Kabanata 39

16 3 0
                                    

Kinabukasan.

Nagtuloy tuloy tulog ko sa sobrang antok kaya ayan 9 palang gising na ako. Buti nalang at nakapag paalam na ako kagabi kay mama. Tinawagan ko naman si Ash.

(Hello)

(Buti at gising kana, may binago ako punta muna tayo mall nood sine tas saka tayo punta bar... Kaya kung ako sayo magdala kanalang damit mo sa mall ka nalang magpalit)

(Ha? Bakit nagbago) sabay kamot sa batok ko.

(Dali na, ikaw nalang kaya ang di nasasabihan, nasabihan ko na yung dalawa kaya before lunch andyan na kami sasakyan din daw ni Axel ang gagamitin.)

(Hays, sige na sige na) binaba ko naman ang tawag. Atsaka dali daling naligo at nagbihis may oras pa naman ako para kumain bago ayusin ang mga gamit ko.

Pagka baba ay gumawa na agad ako ng pang almusal ko atsaka kumain na agad. Nang maalala ko na baka may nag iwan nanaman ng bulaklak don sa harapan kaya tumayo ako para sana tignan pero nakita ko sa bintana si Philip na maingat na naglalakad papasok na may dalang bulaklak.

ikaw pala si pippo.

Nakabukas naman ang pinto kaya pumwesto ako dun sa medyo malapit pero di niya makikita nang ilalapag na niya ang bulaklak ay bigla ako nagsalita.

"So ikaw si Pippo?" Sabi ko atsaka lumabas ng pinto. Nagulat naman siya na makita ako sa harapan niya.

"Ahh hindi" kabado niyang sabi.

"Akin na yong bulaklak" sabi ko atsaka lumapit papunta sakanya. Nilagay naman niya sa likod niya ang bulaklak.

"Akin na" saka nilahad ang kamay ko. Iniabot din naman niya saakin.

Red roses din iyon at may nakasiksik na note kinuha ko naman iyon at tumingin sakanya. Atsaka binuklat.

When i saw you 15 years ago, I believe in 'love at first sight.

-Pippo.

Siya nga si Pippo. Pero paano?

"So ikaw nga? Pero bakit nagpapadala ka dito sa umaga meron ka ding dala sa hapon?" Sabi ko.

"Kasi takot ako na baka hindi mo kunin dahil galing sakin, takot ako na baka itapon mo lang... Nililigawan kita Amanda pero..."

Kuno't noo naman ako tumingin sakanya.

"Pero ano?"

"Baka hindi mo kasi ako payagan kaya ganito ang ginagawa ko" napayuko naman siya.

"Oo na sige, pinapayagan na kita" sabi ko sakanya na nakakapag paangat ng mukha niya.

"Talaga?" Masayang sabi niya.

Tumango naman ako ng nakangiti. Niyakap naman niya ako bigla.

"Thank you..." bulong niya sakin. Humiwalay naman ako sa yakap niya saka ngitian.

"Sige na pumasok kana sa loob" sabi ko sakanya.

Magkasunudan lang kaming pumasok sa loob. "Nag breakfast ka na ba?" Tanong niya sakin.

Umiling naman ako. "Eto may dala ako, iiwan ko sana dyan kanina kaso nahuli mo na ako." Saka siya tumawa.

One Last TimeWhere stories live. Discover now