Amanda's Point of View
Akmang papasok ako ng room ng biglang tumambad naman sa harapan ko si Axel na nakahilig sa pinto kaya't nauntog naman ako sa dibdib niya. Humawak naman ako sa noo ko kung san ako nauntog.
"Bakit kaba nakaharang kasi sa daan?" tanong ko habang dumistansiya sakanya.
"Kasi alam kong padating kana, inaantay kasi kita" sabi niya sakin habang ang kamay niya nakalagay naman sa bulsa niya.
"Oh andito na ako, padaan ako dali na" makaawa ko sakanya kasi ang bigat ng bag ko kaya lang naman hindi ako nag salita kanina kasi si Philip may dala ng bag ko.
Papasok na sana ako ng bigla niya ako hilahin. "Not so fast, sumama ka sakin"
hinila naman niya ako habang ako nagpupumiglas.
"Ano ba?! San mo ba ako dadalhin? Ang bigat bigat ng bag ko oh" sabay pakita sakanya ng bag ko.
Kinuha naman niya ang bag ko at inabot sa kaklase namin. Atsaka nagpatuloy sa paghila sakin hindi naman na ako pumalag pa.
Ano ba naman kasi to?
Dapat nung una palang di na ako pumayag ng di nagkakagulo eh.
nagpahila naman ako sakanya kung saan siya pupunta.Teka papuntang likod ng school to ah?ano naman gagawin namin don.
Oh no. Dont tell me?
Ano bayan Amanda wag ka mag isip ng ganyan!
Nang makarating kami sa likod ng school ay binitawan na niya ang kamay ko at humarap sakin ako naman ay nakatingin lang sakanya ng diretso.
"Amanda hindi ko na kaya, hindi ko na kaya na makita ka kasama si Philip na masaya, hindi ko na kaya makita kang masaya sa iba at hindi sa akin" nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya.
Pero ano bang magagawa ko Axel? Ano?
Hindi ko din naman ginusto itong mga to.
"Pero hindi ko kaya suklian ang pagmamahal mo Axel" malungkot na sabi ko.
"Alam ko, kaya nga andito ako at nagpapakatanga sayo kahit na alam kong hindi mo ako kayang mahalin katulad ng pagmamahal mo kay Philip" mapait na sabi niya.
"Im sorry Axel, im really sorry" yumuko naman ako.
Hindi ko alam ano mararamdaman ko.
Matutuwa ba kasi matitigil na lahat ng to? O maaawa sakanya?
"Patawarin mo sana ako sa gagawin ko, Amanda" sabi niya habang unti unting lumalapit sakin.
"Teka anong gagawin mo?" takot kong sabi.
Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy na naglakad palapit ako naman ay humakbang paatras at tatakbo na sana ng bigla niya hablutin ang kamay ko at hilahin papunta sakanya at saka ako hinalikan.
Nagulat naman ako dahil sa ginawa niya at hindi nakagalaw agad. Gumalaw ang labi niya na nakadikit sa labi ko pero ayon ako at nakatulala padin. Bumitiw naman na siya sa pagkakahalik sakin habang nakapikit.
"Anong ginawa mo?!" galit kong tuon na may namumuong luha sa mga mata.
"Bakit mo ginawa yon?!" paiyak kong sabi.
YOU ARE READING
One Last Time
Teen FictionDoes true love has a habit of coming back? Or it just happens that it found you in your mess? What if the love you forgot, found you again? What will happen when two lost souls found peace in each other? Will it be a happy ending? Or just an another...