bahay ni Josh para mag-explain sa kaniya. Hindi ko alam kung nasa bahay nga siya kasi kanina ko pa tinatawagan pero hindi naman sinasagot.

Alam kong nasaktan ko siya ng sobra kaya tatanggapin ko kahit ano pa ang sabihin niya sa akin ngayon. Napag-isipan ko na 'to at hindi ako makikipaghiwalay sa kaniya. Mahal ko si Josh kaya aayusin ko 'to.

Nang makarating ako sa bahay niya hindi ko nakita si Josh dito sa labas o sa salas kaya malamang ay nasa kwarto siya. Nandito kaya talaga siya? Pinuntahan ko na lang ang kwarto niya. Dahil hindi naman pala naka-lock ang pinto kaya binuksan ko na lang 'yon. Pero sana hindi ko na lang binuksan.

"Farrah."

"Who is she, babe?"

Nagmamadaling inayos ni Josh ang sarili niya at nagsuot ng damit. Ako naman ay umalis na do'n. Hinabol naman niya ako.

"Babe, wait let me explain."

Sa sobrang inis ko sa kaniya bigla ko siya'ng nasampal paglapit niya sa akin.

"I hate you, Josh! Akala ko maaayos pa natin 'to eh pero hindi na dahil sa'yo. Alam mo namang hindi tayo okay tapos nagsama ka pa talaga ng babae dito? Magsama kayo ng babae'ng 'yan."

"Babe! Farrah, please mali 'yang iniisip mo."

Hinawakan niya ako at pilit na niyakap pero humiwalay din ako sa kaniya.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon