Does true love has a habit of coming back? Or it just happens that it found you in your mess?
What if the love you forgot, found you again?
What will happen when two lost souls found peace in each other?
Will it be a happy ending? Or just an another...
Dumating na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ang pagtatapos ng School Year.
Habang nag aayos ako ng mukha ay hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot aalis na din si Philip. Inayos ko na ang dadalhin at ang toga ko.
This is it.
Pag baba ko ay nakahanda na din si mama. Nang palabas kami ay may bigla namang pumaradang sasakyan. Sasakyan ni Philip kasama ang magulang niya.
"Amiga sumabay na kayo sa amin talagang dinaanan pa namin kayo para sabay ng pumunta doon" sabi ni Tita Lani.
"Ay salamat Amiga" bumukas naman ang pinto sa likod at andon si Philip na ayos na ayos ang itsura.
Ngumiti naman ako.
"Ang gwapo ah" sabi ko habang tinutuya siya.
"Napaka ganda mo" sabi niya atsaka hinawakan ang kamay ko.
••••
Nang makarating kami sa School ay agad kaming bumaba. Pagkapsok sa loob ay madami ng tao. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Saka lang kami naghiwalay nung uupo na nakahiwalay kasi ang babae at lalaki. Nakita ko naman si Axel kaso hindi ko padin ito pinapansin tahimik lang siyang nakaupo.
Tapos na.
Naka graduate na kami.
"Congrats Amanda!!" Sabi ni Ash habang naka yakap sakin.
Ngayon naman ay picture picture nalang.
"Congrats din sayo, College na tayo!" sabi ko.
Lumapit naman kami sa Pamilya ko at pamilya ni Philip.
"Congrats iha" sabi sakin ni Tita Lani habang yakap ako. Ganon din ginawa ni tito.
Si mama naman ay umiiyak.
"Ang anak ko mag kokolehiyo na" sabi niya habang maiyak iyak pa.
"Ma wag ka ngang umiyak sige ka" biro kong sabi.
"Congrats din Ash iha" sabi ni mama nagpasalamat naman si Ashlie.
Dumating naman si Philip.
"Wait lang Amanda may kunin lang ako." Sabi niya atsaka umalis agad.
Sumimangot naman ako. Akala ko pa man din psh. Nagulat naman ako pag balik niya ay may dala na siyang Bouquet. Napahawak naman ako sa bibig habang nakatingin sakanya. Lumingon naman ako kina tita Lani at Mama na parang wala lang sakanila iyon. Ganon din si Ashlie na wagas kung ngumiti. Mukhang plinano ah.
Pagkalapit naman niya sakin ay inabot niya agad ang Bouquet.
"Congrats sating dalawa" atsaka may kinuha pa siya sa likod niya.
Isang velvet box.
Ako naman ay gulat padin. Pagkabukas niya ay tumambad sakin ang Isang singsing.
"Promise ring, Para kapag nakikita mo to alam mong babalik ako, Babalik ako sayo" sabi niya atsaka sinuot iyon sakin.
Napatingin naman ako sa singsing simple ngumit mukhang elegante tignan. Yumakap naman ako sakanya.
"Thank you Philip, Sa lahat ng nangyari satin simula noon" habang mangiyak ngiyak.
"I'll marry you when the time comes, just wait for me" bulong niya sakin, at hinalikan ako sa sintido.
Pumalakpak naman sina Mama at pamilya ni Philip si Ash naman ay nakangiti din. Pagtapos noon ay nagpicture picture na kami.
"Date tayo mamaya? Bago ako umalis?" Sabi niya
"Mamimiss talaga kita Philip, Hindi naman tayo mawawalan connection hindi ba?" Lungkot kong sabi na may pag aalala.
Ginulo naman niya buhok ko.
"Syempre naman, Tara na nagpaalam naman na ako kina Mama at Tita Rose na magdedate tayo bago pa mag graduation" kinuha ko naman ang kamay niya atsaka lumingon kina mama at Ashlie.
Tumango naman sila ibig sabihin ay pinapayagan kami.
Ako naman nakangiti sakanya habang hawak padin ang bouquet. Nang makadating kami sa restaurant ay agad umorder si Philip.
"Salamat Philip sa lahat" sabi ko habang hawak padin ang kamay niya.
"Lahat gagawin ko para sayo"
Atsaka nagsimula na kami kumain.
Nang ihahatid na ako ni Philip pasakay sa kotse ay nagpasalamat ako ulit habang binubuksan niya ang pinto "Salamat talaga Philip" saka ngumiti. Ang saya saya ko ngayong araw.
Nang makarating sa bahay ay nagpaalam na ako sakanya. Bababa na sana ako ngunit tinawag niya ako ulit.
"Amanda" sabi niya.
Lumingon naman ako sakanya atsaka ko narealize na sobrang lapit ng mukha ko sakanya dahilan kung bakit naglapat ang mga labi namin. Nagkagulatan naman kami pareho. Hihiwalay na sana ako ngunit hinawakan niya ang batok ko. Atsaka gumalaw naman ang labi niya sumunod naman ang labi ko sa galaw ng labi niya. Ng maramdamang kakapusin ng hininga ay kumawala na ako.
Nagdikit naman ang noo namin.
"Mahal kita"
2 salita pero napaka laking epekto sakin.
"Mahal din kita."
Saka dinampian niya ang labi ko bago ko pakawalan na may ngiti sa labi.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Eto ung ring na binigay ni Philip kay Amanda.
A/N: Kung nagtataka po kayo bakit ang bilis hindi naman po kasi naka focus sa pag aaral ung story po sakanila po naka focus yung story.