Pag pasok sa bahay ay naupo na agad ako sa sofa. Teka? Asan yung damit ko nong isang araw?"Philip? Asan pala yung damit ko nung isang araw? Ngayon ko lang naalala diko din maalala na nagpalit ako?" Tanong ko sakanya habang nag lalapag ng mga gamit.
Binaba naman niya ang mga gamit at tumingin sakin. "Naiuwi ko na dito. Ako nagpalit sayo, pano ang mga nurse non puro mga may patient na inaasikaso." Kalmado niyang sabi.
WHAT?
Nanlaki naman ang mata kong tinignan siya. "Ano?! Baliw kaba?" Sabi ko sakanya.
"What? Kung magulat ka naman parang diko nakita yan, liit liit nga." Tukso niya.
Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi niya. "Halika dito." Atsaka senyas sakanya.
Lumapit naman siya agad, kaya naman kinaltukan ko agad siya.
"Aray! Masakit ah! Kapag ikaw ginantihan ko dyan tignan mo!" Sabi niya habang nakaupo at hawak hawak ang ulo.
Tatawa tawa naman ako habang nakatingin sakanya. Tumayo naman siya at seryosong nakatingin sakin.
"Bakit?" Kaba kong tanong.
Lumapit naman siya sakin at itinukod ang kanan niyang kamay sa sofa habang patuloy padin ang lapit sakin.
"Hoi gago, anong gagawin mo?" Habang patuloy din ang atras.
Ngumisi naman siya sakin.
Magsasalita na sana ako pero lumapat na agad ang labi niya sa labi ko. Malumanay naman ang galaw nito, hindi agresibo, puno ng ingat at emosyon. Gaganti na sana ako ng halik pero binawi na agad niya ang halik.
"Do you want more Amanda? just tell me you want more. Beg, baby, beg for me." Seduce niya sakin.
"Beg mo mukha mo! Umalis ka sa taas ko Philip kung ayaw mong yang mukha mo eh naka ngudngod na sa baba" sigaw ko sakanya at tulak.
"Akala ko pa naman gumana tsk." Sabi niya. Inirapan ko naman siya.
"Ulol mo, mag luto kana dyan. Aakyat ako sa taas para maligo... Wag kang papasok sa kwarto ko!" Banta ko sakanya. Atsaka tumayo na at dumiretso sa kwarto.
Pagkapasok ko naman sa kwarto ay naisandal ko nalang ang likod sa pinto.
Taenang yon akala niya ata maseseduce ako ginawa niya, bwisit! Tipaklong!
Padabog naman akong pumasok sa cr at naligo agad. Pagkatapos maligo at magbihis ay humarap naman ako sa Vanity table ko at nakita doon na nakapatong ang sketch book ko noong College. Kinuha ko naman ito at umakyat sa kama ko.
Binuksan ko naman iyon at ang nakalagay sa unang pahina ay 'Our dreams' kusa naman bumalik ang mga alaala ko noong nagsisimula ko palang ito iguhit.
Sa unang pahina ay ang singsing, ang dalawang singsing na binigay niya sakin noon. Napakapa naman ako sa leeg ko kung san nakasabit ang singsing.
Nang may kumatok naman sa kwarto ko. "Pasok!" Sabi ko habang tuloy ang tingin sa pahina.
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Philip. "Tapos na ako magluto, tatanungin sana kita kung kakain kana ba" sabi niya habang naglalakad sa tapat ng kama ko.
"Mamaya na ako kakain"
Umakyat naman din siya sa kama ko. "Edi mamaya na din ako, ano yan?" Tingin niya sa sketchbook ko.
"Sketchbook"
"Kelan kapa natuto mag drawing?" Tanong niya sakin.
Ngumiti naman ako sakanya.
"College" tipid kong sabi. Habang pinapatuloy ang pagbukas ng mga pahina ng mahinto ako sa isang drawing ng damit pangkasal.
"What's that?" Sabay hablot sakin ng sketch book. Hinayaan ko naman siyang kunin iyon.
"Why did you drew this?" Takang tanong niya.
"Its my dream gown... For our supposed to be wedding." Mahina kong sabi at pinipigilan maging emosyonal.
"You dont have to be afraid, we'll make it happen... Im sorry for what happened for the past years." Sabi niya atsaka ako inilapit sakanya at niyakap.
Sana nga. Sana ako padin hanggang dulo.
"Im sorry, im really sorry... I promise i will make it up to you." Bulong niya sakin atsaka ako hinalikan sa sentido, ako naman ay napapikit.
"Rest, dito lang ako... Kapag gising mo ay babalik na tayo ng ospital, nagtext na din kanina si Axel na nandon na sila." Sabi niya at umalis na sa kama, bago naman siya lumabas ng kwarto ay humalik pa siya ulit sa noo ko.
Tatalikod na sana siya pero hinagip ko ang kamay niya at hinaltak palapit sakin at dinampi ang labi ko sa labi niya. Nagulat naman siya dahil sa ginawa ko pero nanatili lang siya.
"Please make it happen. Dont leave me again, please. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mangyari ulit iyon" bulong ko sakanya. Habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya.
"It won't happen again, I promise..."
Bumitiw naman siya atsaka ako dinampian ulit sa labi ko at pinunasan ang nakatakas na luha sa mata ko.
Mahal kita...

YOU ARE READING
One Last Time
Teen FictionDoes true love has a habit of coming back? Or it just happens that it found you in your mess? What if the love you forgot, found you again? What will happen when two lost souls found peace in each other? Will it be a happy ending? Or just an another...