Ako naman litong lito dahil sa nangyari ay nakatingin lang kay Axel.Tangina?
"Axel umuwi kana muna..." walang emosyon kong sabi habang nakatingin sa screen ng phone ko.
Tumingin naman ako sa mata niya para iparating na okay lang ako. Kahit hindi.
"Umuwi kana, I'll call you nalang kung hindi ako okay." Blankong tingin ko sakanya.
"Sige, uuwi na ako pero i call mo ako if ever man please Amanda... Alam kong nasasaktan ka pero ayaw mo lang sabihin sakin" alalang sabi niya.
"Ayoko mawalan ng kaibigan, at ayoko makita na dahil sa nangyari na to magbago ka... Kaya please tawagan mo ako, I can't afford to lose you okay?" Usal niya.
Magbago. Magbabago nga ba talaga ako dahil dito?
"Sige na, wag mo nang sabihan si Ash ayoko na dumagdag sa problema niya alam kong may problema sila sakanila."
Inantay ko nalang siya na makaalis ng bahay atsaka umakyat sa kwarto ko.
Napabagsak naman ako sa kama habang inaalala ang nangyari.
Binigyan kita permiso mahalin ako, pero hindi para saktan ako habang minamahal ka.
Kinuha ko naman ang phone ko at pumunta sa albums at tinignan isa isa ang mga larawan namin. Noon.
Bakit biglang nagbago? Anong kulang ko?
Ako naman ay pinipigilang umiyak habang tinitignan ang mga larawan namin na masaya pa.
Tinigilan ko naman ang pag tingin sa mga larawan nmin. Hahayaan ko ba? O iintayin ko nalang na may makuha pa akong ebidensiya na nagloko siya? Ipunin ko ba muna?
Tangina, hindi naman eto yung gusto ko mangyari e.
Unti unti namang pumatak ang luha sa aking mga mata. Umiiyak ako, pero hindi ako nasasaktan. Bakit? Dahil bang alam ko na nung una palang? Dahil nung una palang naghihinala na ako.
Tinigil ko naman ang aking pagluha atsaka nag fb at sinearch ang account ni Philip.
Changed profile picture. At ang pinalit niya eh picture nilang dalawa?
Changed cover photo. Picture na magkahawak kamay sila.
Tangina ganon nalang yon? Ganon ganon nalang?
Wala naman ako maalala na nag away kami ng matindi at kung ano pa? Eto ba ang dahilan kung bakit hindi ko siya nakakausap?
Rebound?
Iniscreen shot ko naman iyon para pagbalik niya ay hindi ako maging marupok at alalahanin na niloko niya ako.
Maya maya naman ay tumunog ang messenger ko.
Valerie Astrid sent 2 photos.
:Si Philip to hindi ba?
:enjoy sa pictures Amanda Blaire🙂Sino nanaman ba to? Bakit kilala ako at si Philip?
Pag bukas ko ng chat ay nagulantang naman ako.
Picture ni Philip at nung babae na magkahalikan at magkayakap. At ang background ay mukhang nasa Bar pa. Isa lang alam ko na hindi sa pilipinas kuha ang litrato na iyon.
Bigla naman bumigat ang pakiramdam ko, at nagsituluan naman ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Thats it. I've had enough.
Iiyak ko lang to tapos ay okay na din ako. Pag papalakas ko sa sarili ko.
Nanatili lang ako sa ganoong posisyon habang umiiyak. Habang nalulunod sa sarili kong emosyon.
Walang sasalba sayo Amanda, isalba mo ang sarili mo, hindi mo deserve to.
"Bakit?" Nasabi ko nalang kahit pa na madaming tanong ang pumapasok sa isipan ko.
Kaya kong indahin yung ginawa mo akong rebound kung hindi mo ako girlfriend pero puta ginawa mo akong girlfriend kahit na may iba ka.
Napaka makasarili mo.
At nakatulog na ako habang umiiyak at dala ng sakit na nararamdaman ko.

YOU ARE READING
One Last Time
Teen FictionDoes true love has a habit of coming back? Or it just happens that it found you in your mess? What if the love you forgot, found you again? What will happen when two lost souls found peace in each other? Will it be a happy ending? Or just an another...