kabanata 19

28 18 2
                                    

Amanda's Point of View.

Nagising ako ng makita na wala sa tabi ko ko si Philip asan na yon?

Tumingin naman ako sa wallclock ko.

6 pm.

Asan kaya yon? Tumayo naman ako at saka bumaba don ko naman siya nakita na nagluluto ng dinner kasama si mama.

Talagang nag kakasundo sila ah?

"Oh anak gising kana pala... Naabutan ko kanina dito si Philip sabi hindi ka daw pumasok" sabi niya sakin habang nakatalikod padin.

"Masama lang po pakiramdam ma" sabi ko atsaka umupo.

Tinignan ko naman silang dalawa na nagluluto.

Isang buwan nalang at aalis kana isang buwan nalang din ay gragraduate na kami.

Naghahain naman si Philip.

"Isang buwan nalang at aalis kana" malungkot kong sabi.

Tinignan naman niya ako.

"Babalik pa naman ako diba? Sabi ko babalikan kita" atsaka naglapag ng kutsara sa harapan ko.

Bumuntong hininga naman ako.

"O kumain na at nang makauwi na si Philip" kukunin ko na sana ang lalagyanan ng kanin pero naunahan ako ni Philip siya na din naglagay ng kanin at ulam ko. Nginitian ko naman siya.

Nang matapos kami kumain ay nagpaalam naman agad si Philip hinatid ko siya sa may gate.

"Magtetext ako sayo mamaya, Magpahinga ka na din pumasok kana bukas" sabay halik sa noo ko at lumabas.

Inantay ko naman siyang makaalis atsaka pumasok sa loob.

Naupo muna ako sa may salas atsaka tumabi kay mama.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Philip ah" sabi ni Mama habang kumakain ng desert.

"Alam mo naman diba Ma simula bata palang ay mag gusto na ako kay Philip" sabi ko habang nakatingin sa Tv.

"Hindi nga ako nagkamali na kayo ang ipakasal sa isat isa" sabi niya habang nakangiti sakin.

Ako din Ma. Hindi ako nagkamali na pinili ko si Philip noon.

Pinili ko na siya noon. Siya padin ang pipiliin ko ngayon.

"Pano si Axel? Yung batang yon halata na may gusto sayo" sabi niya pa.

Nahahalata na niya din pala.

"Ewan ko Ma, Hanggang kaibigan lang ang turing ko kay Axel, Siguro mamahalin ko din siya kung hindi dumating sa buhay ko si Philip" usal ko atsaka bumuntong hininga.

"Aakyat na po ako ma" sabi ko sakanya atsaka tumayo para humalik sakanya.

"Osige matulog kana maaga pa ang klase mo bukas alagaan mo sarili mo"

Umakyat naman ako sa kwarto atsaka naligo.

Nang matapos akong maligo ay humiga ako agad.

Nanood muna ako ng Netflix sandali bago magpasyang matulog.


One Last TimeWhere stories live. Discover now