Kabanata 47

7 1 0
                                    


"Amanda, she's here" sabi sakin ni Philip. Tumango naman ako.

"Kaya mo na ba? Baka kailanganin mo kami?" Sabi ni Ash sakin.

Umiling naman ako. "Kaya ko na to, dikaba bilib sa muscles ko?" Sabi ko atsaka flex ng muscles ko kahit wala naman.

Sabay naman kami lumabas ni Philip at andon si Adelyn na masama ang titig sakin. Pota akala ko ba kakausapin? Eh bakit ganyan makatingin yan? Baka gusto pa ng round 2?

"Explain." Diing sabi ni Philip.

"First of all, im sorry about what i did 4 years ago. Hindi ko naman alam na aabot sa ganon. Oo nagalit ako dahil ang dahilan niya sakin kung bakit siya uuwi ng Pilipinas noon ay para mag aral, pero iba ang dumating na balita sakin umuwi siya para hanapin ka... I was there nung nangungulila siya sayo. Ako ang tumulong sakanya para malimutan ka niya habang asa states"

Nagsimula naman manginig ang boses niya at nagbabadya na tumulo ang luha. Iiyak ba siya?

"Ako ang andon, pero hindi ako ang pinili. He didn't choose me Amanda, he chose you. Umalis ako ng states hinabol siya dito sa Pilipinas nagbabakasali na maiba ang desisyon niya, na baka ako na ang piliin niya... Ako lang pala ang nag isip non dahil nung una palang alam ko na, walang kumpetensiya na naganap kasi ikaw ang tunay niyang mahal. Ginawa ko lahat para makalimutan niya but i guess it's not enough... Ako yung nanatili Philip eh, ako, pero si Amanda ang mahal mo. Tama nga sila, if they were sure about you, you would know..."

Nagsimula naman siya umiyak at napaluhod. Ako naman ay naawa sakanya ng marinig ang dahilan niya, kaya pinisil ko ang kamay ni Philip.

"He loves you so damn much, kaya hindi niya ako mapansin pansin... nag mukha ako martir pero tiniis ko kasi mahal ko. Siguro nga Philip talo talaga ako... Im letting you go. I wish you to be happy, always take care of her. Don't make her cry like what you did to me..." hagulgol niya.

Bumitaw naman ako sa pag kakahawak ni Philip at niyakap si Adelyn.

Nagulat naman siya. "W-what are you doing?"

Hinagod ko naman ang likod niya. "I know how it feels, not to be loved... Please free yourself, wag mo ikulong ang sarili mo ng dahil sa pagmamahal lang. Im sorry about what i did to you last time... Naiintindihan na kita ngayon kung bakit mo iyon ginawa kaya pinapatawad na kita, but please free yourself okay?" Sabi ko sakanya, kaya mas lalo naman siya umiyak at niyakap din ako.

"K-kailangan ko na umalis, thank you and im sorry" sabi niya atsaka tumalikod samin.

"I feel sorry for her Philip, I didn't know na ganon pala ang pinagdaanan niya..."

Lumingon naman ako sakanya. "Me too. But i guess everything is settled right?" Sabi niya.

Tumango naman ako sakanya. Hinalikan naman niya ako sa labi. "I love you." Sabi niya.

Ngumiti naman ako. "I love you too." Atsaka siya hinalikan ulit. Bago kami pumasok sa loob na magkahawak kamay.

One Last TimeWhere stories live. Discover now