Kabanata 34

17 5 0
                                    

Nagising naman ako sa katok sa kwarto ko. Ako naman ay uunat unat pa na binuksan ang pinto.

Nagulat naman ako pagbukas ay tumambad si Philip sa harap ko, pareho naman kaming gulat kasi siya halatang nakaligo na ako naglalaway pa.

"Bakit?" Sabay hikab kong tanong.

"Magbrebreakfast na daw, maligo kana may panis na laway kapa" sabay ngisi sakin. Ako naman ay nanlaki ang mata atsaka binalibag ang pinto sa mukha niya at tumakbo papuntang Cr.

Naknampota may panis na laway pa nga! Dali dali naman ako naligo atsaka nagbihis ng one piece bikini ko at patong don ay shorts at see through sabay kinuha ko na din ang shades ko at inilagay sa bag na dadalhin ko ang mga pamalit ko. Dahil panigurado dederetso kami don sa islang sinasabi ni Axel.

Paglabas ko naman ng pinto ay nakita ko si Philip na nag iintay. Inantay niya ako?

"Bat mo pa ako inantay? Sana nauna ka nalang" sabi ko atsaka nauna maglakad.

"Ikaw na nga inantay, ikaw pa masungit" bulong niya. Hah! Akala niya diko maririnig o sinasadya niya iparinig? Galit naman akong lumingon sakanya.

Pero di niya ako nilingon, bastos amp. Nang makarating kami sa baba ay lumingon naman silang lahat saming dalawa. Lalo sina Axel at Ash.

Sumenyas naman ako na wala lang yon.

Nang matapos kami kumain dumeretso na agad kami sa may pampang kung nasaan ang sasakyan naming yacht. Nauna naman sina Ash, Axel, at Andrea mukha namang nakakasundo na nila yong doktora na yon tch. Nagpahuli naman ako, pero diko aakalain na paglalahadan ako ng kamay ni Philip kukunin ko na sana ang kamay niya ng madulas ako dahil sa basa ang ilalim ng tsinelas ko.

Nakahawak naman siya magkabilang braso ko para hindi ako tuluyang mahulog sa may tubig.

"Sorry" nalang ang nasabi ko.

"Mag ingat ka nalang next time" sabi niya saka ako tinalikuran. Nandon naman sila sa may table nakaupo dahil hindi pa naman masyado masakit ang sikat ng Araw.

Naging maayos naman ang pagpunta namin sa isla mga halos 20 minutos lang din.

Nang makababa naman ay inalalayan din ako Philip. Sina Axel at Ash naman ay panay ang tingin sakin.

"Dito na tayo magtatanghalian ah dito din tayo matutulog" sabi ni Axel nang makapunta kami sa cottage habang naglalapag kami ng mga gamit.

Ako naman ay natigilan. Hala? Eh pamalit lang meron ako.

"Bat ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko.

"Sinabi ko yun kagabi, bakit? Wala ka dalang damit?" Sabi sakin ni Axel.

"Its okay, papahiramin ko nalang siya" sabi ni Andrea. Wow close tayo? Napairap nalang ako sa naisip ko.

Ngumiti naman ako sakanya at nagpasalamat. Nang maiayos lahat ay lumapit sakin si Ash.

"Pansin ko lang, napapalapit ata kayo ni Philip?" Chismis niya sakin.

"Anong napapalapit, pinagtatabuyan ko nga siya lang naman ang makulit at inaantay ako nang inaantay" sabi ko saka sinuot ang shades.

Tumango tango naman si Ash. Tumingin naman ako sa tatlo na nagtutulong tulong sa pag ihaw.

"Eh sa Andrea na yon?" Tanong niya ulit sakin.

"Oh ano meron?"

"Parang linta kasi, lagi nakadikit kay Philip nakakapit pa psh" sabay angat sa labi niya kaya't natawa ako.

One Last TimeWhere stories live. Discover now