Kabanata 1

167 24 9
                                    

Amanda's POV

"Paano kung yung taong mahal mo dati nakita mo then suddenly all the memories came back? What will you do?"

"Edi ma'am hayaan namin marupok kami eh HAHAHAHAHA"

Sabay nagtawanan lahat except for me

"Hindi ma'am kasi kinalimutan na siya"

"Depende ma'am nasa samin ung desisyon" sabi ng isa kong kaklase

Ayan dyan magagaling mga kaklase ko

"Grabe naman to si ma'am puro love ang topic" bulong ko habang naglelecture si ma'am Cruz

Sa lahat ba naman kasi ng itotopic love pa talaga?

Tagal naman mag lunch hays.

Pero interesting ha? Ano ba ang gagawin mo kung yung taong kinalimutan mo na eh biglang balik kasama memories nyo together?

Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si ma'am

"Ganito lang mga anak, Memories stay people don't... Be careful who you make memories with, Cause those things last for lifetime"

Biglang nagflashback lahat sa utak ko yung mismong nangyari samin ng ex ko.

Then it hit me... Hindi pala talaga lahat ng tao magstay sayo for good kahit anong gawin mo iiwan ka padin nila.

Biglang nagring yung bell senyales na breaktime na namin.

Tumayo na ang lahat syempre papaiwan ako aantayin ko nalang bestfriend ko.

Hindi ko kasi siya kaklase bet niya kasi mag STEM at magpakabaliw sa math ng sobra kaya ayon natuluyan na ata masiraan ng ulo.

Pareho kasi kaming grade 12 ngayong taon.

"Teh tara na punta na tayo sa canteen baka andon na si my labs!"

Taena korni talaga ng babaeng to. Every one meet my one and only loka lokang bestfriend!! Ang nag iisa at walang katulad sa ingay ng bunganga!!!
Ashlie Chavez!!! Diko nga alam bakit ko naging kaibigan ang bruha. Sabi nga nil kung sino pa hindi mo expect na maging kaibigan magiging kaibigan mo.

Habang papunta kaming canteen salita ng salita naman tong isa pero hindi ko naman siya pinapansin.

"Huy te? Kanina pa kita kinakausap daig mo pa lutang gagang to ano na?Ayan napapala mo sa ex mong gago sakit no?" Asar pa niya sakin.

Talaga nga naman oh.

Nung kelan lang kasi nag break nang ex ko eh.

"Pano kasi Ash ingay ingay ng bunganga mo rinig hanggang kabilang building nakakairita kaya!" Inirapan ko naman siya.

Aba ang gaga inirapan din ako!

"Ewan ko sayo! Ikain nalang natin yan daming kadramahan mo kung sayo sumama ka sakin mamaya sa basketball court dun satin" sabay harap sakin.

Taka naman akong tumingin sakanya. "Ano naman gagawin natin don?"

"Try natin mag swimming be baka trip mo? Tuleg kaba?! Ano ba meron sa basketball court malamang may naglalaro! jusmiyo por favor Amanda".

Loko to ah. Pektusan ko kaya to.

"Gaga alam ko! Pero anong gagawin natin dun!".

"Hahanap jowabels malamang! Daming pogi na player dun no!".

Mapapafacepalm kanalang talaga sa babaeng to tsk tsk.

"Akala ko ba andon my labs mo sa canteen sino naman pupuntahan natin sa court?" Lingon ko sakanya habang naka taas ang isang kilay.

"Sumama ka nalang hay nako may papakilala ako para magkalovelife kana no! At makalimutan mo na yang ex mo!"

Psh. Whatever. Hay nako akala mo siya yung iniwan eh.

"Alam mo gurl? Pakyu ka oo na sasama na ako tong babaeng to dadamay mo pa ako kalokohan mo pasalamat ka kaibigan kita" kung hindi ko siguro to kaibigan kung ano ano na nasabi ko sakanya.

"Tara na kain na tayo baka nag aalburoto na mga ahas sa tyan ko" yaya niya sakin.

Buti naman naisipan nito kumain na kanina pa ako gutom eh pano ba naman malelate na ako sa 1st class kaya di na ako kumain.

"Akala ko wala kang balak yayain ako eh, libre moko ah"

"Oo impaktang to gusto mo pag aralin pa kita?"

At sabay kaming natawa sa kagaguhan naming dalawa.


*to be continued*

1. Expect typographical errors while reading 'ATWTSS'.

2. I can't update often, i might update once in a week or two.

3. Please be informed that this story contains Vulgar words, that you may find inappropriate and not suitable for kids. Read at your own risk.

and lastly.

Enjoy reading my works.

Credits to the rightful owner of the picture used in the Book Cover.
Source (Book Cover)

This is a work of fiction. Any Names, Characters, Businesses, Places, Events, Locales, and Incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

JJrein.

ALL RIGHTS RESERVED

One Last TimeWhere stories live. Discover now