Kabanata 6

45 21 0
                                    

Amanda's POV

Tapos na kaming kumain lahat at nakayayaan naman na, Na umuwi kasi 6 na din pala andon na yun si mommy sa bahay.

"Oh mag si uwi na kayo tapos na kayo kumain diba?" sabay irap ni Ash sa mga boys.

"Amanda hatid na kita" sabi ni Ace habang hawak braso ko.

"Ayan ka nanaman baka mag away kayo ulit nung isa" sabi ko sakanya.

Biglang sumingit naman si Eros.

"AKO ang maghahatid sakanya hindi ikaw" sabay hawak din sa braso ko.

Talagang inemphasized niya yung 'ako'.

"Sige ikaw na akala mo naman maagawan ka" maangas na sabi ni Ace.

Hinigit ko na si Eros plabas ng bahay nagpalaam na din ako kay Ashlie na mauna na kami.

"Ano ba problema mo? Kaibigan mo tas pag sasalitan mo ng ganon? Nahihibang kana ba?"

He's giving me an heart attack seryoso.

Seryoso naman ang mukha niya.

 Psh. Akala naman e girlfriend niya ako e ngayon lang kami nag kakilala.

"Tara na umuwi na tayo" yaya ko sakanya at nagsimula naman kami maglakad.

Tahimik ang paligid at mahangin.

Malapit na kami sa bahay bigla siya nagsalita.

"Im sorry" sabi niya.

"Para saan naman?" bipolar ba to? Kanina galit tas ngayon nagsosorry.

"Sa asal ko kanina sa bahay nila Ash"

Hmm...

"Okay lang yun basta next time wag mo nalang din patulan pareho pa kayo mapasama" bulalas ko.

Tama naman ako diba?

Nasa tapat na kami ng bahay.

"Dito ka na?" Tanong niya namn sakin.

Obvious ba?

Tumango naman ako sakanya.

"Dipa pala ako nakakapag pakilala sayo ng maayos" umubo naman siya at nilahad ang kamay niya.

"Eros, Eros Philip Rodriguez"

Sabay lahad ng kamay niya na inabot ko din.  "Amanda Blaire Smith"

Parang kilala ko talaga tong lalaking to.

He's scent.

He's figure.

Naputol naman ang iniisip ko ng kumalas na siya pagkakahawak.

"Ah hehe sorry" awkward kong sabi.

Nginitian naman niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Magpahinga kana, Susunduin kita sa susunod na araw puntahan nalang kita dito sainyo" tinanguan ko nalang siya at pumasok na sa gate.

Kinawayan ko naman siya at sinenyasan na maglakad na... Ngumiti naman siya at napailing bago umalis.

Taena.

Napabuga naman ako ng hangin.

Walang paglagyan yung kaba ko sa dibdib.

Pero naguguluhan padin ako. Para kasing kilalang kilala ko siya kaso hindi ko maalala.

Pumasok na ako sa bahay nakita ko naman si mama na nasa salas nanonood tv.

"Ma nakauwi kana pala hindi ka man lang nagtext" sabi ko atsaka nagtuloy tuloy ng pasok.

"Baka kasi may ginagawa ka nak kaya hindi kita tinext o tinawagan"

Dumiretso ako sakanya para yumakap at tumabi sakanya.

"Ah nak may balita pala ako sayo"

Ano naman kaya yun?

"Ano po yun ma?"

"Nakabalik na sina tita Lani mo galing states."

natigilan naman ako.

Nakabalik na sina tita Lani mo galing states.

Nakabalik na sina tita Lani mo galing states.

Nakabalik na sina tita Lani mo galing states.

"Tita Lani? Siya yung mama ni Philip hindi ba?" Gulat kong tanong.

"Oo kasama daw nila umuwi dito si Philip" nagliwanag naman ang mata ko sa narinig.

Narinig niyo yun?! Umuwi na si Philiiiiip!!!!

Umuwi na yong bestfriend ko!

"Bibisita ba sila dito sa bahay?" tinanguan ako ni mama.

WTF PUPUNTA PA SILA DITO SA BAHAY?

"Kasama si Philip?!" Pasigaw kong sabi.

"Oo eto naman kung makasigaw sakin akala mo hindi ako matanda sayo" napailing naman si Mama.

"Sorry ma hehe excited lang labyu, Akyat lang ako sa kwarto ma!" Atsaka tumayo na.

"Sige kumain ka naman na siguro?"

"Opo ma!" Sabi ko habang paakyat ng hadgan.

Nagmadali ako pumunta sa kwarto para magkulong.

IIIIIIHHHHH!!! NAKAUWI NA PALA SILA EH!!!!

Sabay talon sa kama ko na nakangiti sabay yakap sa unan ko.

Sana ikaw nalang to.

Hays.

hanggang sa makatulog na ako na iniisip siya.

One Last TimeWhere stories live. Discover now