Kabanata 25

27 19 0
                                    

"Hoi Amanda, ano lasing kana ba agad?" Sabi sakin ni Axel.

Lasing agad? Ano kala nitong mga to mahina ako uminom duh.

Umirap naman ako sakanya atsaka kumuha ng baso at nagsalin.

Nakaupo lang kami dito halos isang oras na din at medyo may tama na din ako.

"Ano dito nalang tayo?" Sabi ni Ash.

"Don't tell me gusto mo magsayaw?" Sabi ko atsaka uminom nakaka dalawang bote palang kami.

Gumuhit naman iyon sa aking lalamunan at napapikit ako.

"Bat ba tayo nandito sa bar? Hindi ba para magsaya? Tara na!" Sabay hila sakin patayo.

Lumingon naman ako kay Axel at binigyan niya lang ako ng tingin na "ano gusto mo gawin ko?" Look, susko po.

Putek dat pala di na ako sumama. Wala naman ako nagawa kundi makihalubilo sa tao sa dancefloor.

"Mukhang ikaw pa lasing eh" sabi ko nag make face naman siya atsaka nagsayaw.

At ako naman ay sumayaw din kaso sandali lang at nagpaalam na ako na babalik sa pwesto.

"Oh bat bumalik ka agad?" Tanong ni Axel habang hawak ang baso niya.

"Sumakit ang paa ko kasi naman naka heels pa ako" atsaka hinawakan ang likod ng paa.

"Patingin nga" sabi niya.

"Ha, e wag na" tanggi ko.

"Sige na, Akin na patingin ako" sabay kuha sa paa ko.

Ako naman ay walang nagawa kundi tignan ang ginagawa niya.

"Masakit ba sobra?" Habang tinatanggal ang sapatos ko.

"Medyo" habang hinahawakan ang binti ko.

"Ipahinga mo to bukas baka ano pa mangyari sa paa mo" habang minasahe niya ang paa ko.

Tumingin naman ako sa dancefloor para tignan si Ash.

Ayun at may kasayaw na, na lalaki.

"Axel kunin mo na si Ash don sa gitna, may tama na yan" sabi ko atsaka binawi ang paa ko sakanya.

"Salamat" sabi ko.

Umalis naman siya at nagtungo kay Ash pinanood ko naman siya.

Hays.

Kung andito lang talaga si Philip, onti nalang naman na iintayin ko.

Babalik kapa naman hindi ba?

Atsaka dumako ang tingin ko sa singsing palagi kong suot yung ibinigay niyang singsing sakin nung graduation namin.

Bumalik naman ang tingin ko kina Axel at Ash na pabalik dito.

Ay rinig ko na agad ang pag aaway nilang dalawa.

"Ano ba?! Sumasayaw pa ako don hihilahin moko" sabay piglas niya.

Sumabat naman na ako sakanila. "Lasing kana Ash maupo kana dito, ako nagsabi kay Axel na kunin kana dun"

Umupo naman siya at saka akmang magsasalin uli. Sinenyasan ko naman si Axel na patigilin na.

Kinuha naman ni Axel ang baso ni Ash at si Ash naman ay ngumawa nagrereklamo dahil gusto pa niya.

Lakas mag aya pero mabilis malasing tsk tsk.

Umiling nalang ako atsaka uminom uli sa baso.

"Maya maya umuwi na tayo baka di na kaya ni Ash, Magdrive kapa pauwi Axel" sabi ko.

Sunod sunod naman ang inom ko ng alak.

"Hinay sa inom uy, malalasing ka niyan" sambit ni Axel, umirap naman ako.

Lumingon naman ako kay Ash na naka higa na sa kabilang side ng upuan.

Napailing ako.

"Tara na nga bagsak na yang isa" yaya ko.

Ginising naman ni Axel si Ash na mukhang sabog na at hindi na mapinta ang mukha dahil sa kanda gulo gulo nyang make up.

"Tara na uuwi na tayo"

Nang patayo na ay umikot naman ang paningin ko  bigla kaya't napaupo ako agad.

Shit. Napahawak naman ako sa ulo ko na parang tumitibok. Lahat ng ininom ko kanina ay ngayon tumama lahat.

"Ano kaya mo?" Sabi ni Axel habang inaalalayan din si Ash.

Tumango naman ako sakanya atsaka nagtiis. Tiniis ko ang lasing at sakit ng paa papunta sa kotse.

May award na ba para dito, kasi kung meron iaward niyo na sa akin.

Ika ika naman akong naglalakad sa likudan nila.

"Ayos ka lang ba talaga?" Lingon sakin ni Axel.

Nag thumbs up naman ako.

Nang makarating sa bahay ay bumaba ba ako agad at nag paalam.

"Sige na ihatid mo na sakanila yan mag ingat ka" sabi ko atsaka kumaway sakanya.

Nang makapasok ako loob ay sinarado ko na agad ang gate at pintuan atsaka umakyat sa taas.

Binuksan ko naman aircon at hindi na nagtangka na magpalit mabuti na nga lang at hindi ako nag make up kundi hindi ko matatanggal iyon.

Dumiretso na ako sa tulog.

One Last TimeWhere stories live. Discover now