Chapter 6: Part 2: Dinner with Sir Matthew + Selos?

1K 26 0
                                    

MATTHEW'S POV

(Pahiram muna ng POV ni Farrah siya ng siya eh.😊)

Medyo natagalan akong magluto pero for sure sulit naman 'to. Hindi naman sa pagmamayabang pero hobby ko rin ang pagluluto. Kung hindi ko sa inyo nababanggit meron kasi akong older sister at hilig niya rin na mag-invent ng kung anu-anong recipes. Bakit kaya hindi na bumalik si Farrah dito?

Nakahain na lahat sa mesa kaya pinuntahan ko na si Farrah sa salas. But guess what? Ang himbing ng tulog niya sa sofa. Nilapitan ko siya at pinagmasdan. For sure napagod siya sa pagpa-part time. Kung hindi ko pa siya pilitin hindi pa sasama. She's cute while sleeping. Para akong binuhusan ng malamig na yelo ng bigla siyang bumaling sa may pwesto ko. Ang lapit na kasi ng mukha niya sa akin. Awkward. Napalayo na agad ako sa kaniya. Ano ba 'to biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Farrah." Mahinang tawag ko sa pangalan niya. Hindi pa rin siya nagising kaya sinamahan ko na ng mahinang pagyugyog sa braso niya.

"Hey, Farrah wake up." Napainat lang siya.

"Inaantok pa po ako eh."

"Nakahanda na ang pagkain hindi ka pwedeng tumulog ng walang laman ang tiyan." Ang hirap palang gisingin ng babaeng ito.

"Farrah." Hindi ko na siya nagising pa ulit. Pagod na pagod talaga ang babeng 'to. Sayang naman 'yong niluto ko nakahanda pa naman na. Dahil mukhang hindi ko naman na siya magigising para kumain kaya marahan ko siyang binuhat at dinala sa kwarto ko. Nakakaawa kasing patulugin ko lang siya sa sofa magsakit pa ang likod niya. Bumalik ako sa kusina para ligpitin ang mga pagkain. Siguro hindi na rin muna ako kakain. Nilagay ko na lang sa ref kasi pwede naman 'tong initin na lang in case na magising siya. Nagpalipas lang ako ng kunting oras at natulog na rin. Dito na lang ako nahiga sa sofa tutal hindi naman ako malikot matulog hindi kagaya ni Farrah. I turned off the lights dahil hindi ako makakatulog kapag maliwanag. Nahiga na ulit ako at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

FARRAH'S POV

Nang magising ako ay agad kong tiningnan ang relo ko. Ala una y media na pala ng umaga. Pinagmasdan ko ang silid at nasa kwarto pala ako ni Sir Matthew. Nasapo ko ang sarili ko dahil sa kahihiyan. Naging abala pa tuloy ako kay sir. Tumayo na ako at lumabas kaya lang paglabas ko ng kwarto niya wala akong maaninag. Nakapatay pala ang ilaw dito. Saan ko na ngayon hahanapin ang switch eh hindi ko naman alam? Sinubukan kong lumakad ng marahan at inaninag ang paligid. Malamang ay nasa sofa si Sir Matthew.

"Sir Matthew." Mahinang tawag ko sa kaniya pero wala naman akong nakuhang sagot. Ang dilim kasi talaga. Sa isiping madilim ay bigla tuloy akong natakot lalo na at medyo malamig dito sa condo niya. Para tuloy akong kinilabutan. Paano na lang kung lumabas si Chuckie dito. Stop thinking about it, Farrah.

"Hey."

"Aghhhhhhhhhhh!"

"Hey! Ssssshhh, stop shouting."

"Sir Matthew." Bigla akong napayakap kay sir Matthew sa sobrang takot. Magsalita na lang ba naman bigla tapos naka-white pa siya ng t-shirt. Creepy.

"What's wrong with you? Sana hindi mo nagising ang mga tao sa kabilang unit." Umalis na ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Eh, kasi sir tinakot niyo po ako eh. Akala ko po multo kayo."

"What? Ang gwapo ko namang multo." WOW.

"Sorry sir. Bakit po ba kasi nakapatay ang ilaw."

"Because I can't sleep with lights kaya in-off ko lahat. Wait here bubuksan ko lang ang ilaw."


_____________________________________________________

Cut na daw muna haha😂 See u sa next chapter...

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon