Kabanata 23

34 20 2
                                    



Months Later...

"Hoi! Amanda gising na pag tayo nalate tatlo dahil dika pa gising dyan!" Sigaw sa labas ng kwarto ko.

"Oo na eto na!" Sabay bangon na padabog.

"Bilisan mo kahit college na tayo malelate padin tayo napaka bagal mo!" Panigurado naman si Ash yan siya lang naman may pinakamaingay na bunganga sa storya na to psh.

Sabay kasi kami lagi napasok nina Axel at Ash pare pareho kami ng pinasukan at pare pareho din kami ng Schedule kahit mag kakaiba kami ng kurso.

•••••

Pagkababa ko ay andon sila sa may hapakainan at kumakain."Goodmorning" bati ni Axel.

"Mga wala ba kayong bahay?! Bakit dito kayo kumakain" sigaw kong tanong.

"Anak, hayaan mo na para naman umingay din bahay natin palaging dalawa lang tayo" sabi ni Mama habang nag hahain.

Umakma naman akong susuntukin silang dalawa agad naman nagsumbong si Ash.

"Tita oh! Si Amanda susuntukin kami" pinandilatan ko naman siya.

Umagang umaga ah!

Umupo naman na ako at kumain

"Tara na bilisan niyo kumain" sabi ko atsaka tumayo at kinuha ang gamit ko.

Pagbalik ko ay nakain padin sila.

"Hoi may pasok tayo mga gaga ano sige buffet nalang tayo wag na pumasok" sabi ko atsaka umirap.

"Eto na! Kj mo" sabi ni Ash.

"Tara na maglalakad pa tayo" sabi ni Axel.

Sabay naman sila nagpasalamat kay mama atsaka nagpaalam. "Ma alis na po kami ikandado mo po bahay dito po kami dederetso after class" sabag halik sa pisngi niya.

"Tara na" sabi ko sakanila.

"Nako Axel buhatin mo yang si Amanda napaka bagal nyan maglakad tignan mo baka pag dating natin late na tayo pare preho sa 1st sub" sabay takbo palayo.

Tumawa naman si Axel.

"Tinatawa tawa mo dyan?! Tara na!" Sabi ko atsaka minadali maglakad.

••••

"Kita kita nalang tayo Lunch, pare pareho naman tayo Sched diba" sabi ni Axel.

"Sige na magsipasok na kayo" sabi ko sakanila.

"Mauna kana Ash ihahatid ko lang si Amanda" usal niya.

"Bakit ako hindi? Hmp bahala kayo dyan che! Kita nalang maya" saka nag lakad sa building nila.

"Sigurado kaba? 20 mins nalang 1st sub na" sabi ko habang nakatingin sakanya.

"Magkatabi lang tayo ng building tongek" saka naman ako kinutusan.

Aray ah.

Kinamot ko naman ung kinutusan niya skaa ngumuso.

"Tara na nga!" Sabay hila niya sakin.

Nang nasa tapat na ako ng room ay nagpaalam na ako sakanya.

"Sige na pumasok kana din magsisimula na 1st sub." Sabi ko atsaka pumasok na.

Kumaway naman siya at kumaway din ako sakanya.

Naupo naman ako sa may likod malapit sa may bintana.

Gayunpaman ay nagsimula na agad ang klase.

••••

Ganito talaga siguro sa college life no? Hindi na uso ang maraming kaibigan kasi naka focus na sa studies.

Grabe naman tong school na to 4 subs bago mag lunch amp may mga storage ba ng pagkain mga to sa tyan?

Pagkalabas ko ay si Axel pa lamang ang andon.

"Gutom kana?" Tanong niya.

"Oo putek, apat na subs bago mag lunch ano ba mga tao dito may storage room ng pagkain sa tyan at di nagugutom agad" iritang sabi ko.

"Si Ash asan na?"

"Pumunta ako sa room nila sabi niya mauna na daw tayo eh" saka naglakad na kami.

"Siguro may crush ka kay Ash no?" Tukso ko habang tinutusok tusok tagiliran niya.

"Baliw kaba, di pa nga ako nakaka move on sayo panibago nanaman" sabi niya saka humalaklak.

Inirapan ko naman siya atsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating namin sa may Canteen ay nakita namin si Ash don sa may pinto na may kausap na lalaki.

Sinitsitan ko naman siya atsaka siya lumapit samin.

"Sino yon? 1st day na 1st day ah" sabi ko saka kaltok sakanya.

"Tangek binigay ko lang number ko kinuha niya kasi" habang kinakamot ang kinaltukan ko.

"Talagang binigay mo ah?" Akmang kakaltukan ko naman siya ulit kaso nagtago na siya ulit sa likod ni Axel.

Umirap naman ako atsaka pumasok sa cafeteria.

•••••

"Kita kita nalang tayo mayang uwian deretso tayo bahay dating gawi" sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng room.

"Oo naman, Axel ikaw ulit luto ah!" Sabi ni Ash

"Ano ko taga luto niyong dalawa? Magluto kayo magisa niyo!" Sabi niya habang tumatawa.

Hinampas ko naman siya sa balikat.

"Aray! Para san yon?" Sabi niya habang nakakunot noo.

Pinitik ko naman noo niya.

"Aray! Oo na nga! Napaka brutal eh!" Habang hinihimas ang noo niya.

"Osige na bumalik na kayo sa room niyo."

Kinawayan ko naman silang dalawa atsaka pumasok na sa room.



One Last TimeWhere stories live. Discover now