Kabanata 26

33 21 0
                                    

Nagising naman ako kinabukasan na walang natanggap na kahit ano mula kay Philip.

Ganon kaba talaga kabusy para iupdate ako hindi mo magawa?

Nakakailang texts na din ako sakanya.

Me: Goodmorning kakagising ko lang inihatid ako nina Axel kagabi. Nag dinner kana ba?

Me: Bakit dika nagtext? Gabi naman na dyan? Busy kaba...

Me: Just text me if maluwag na sched mo at maiisisingit mo na ako.

Binaba ko naman ang phone ko at nagiisip ng kung ano ano na pwede mangyari. Sobrang sakit pa ng ulo ko mula kahapon.

Ano ba Amanda? Ngayon kapa ba mag iisip ng ganyan kay Philip? Ang tagal niyo na magkakasama hindi ba, tigil mo na yang kahibangan mo.

Tinawagan ko naman si Axel. Nakakatatlong ring palang ay nasagot niya na agad ang tawag ko.

(Hello...) sinikap kong hindi maipahalata ang lungkot ko.

(Napatawag ka? Bakit ganyan tono mo malungkot kaba?)

Bumuntong hininga naman ako.

(Pupunta na ako dyan, andyan ba si tita?)

(Wala, kelangan daw siya sa opisina nila baka mamaya mag overtime nanaman iyon)

(Ok sige... Papunta na ako dyan)

Atsaka binaba niya na ang tawag sumulyap naman ako uli sa messages na nagbabaka sakali na nagreply siya. Napailing nalang ako na makita na walang kahit isa.

Naligo naman ako agad para mawala ang sakit ng ulo, pagkatapos ay tinignan ko uli ang phone ko. Wala parin...

Ganon ba ako kahirap iupdate? Tsk.

Bumaba naman ako at sakto din na may sasakyan na bumusina sa labas. Lumabas naman ako atsaka binuksan ang gate.

Nakita ko naman ang mga dala niya."Bat may dala kang pagkain?"

Inangat niya iyon atsaka bumaling sakin.

"Alam kong malungkot ka kaya bumili ako ng pagkain... Tara na pumasok na tayo" sabi niya atsaka nauna na pumasok sa loob.

Pagkaupo naman namin sa sofa ay nagsalita agad siya.

"So anong problema?" Sabi niya habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Ano kasi... Si Philip hindi ako tinetext ng maayos simula kagabi" kamot batok kong sabi.

"Eh baka busy naman? Diba nagrereview yon sa finals nila?"

"Oo nga, I mean kasi kahit update sa ginagawa niya wala" habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay.

"Ano ka ba wag kana mag isip ng kung ano ano malay mo busy lang or nakatulog kasi pagod" sabi niya atsaka inabot ang kamay ko.

Pilit naman akong ngumiti sakanya.

"Imovie marathon nalang natin yan para dika nag iisip nagdala naman ako makakakain natin eh"

Pabiro ko naman siyang sinuntok. Atsaka tumabi na sakanya.

Nang matapos kami manood ay nanatili padin kami sa pwesto namin.

"What if? May babae pala si Philip?" Tanong ko habang nakaharap sakanya.

"Pano mo naman nasabi? Eh alam mong mahal ka nun" sabi niya habang kumakain ng junk food.

"Nagdududa kasi talaga ako Axel, kilala mo ako kapag nagdududa ako o naghihinala na nagkakatotoo ang hinala ko" habang nagaalalang nakatingin sakanya.

Tumigil naman siya sa pagkain atsaka hinarap na din ako.

"Ganto, hayaan mo muna wag ka magpakalunod sa pag iisip or pagdududa mo lalo na at wala naman siyang ginagawang kaduda duda okay?" Sabay hila niya sakin at niyakap ako.

"Salamat Axel..." sabay yakap pabalik sakanya.

Nang kumalma na ako ay nagpaalam na din siya umuwi dahil gabi na rin.
"Oh uuwi na ako, magtext ka sakin kung bigla kang malulungkot or may maiisip na kung ano. Pupunta ako agad dito sainyo naiintindihan mo?"

"Oo na po... Sige na umuwi kana, Salamat din Axel" sabi ko atsaka ngumiti sakanya.

Kinawayan ko naman siya habang papaalis na, nang diko na matanaw ang sasakyan niya ay pumasok na ako sa loob at pumanhik sa kwarto.

Chineck ko naman ang phone ko ngunit wala padin.

Ano bang pumasok sa isipan mo at ngayon ka nag ganto?

Humiga naman ako sa kama at nilunod ang sarili sa mga senaryo na pumapasok sa isipan ko.

Wala kalang talaga gawin na ikakapahamak nating dalawa at ng relasyon natin Philip.

Inilagay ko naman sa table ko ang phone ko at natulog nalang kahit pa na hindi ako nakakapag dinner.

••••

One Last TimeWhere stories live. Discover now