Kabanata 42

11 3 0
                                    


Maaga naman ako nagising kinabukasan dahil sa maaga ako na tulog kagabi, si Philip naman ay mahimbing ang tulog sa upuan... Dahan dahan naman akong umalis sa kama para hindi siya magising, kinuha ko naman ang kumot at kinumutan siya. Bigla naman kumalam ang sikmura ko.

Aga aga gutom agad Amanda? Mananaba ka talaga. Napasimangot naman ako dahil dun. Dahan dahan din naman ako pumunta sa pinto para sana pumunta sa canteen ng Ospital pero dipa ako lumalabas ay may pasigaw na boses ako narinig.

"Hoy! San ka pupunta?"

Lumingon naman ako at tinignan siyang hawak hawak ang kumot. Tumuro naman ako sa labas "bibili ako pagkain sa ibaba" inosente kong sabi.

"Tanga ka talaga, alam mong pasyente ka dito bakit ka bibili, magkaiba ang dinedeliver na pagkain sainyo sa pagkain sa canteen" sabi niya at tinampal ang noo.

Oo nga no? Pero ano daw tanga ako?

"Tangina mo ka. Ngayon lang naman ako naospital ano bang malay ko na libre pala ang pagkain ng pasyente dito duh" sabi ko atsaka irap. Tumayo naman siya at lumapit sakin.

"Bawal ka nga magkikilos ang kulit mo! Pupwede mo naman ako gisingin." Sabi niya atsaka pinitik ang noo ko.

Napahawak naman ako dun."Aray ah!"

"Ako na bibili" sabi niya.

"Wala kabang duty ngayon? Pede ba natin puntahan si mama mamaya?" Tanong ko sakanya.

"Wala, sige mga tanghali na natin puntahan si tita" sabi niya habang inaayos ang suot.

Papalabas na sana siya ng kwarto pero tinawag ko pa siya."Sama ako sayo" sabi ko atsaka sumimangot.

Tumawa naman siya. "Bawal nga"

Nanatili naman ako nakasimangot at nakatingin sakanya. Bumuntong hininga naman siya at nagsalita.

"Oo na, sige na tara na" sabi niya habang pailing iling pa.

Papayag naman pala ih! Dami pa sinasabi.
Tatalon talon naman akong bumaba sa kama at lumapit sakanya, pinagbuksan naman niya ako ng pinto. At nauna ako lumabas sumunod naman siya. Habang naglalakad sa hallway ay may mga nakakasalubong naman kaming mga nurse na panay ang tingin sakanya at bati.

Ay wow? Celebrity? Ngayon lang nakakita ng tao ganon? Kaya naman panay ang irap ko sa mga nurse na nakakasalubong namin sa daan dumapo naman ang kamay ni Philip sa kamay ko at pinagkislop iyon. Kung mamalasin ka nga naman si Andrea makakasalubong pa namin.

"Good morning Doc!" Masayang bati niya. Pero tinanguan lang siya ni Philip.

Kala mo papansinin ka niyan? Ulol.

Kaliskisan ko kaya to? Nung nasa Batangas pa nag iinit dugo ko dito eh.

Bumaling naman siya sakin atsaka ako binati. "Oo nga pala andito ka din. Good morning" diko alam kung sarkastiko ba iyon o hindi. Hindi ako to Andrea picture lang to or hologram di ako totoo. Pero tangina mo padin Andrea.

Plastik naman akong ngumiti sakanya. Simple ko naman hinila ang kamay ni Philip. Para makaramdam siya na umalis na kami don. Hindi naman nagsalita si Philip at dumiretso nalang din ng lakad ni hindi nagpaalam sa Andrea na yon. Lumingon naman ako sa likod atsaka siya kinawayan kita ko naman iritasyon sa mukha niya. Kaya natawa ako.

Nang nasa canteen na kami ay bumili lang ng Lugaw si Philip at pinabalot kasi balak nalang naming kainin sa room. Habang pabalik ay ganon padin panay padin ang bati sakanya ng mga nurse.

One Last TimeWhere stories live. Discover now