Chapter 38: Confusion

559 18 0
                                    

Naalimpungatan ako kinagabihan. Pagbangon ko sa kama sa mga tulips kaagad ako napatingin. Nagkalat ito sa kama hanggang sa tiles papunta'ng pintuan. Tumayo ako at binaybay ang mga tulips. Pagbukas ko ng pinto mayro'n ding nakalagay sa sahig ng hallway kaya sinundan ko na lang kung saan ang end nito. Hanggang sa narating ko ang balcony na napapalamutian at may mga bulaklak pa. Ang ganda ng desinyo dito pero hindi pa man ako nakakalapit ay napatigil ako sandali. Nakita ko na ang ganitong set up eh. Nangyari na 'to sa akin dati. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong lumapit sa may balcony pero ang paningin ko ay naagaw lang ng isang bulto ng lalake na nakatalikod at nakaharap sa may dagat.

Matthew? Josh?

"Hey, babe."

Mahinang pagyugyog ang gumising sa akin at pagmulat ko ay si Josh kaagad ang bumungad sa akin.

"Bakit mo 'ko ginising?" Demanda ko.

"Good morning."

Pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko at nagkumot. Gusto kong matulog ulit kailangan kong malaman kung sino ang nasa panaginip ko.

"Get up now breakfast is ready. Babe." Niyugyog niya ako ulit kaya napabangon na rin ako.

The best talaga ang foods dito sobra'ng sarap ng menu nila everyday. Plus, idagdag mo pa 'tong magandang view na mas lalong nakakagana sa pagkain. Ito talaga ang mami-miss ko pagbalik sa Manila.

"Ate kamusta kagabi?" tanong ni Sarrah na abala sa cellphone niya. Hindi ko na lang siya sinagot.

"Dapat kasi sa akin ka nagtatanong Sarrah eh." singit ni Dhesa.

Dahil napatagal pala ang gising ko kaya ako na lang ang nag-iisang kumakain ng breakfast. Meron din palang guest na kumakain sa kabilang tables at isa sina Venice at ang asawa nito na nginitian pa ako ng magtama ang mga paningin namin.

Tapos na akong kumain at mag-isa na lang ako dito sa table kasi si nanay umakyat sa kwarto niya tapos 'yong tatlo nag-ayang maglakad-lakad sa tabing dagat. Hindi naman ako sumama dahil wala akong gana. Si Josh naman nasa kwarto niya at nagsha-shower.

"Hi, Farrah." Bati sa akin ni Venice na nakalapit na pala at may dalang cup of coffee.

"Hi!"

"Pwede'ng maupo?"

"Yeah, sure."

"Thanks." Naupo na siya sa tabi ko at binaba ang kape sa mesa.

"How's your staying here?" tanong niya.

"Masaya naman nakakatanggal stress. Ikaw? Kayo ng husband mo, kumusta?"

"Sobrang nag-i-enjoy kami dito ni Rico. Kung pwede nga lang sana'ng dalhin 'tong Boracay sa Manila why not 'di ba?"

"Naisip ko na rin 'yan."

Natawa na lang kaming pareho. Uminom muna siya ng kape saka muling binaba sa mesa.

"Kagabi nga pala pasensiya na kung sinira ko 'yong game."

"Okay lang 'yon, I understand." Tiningnan ako ni Venice.

"May gusto ka bang itanong sa akin?"

"Hindi naman sa pangingialam Farrah 'no pero bakit hindi mo subukang palayain 'yang sarili mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon