Lumipas din ang isang linggo at iniwasan ko din si Philip non, ngayon naman ay papauwi na kami ay magkaiba na kami ng sasakyan mabuti naman at ng matahimik na ako.
Gabi na ng makauwi ako sa bahay at andon naman si mama kumakain palang ng Hapunan.
"Oh anak akala ko ay bukas pa ang dating niyo" sabay halik sakin ni mama.
"Limang araw lang daw kami ma, hindi ba ma bukas ay death anniv ni papa? Pupunta ka po ba?" Sabi ki habang nilalapag ang bag sa sofa.
"Mukhang hindi nanaman, masyado kasing busy sa trabaho. Baka ikaw nalang muna uli ang bumisita sa papa mo"
Tumango naman ako. "Sige na po ma, aakyat na po ako para matulog. Goodnight" sabay halik kay mama sa noo.
Umakyat naman ako sa kwarto ko at natulog agad. Kinabukasan ay maaga ako nagising at naligo para pumunta sa sementeryo.
"Ma aalis na ako paki sara na lang ng bahay ma" atsaka dere deretso lumabas.
Nang makarating naman ako sa sementeryo ay may tao akong nakita na nakaupo dun sa puntod ni papa. Kaya't inantay ko pa muna ito umalis bago ako lumapit. Hindi naman nagtagal ay umalis na din ang lalaki... Hindi ko naman ito namukhaan dahil masyado ako malayo sa pwesto kung saan tanaw ko ang mukha niya.
Nang makalapit naman ako ay nakita ko din na may bulaklak na andon.
Lilies...
Isa lang ang taong alam na lilies ang palagi nilalagay sa puntod ni papa si Philip.
Siya nga kaya ang lalaki kanina? Takteng malabong mata kasi yan amp. Nilapag ko naman ang Basket ng Lilies sa tabi ng bulaklak na nandon.
Nagdasal naman ako sandali bago umalis sa lugar para umuwi. Nagulat naman ako nang may makita na bouquet of roses kinuha ko naman iyon at may nakasiksik na note.
She had magic in her eyes even the stars envied.
-Pippo
Pippo? And weird sino gagamit ng ganong name? Tch weird naman.
Kelan pa ako nag ka admirer? Psh.
Pumasok naman ako sa loob bago ko tinawagan si Axel.
(Oi) panimula ko pagkasagot niya.
(Bakit)
(Ikaw ba nagpadala bulaklak dito sa bahay?) habang tinitignan ko ang mga bulaklak.
(Ha? Tanga ka kelan ako nag iiwan bulaklak? Deretso ko palagi binibigay sayo mga bulaklak na binibili ko diba)
Sabagay, hindi pa siya nagiiwan ng bulaklak para saakin dahil palagi niya sakin inaabot iyon.
(Eh sino nagpadala nito? Imposible si Ash bakit ako papadalhan non)
(Baka naman may admirer or stalker ka?)
What? Stalker? Ang gara naman ata non.
(May note pa nga na kasama eh) kinuha ko naman ang note ulit.
(Ano nakalagay?)
(She had magic in her eyes even the star envied. Ayon ang nakalagay tas may nakalagay na Pippo sa ilalim mukhang sakanya galing)
(Weird, hayaan mo nalang muna sabihan moko ulit kung naulit pa)
(Ok sige, bye) saka binaba na ang tawag.
Ang weird talaga tsk. Nilagay ko naman iyon sa vase para hindi mamatay agad.
Atsaka nag browse sa Ig ko, nakita ko naman ang Ig post ni Philip. Roses. Hindi kaya? Eh teka bat naman niya ako papadalhan ng ganun eh diba wala na nga?
Tch.
YOU ARE READING
One Last Time
Teen FictionDoes true love has a habit of coming back? Or it just happens that it found you in your mess? What if the love you forgot, found you again? What will happen when two lost souls found peace in each other? Will it be a happy ending? Or just an another...