Chapter 59: The Bad News

469 16 1
                                    


FARRAH'S POV

Papunta ako ng lady's room ng mapahinto ako at mapalinga sa likod. Tingin ko may sumusunod talaga sa akin. Naglakad na lang ako ulit pero ramdam ko talaga na may sumusunod sa akin kaya naman medyo binilisan ko na lang ng paglalakad at nagkubli.

"Sa'n na 'yon nagpunta? Napansin niya ba ako?" Rinig ko pang sabi niya. Kinudlit ko ang lalaki at napatingin naman agad sa 'kin na medyo nagulat pa. Based sa looks niya he's a bachelor.

"Sinusundan mo ba ako? Ha?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ha? Ha-ha! Hindi, miss. Excuse me."

"Hey!" Napahinto siya sa pag-alis.

"Umamin ka na o tatawag pa ako ng pulis?"

"Hayyy. Hindi nga kita-"

Nadala ko pala 'tong phone ko kaya dinial ko na agad ang number ng pulis na ikinahinto niya sa pagsasalita.

"Hello, Police department? May lalaki dito na--"

Bigla niya kasing inagaw ang cellphone ko at pinatay ang tawag.

"Okay! Okay! Gosh!" Kinuha ko 'yong cellphone ko sa kaniya. May kinuha siyang ID sa wallet niya at pinakita sa'kin. Police ID?

"Pulis ako, Ms. Farrah."

"Pulis ka? P-Pero bakit mo 'ko sinusundan? May kasalanan ba ako'ng nagawa?"

"Ahh. Wala Ms. Farrah kasi under investigation ka ng team namin."

"What? Under investigation? Tell me what's my fault? Ha? What on earth is happening?"


"Sir." Bati niya sa kadarating lang na pulis din siguro. He looks old. Napatayo din ako at nginitian ito kahit kanina pa ako naguguluhan sa nangyayari. Narito kami sa coffee shop malapit lang sa office.

"May sinabi ka na ba sa kaniya?" Bulong niya dito na inilingan lang naman nitong sumusunod sa 'kin kanina. Tiningnan niya ako pagkatapos at nginitian.

"Magandang araw sa 'yo Ms. Sotto. Captain Raymond Castillo." Inabot ko 'yong kamay niya at nakipag-shake hands.

"Maupo ka, Ms. Sotto."

"Kilala mo ako, Captain Castillo? Sabi niya sa 'kin kanina under investigation ako ng team niyo. Totoo po ba 'yon?" Tiningnan niya ng masama ang lalake.

"Ms. Sotto, wala pa ba'ng nababanggit sa 'yo si Matthew?"

"Si Matthew?" Napailing na lang ako.

"Ano po'ng kinalaman ni Matthew dito, sir?" Takang tanong ko. Naguguluhan na talaga ako.

"Sandali."

Kinuha niya 'yong cellphone niya. May tinatawagan yata siya pero hindi naman  sinasagot kaya hinarap na lang ako ulit.

"Ms. Farrah Sotto, m-may..." Napatighim muna siya bago magsalita. Gosh! Hindi na ako makapaghintay sa anumang sasabihin niya.

"Tingin ko kailangan mo na rin 'tong malaman. Ms. Sotto kasi..."

Pabalik na ako ng office pero lutang pa rin ako dahil sa mga sinabi ni Captain Castillo. Napahinto ako at tiningnan 'tong pulis na sumusunod sa 'kin.

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon