Kabanata 31

29 17 0
                                    


Nagising naman ako sa kalagitnaan ng tulog, tinignan ko naman silang dalawa sa tabi ko na mahimbing ang tulog. Kinuha ko naman ang phone ko para tignan ang oras.

2:30 am.

Fuck ang aga pa.

Napahawak naman  ako sa ulo ko at umupo. Tatlo kami na nakahiga sa kama ako ang nasa gitna, malaki naman ang kama ko.

Tumayo naman ako at iinom sana ng gatas. "Bat gising kapa?" Rinig kong bulong ni Axel sabay hila sa kamay ko.

"Nagising ako, iinom lang ako ng gatas sa baba" sabi ko atsaka umalis sa kama.

"Ako na magtimpla ng gatas mo" usal niya. Pinigilan ko naman siya.

"Wag na, ako na kaya ko na bababa lang naman ako" sabi ko.

"No, sige na ako na mag usap din tayo dun sa baba" sabi niya atsaka tumayo na din.

Tumingin naman ako likod niya habang papalayo siya, at tumayo na din ako.

Nang makababa ako ay nagtitimpla na siya na don sa may kitchen.

"Oh inumin mo na malamig ginamit ko para makatulog ka ulit mamaya" sabay abot sakin ng gatas.

Ngumiti naman ako sakanya atsaka kinuha ang gatas at ininom.

"Ano ba pag uusapin natin?" Tanong ko sakanya na nakaupo.

"About sana kay Philip" bulalas niya.

Napatigil naman ako at tumingin sakanya."Anong about sakanya?" Kunot noo kong tanong.

"Siya padin ba?" Sabay tingin ng deretso sa mata ko.

Ako naman ay hindi mahanap ang sagot sa tanong niya na iyon.

"Nevermind, alam ko na sagot mo" atsaka nauna sakin umakyat sa kwarto.

Ako naman ay naiwan na naguguluhan. Alam niya na ang sagot ko?

Kibit balikat naman akong nilapag ang baso sa hugasan atsaka umakyat na din. Naabutan ko naman si Axel na nakahiga na at natutulog.

Bumuntong hininga naman ako atsaka sumampa na sa kama para makatulog.

"Im sorry" ang nasabi ko sakanya atsaka hinaplos ang buhok niya. Atsaka natulog na.

Kinabukasan naman ay nagising ako at sila naman ay tulog padin. Bakit ba kasi ako palagi ang nauuna magising? Ako pa tuloy gagawa ng breakfast.

Bumaba naman ako at hinayaan silang matulog sa kwarto.

Nagluto naman ako nang agahan naming apat kasama si mama. Habang nasa kalagitnaan naman ako nang pagluluto ay bumaba naman si Axel. Pero hindi din niya ako binabati, sinundan ko naman siya ng tingin.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto sumunod naman bumaba si Ash galing sa kwarto.

"Ash maghain kana matatapos na ako" utos ko sakanya. Sumunod naman agad ito sa sinabi ko.

Nang nasa hapagkainan na kami ay tatawagin ko na sana si mama para kumain kaso pagod nga pala iyon galing trabaho.

"Sige na kumain na tayo, tirahan niyo nalang si Mama pagkain diko na gigisingin baka pagod" sabi atsaka sumandok ng kanin at ulam.

"Gusho niyo mag bar?" Singit ni Ash habang puno ang bibig ng pagkain. Kunot noo naman akong tumingin sakanya.

"Lunukin mo muna yang kinakain mo di ka namin maintindihan" sabi ko sakanya. Nilunok naman niya iyon agad.

One Last TimeWhere stories live. Discover now