Nagising naman ako kinagabihan ngunit wala si Philip sa tabi ko. Kaya't bumangon ako kahit paika ika ako.
Dahan dahan naman ako lumabas at may narinig akong tinig na nagmumula sa balcony ng room.
"Ano kaba nag bakasyon lang ako okay?"
Hindi naman siguro masama mag eavesdrop no? Nanatili naman akong nakatayo sa may pintuan kung saan rinig ko siya.
"Hahahaha. Don't worry Adelyn, babalik ako sa Ospital after may tinatapos lang ako."
Napatigil naman ako. So hindi pa pala sila hiwalay, tinatapos? Tinatapos niya akong paglaruan. Akala ko ay magsisimula na ulit ang kwento naming nagtapos 4 na taon na ang nakakalipas.
Malungkot naman akong bumalik sa kwarto nahilo naman ako bahagya kaya't napahawak sa may table na nasa tabi at di sadyang nasanggi ang vase na katabi. Napaluhod naman ako at naitukod ang kamay ko sa bubog kaya't tumutulo ang dugo pababa sa mga daliri ko.
"Ah!" Impit kong sigaw ng bumaon ang bubog sa kamay ko... Bigla nalamang ako napaiyak. Kelangan kapa ba pisikal na saktan Amanda para maramdaman mo ang sakit na dapat nararamdaman mo?
Nakarinig naman ako ng pagbukas ng pinto, Napatayo naman ako atsaka kinuha ang mga bubog para sana itapon ngunit nabitawan ko din yon dahil sa sumugat din ang nga iyon.
"Ano bang ginagawa mo? Umalis lang ako saglit gumawa ka nanaman ng ikapapahamak mo!" Pigil niya sakin.
Nasaktan naman ako sa sinabi niya kaya't kinuha ko padin ang mga bubog para sana ay itapon. Pero marahas naman niyang hinablot ang kamay ko napa aray naman ako dahil don.
"Napaka stupid mo! Bubog tas kukunin mo pa ng kamay mo" lumabas naman siya at ako ay nanatili na nakayuko. Pagbalik niya ay may dala naman siyang walis at dustpan saka nilinis ang nabasag na vase.
Nandon lang ako nakaupo habang patuloy na dumadaloy ang dugo sa sahig.
Hinila naman niya ako papunta sa CR atsaka siya na mismo naghugas ng sugat."Ano bang pumasok sa isip mo at nasugatan ka nanaman pati wala kamalay malay na vase pagdidiskitahan mo"seryosong sabi niya.
"Nahilo kasi ako" tipid kong sabi habang pinapalis ko ang mga luha gamit ang isa kong kamay na hindi nasugatan.
"Pasalamat ka at hindi lumubog ng husto ang bubog kundi isusugod kapa sa ospital para lang matanggal yung bubog na yon"
"Sorry" nalang ang tangi kong nasabi sakanya.
Pagkatapos naman niya linisin ang sugat ko ay binandage niya na ito. Niyakap naman niya ako pagkatapos. Kumalas naman siya agad na maramdaman na hindi ko siya niyakap pabalik.
"Parang awa mo na Philip, huwag mo na akong paglaruan tama na yung sakit na dinanas at natanggap ko ng dahil sa pagmamahal sayo" malamig kong sabi.
Kumunot naman ang noo niya.
"Hindi kita pinaglalaruan, Amanda ano ba? Kailan mo ba ako paniniwalaan?" Tiim bagang niyang sabi.
"Kailan? Nung sinabi mong babalikan mo ako makalipas ng apat na taon" malamig kong tingin sakanya.
"Matulog kana, bumalik kana sa kwarto niyo nina Andrea... Wala na akong pake kahit ano gawin mo, kahit may mangyari pa sainyo. Wala na akong pakielam."
Bumagsak naman ang hawak niya sakin.
"Sige matulog kana." Malamig niyang sabi saka ako tinalikuran at lumabas ng kwarto.
Bumalik naman ako sa kama at pinilit na matulog kahit na masama ang loob.
•••
YOU ARE READING
One Last Time
Teen FictionDoes true love has a habit of coming back? Or it just happens that it found you in your mess? What if the love you forgot, found you again? What will happen when two lost souls found peace in each other? Will it be a happy ending? Or just an another...