Kabanata 24

26 19 0
                                    

Amanda's Point of View.

Lumipas ang isang buwan...

"Sawakas!!! Tapos na din Exams putek naubusan ata ako braincells dun!" Sabi ni Ash.

"Oo nga putek, sumabog ata utak ko ang higpit pa ng proctor amp" kunot noo kong sabi habang nakatingin sakanila.

"Tara bar tayo! Tapos na naman na ang Exams eh" suhestyon ni Axel.

"Ha? Bar? Baka ngarag na tayong umuwi pag pare pareho lasing, pano tayo uuwi?" sabi ko.

"Ano bar tayo?" Suporta ni Ash.

Wow ah wala lang opinyon ko ganon.

"G na agad! Mayang gabi" sabi ni Axel habang sumusuntok pa sa ere.

"Pano tayo uuwi kung pare pareho tayong lasing" kutos ko kay Axel.

"Malamang ako! Sino ba lalaki sating magkakaibigan e diba ako!!"

Psh.

"Ipaalam niyoko ah!" Sabi ko sakanila.

"Malamang papayagan ka naman ni tita eh kami naman kasama mo."

Inirapan ko naman silang dalawa.

"Anong oras ba?" Tanong ko kay Axel.

"Syempre gabi kelan ka nakakita ng bar sa umaga" sabay batok sakin.

Aray ah! Napaka mapanakit.

"Ano ba! Nagtatanong lang ako eh" atsaka kinamot ung binatukan niya.

Nang tumunog naman ang phone ko.

Philip:Medyo busy ako kasi finals na namin kaya hindi ako masyado nakatawag pero mag tetext naman ako sayo. Mahal kita.

Napangiti naman ako huli niyang sinabi.
Binulsa ko na ang phone ko at Nagpunta naman kami sa bahay at dun muna nagpalipas ng oras.

••••

"Osige na, mag siuwi na kayo sunduin niyo nalang ako dito tas ipaalam niyo ako kay mama" sabi ko sakanila habang kumakaway.

Mag ala sais na kasi tapos napagkasunduan nila na 7:30 ako sunduin.

Si mama naman ay kakarating rating lang din. Humalik naman ako sa pisngi niya.

"Oh nakasalubong ko yung dalawa mabuti at nagkaayos na kayo ni Axel" habang nagbababa ng gamit.

"Naging parte na din kasi ng buhay ko ma, parang feel ko kapag di kami magkaayos e parang may kulang." Sabi ko.

"Ma babalik sina Ash at Axel dito mamayang 7:30" sabi ko kay mama na paakyat na.

"Osige andon lang ako sa kwarto at magpapahinga bababa uli ako mamaya" sabi ni mama.

Ako naman ay nanood lang ng Tv sa baba habang nag aantay sa dalawa.

Kinuha ko naman ang phone ko at nagtipa ng text kay Philip.

Me: Hey, lalabas kami mamayang 7:30 mag bar kami celeb lang ng finals namin kami nina Ash at Axel.

Atsaka sinend agad. Maya maya ay nakatanggap ako ulit ng mensahe.

Philip: What? No! Wala ako dyan para bantayan ka pano kapag nabastos ka don tas lasing kapa?

Me: Andon naman si Axel atsaka hindi naman kami iinom ng sobra.

Philip: Fine, ngayon ko lang pag katitiwalaan si Axel.

Me: Thanks! Mahal kita.

Philip: Sige na mag rereview lang ako mag ingat ka tatawag ako sayo mga 12 icheck ko kung nakauwi kana. Mahal din kita.

Nakangiti naman akong ibinaba ang cellphone.

Nang marinig ko na ang boses ni Ash.

"Bat ang aga niyo? Akala ko 7:30" sabi ko habang nakatingin sakanila na nakabihis na.

"Sinabi ko kay Axel kasi na agahan namin kasi mabagal ka kumilos baka yung 7:30 maging 8:30 kaya andito na kami maligo kana" sabay upo nila sa sofa.

Wow bahay niyo? Lord naman bakit niyo ko bibigyan ng gantong kaibigan huhu.

"Oo na sige na, maya maya bababa na si mama ipaalam niyoko" sabi ko atsaka umakyat na sa kwarto ko para maligo.

•••

pagkatapos maligo ay nagbihis na ako agad at bumaba.

Andon padin sila nakaupo pero wala si mama.

"Ano napaalam niyoko?" Tanong ko habang nagsusuklay.

"Oo, okay na payag si tita tara na!" sabay hila sakin ni Ash palabas.

O kaninong kotse to?

"Kanino to?" Tanong ko habang nakaturo sa sasakyan.

"Akin" sabi ni Axel.

Wow may mga kotse na.

Oras na din ata para bumili ako kotse na para saakin.

Pinagbuksan naman ako ni Axel ng pinto agad naman akong pumasok sa loob.

"Wow pag si Amanda pinagbubuksan pinto pero ako kanina hinayaan lang ah" sabay irap.

Hmmm i smell something fishy.

"Eh hindi naman ikaw si Amanda eh bakit kita pagbubuksan" sabay kotong niya kay Ash.

Nalungkot naman panandalian si Ash.

"Tara na alis na tayo"

Pinaandar naman ang sasakyan papunta sa lugar.

••••

At nang malapit na kami ay kita mo dito sa labas ang mga ilaw na nagiiba ang kulay at mga taong sumasayaw.

"Ganto ba talaga sa bar?" Tanong ko.

Di naman sila sumagot atsaka bumaba na kami.

Pagkapasok sa loob ay sumalubong samin ang nakakarindi na tunog at mga taong nag sasayawan.

Time to party.

One Last TimeWhere stories live. Discover now