Kabanata 2

83 22 0
                                        

Amanda's POV

"Oh mag ayos ka mamaya ha? Sunduin kita senyo mga 3:30 baka naman magdress ka ha? Kahit pangbahay lang ayusin mo lang mukha mo" tawa tawang sambit ni Ashlie, Baliw talaga ang bruha san ba to pinaglihi ng nanay niya?

"Oo na, O siya mauna na ako sayo alam ko namang lalandi kapa eh" sabay irap.

At syempre dahil siya si Ashlie inirapan din niya ako. Umiling nalang ako dahil alam ko na wala na talaga pag asa itong babae na to.

Nang biglang sumagi sa isip ko ang death anniversary ni Papa malapit na pala. Sa susunod na araw na yun.

Magmamadali na akong umuwi at maligo panigurado wala naman si mama kasi nasa trabaho. Ichinarge ko muna cellphone ko malay mo kasi iwan ako ni Ashlie dun edi may pang salba ako ng hiya.

•••

Pagkatapos maligo nagbihis na ako at humarap sa salamin.

Simpleng white shirt at shorts lang sinuot ko

Taena ang panget ko.

Joke lang syempre! Kaya nga nabaliw sakin ex ko dahil sa ganda ko. Inayos ko na yung mukha ko pulbo, mascara, at liptint lang syempre ayoko naman mag mukhang sinubsob mukha sa harina sa puti ng mukha.

Ano oras na ba?

3:00 na pala eh? Edi tama lang maya maya dadating naman na din si Ash.

Binunot ko na ang phone ko at bumaba ako sa kusina para kumain muna panigurado matatagalan yung babaeng yon pano ba naman daming nilalagay sa mukha.

Kumuha muna ako ng sandwich sa ref, nang biglang may sumigaw sa labas na akala mo nag aamok ng away.

"Amanda! Tara na babae!! Ano oras na baka magsimula na yung pustahan nila!!!"
Sabi niya pagpasok sa gate na sumisigaw.

Tunignan ko yung oras sa phone ko anong oras palang ah? Himala di ata late to.

"Ang aga mo naman?! 3:20 palang? Akala ko ba 3:30! Eto naman kung makasigaw akala mo sino kaaway!" Sabi ko sakanya.

"Gaga sating dalawa ikaw pinaka mabagal maglakad baka mamaya 4 na tayo makadating sa sobrang bagal mo daig pa matanda duh!" sabay irap.

Taena nito ah? Kanina pa to sa School atsaka dito lang naman samin yung court.

"Bakit ka namemersonal? Mabagal ako maglakad bat ba?!" Sigaw ko sakanya

"Sus o tara na nausok na ilong mo eh" sabay takbo palabas.

Alam talaga ng babaeng to pano ako bwisitin eh. Sumunod na ako sakanya palabas pagka sarado ko ng pinto.

"Nako Amanda sinasabi ko sayo! Ang pogi nitong ipapakilala ko sayo! Tutulo laway mo!" Ashlie Chavez as its finest... Literal na mapapaface palm kanalang talaga.

"Ay nako wag mo na ako madamay damay dyan sa kalokohan mo" sabi ko.

"Tara na bago pa sila maglaro" hmm hindi naman actually laro talaga na naka uniform parang katuwaan lang ganun kahit kelan talaga exaggerated tong babae na to magsalita.

Nauuna sakin si Ash habang nasa likod ako ng magsalita siya andito na pala kami sa court sa street namin.

"Hi! Eros long time no see! May papakilala pala ako sayo friend ko" bati ni Ash dun sa lalaki pagkapasok namin sa court, lumingon naman sakin si Ash sabay turo sakin.

My heart skipped a beat ng marinig ko ang pangalan niya.

Philip... Its been 8 years since I heard that name.

Kinalabit ko naman si Ash at hinila sa tabi ko.

"Ano buong pangalan niya?" bulong ko sakanya.

Nginitian niya muna si Eros bago lumingon sakin saka sinagot ang tanong ko.

"Gaga edi si Eros Philip Rodriguez! Ano kaba sikat yan sa school!"
tinignan ko yung taong sinasabi niyang si Eros parang kilala ko talaga siya eh.

Teka.

Eros Philip Rodriguez?

Eh?

Parang naalala ko siya? O dahil kapangalan niya lang yung kababata ko dati, Philip din kasi ang pangalan nun pero nasa States naman sila kasama family niya.

San  ko nga ba siya nakita?

Bakit may feeling ako na matagal ko na siyang kilala pero hindi ko lang maalala.

And why the fuck my heart would skip a beat? Dahil ba sakanya?


One Last TimeWhere stories live. Discover now