Kabanata 40

17 3 0
                                    

Papasok na kami sa loob ng bar hindi naman ganoon kadami ang tao pero ang music sa loob ay sobrang ingay na agad. Nauna naman sakin si Philip para buksan ang pinto.

"Dating table tayo?" Sigaw samin ni Axel nang makapasok kami dahil halos hindi na kami magkarinigan sa loob sa sobrang lakas ng music kaya't napatango nalang din kami sakanya. Sabay sabay naman kami lumakad papunta doon sa table atsaka naupo.

nag abot naman iyong staff doon ng baso at lalagyanan ng yelo as usual si Axel ang nauna atsaka paikot ibinigay saamin ang mga baso, ang weird lang ng ganon pero nakasanayan nadin namin ang ganoong set up namin pano ba naman palagian ang bar nong college kami akala tuloy ng nanay ko lasinggera na anak niya hays.

"Walang malalasing agad ah?" biro ni Axel samin.

"Ayan sabihan mo oh yang katabi mo" sabi ko habang nakaturo kay Ash. Nalukot naman ang mukha ni Ash kami naman ay tatawa tawa lang sakanya dahil kahit gaano na kami katagal umiinom ay mababa padin ang tolerance niya sa alcohol.

"Ulol niyo, birthday na birthday ko ganyan kayo" asar na sabi samin ni Ash kaya napatawa nalang din kami.

Nagsimula naman kami uminom ganon na din ang unti unting pag dami ng tao sa loob ng bar. Halos isang oras din kaming nakaupo, Napatingin naman ako kay Philip ng ibaba niya ang manggas ng suot niyang polo.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Wala naman, hindi lang ako komportable" sabi niya atsaka uminom.

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ko, sumingit naman si Ash.

"Ikaw ba naman akalain mong hahayaan mo siya ulit manligaw eh... Pag katapos nangyari noon sige sabihin mo pano di maging komportable yon?" sabi ni Ash habang hawak ang baso niya.

"Ikaw kung ano ano sinasabi mo, mag iisang oras palang tayo andito tinamaan kana agad?" sabay hila ni Axel kay Ash. Lumingon naman ako kay Philip na nahihiyang ngumiti.

"Labas muna kami..." saka ako lumingon kay Philip at sinenyasan siya na sumunod sakin. Sumang ayon din naman sina Axel at Ash

Bahagya naman akong nahilo pagkatayo dahil siguro sa ininom nakailang bote na din kasi kami kahit ganoon palang ang oras na nakakalipas. Napahawak naman si Philip sa siko ko.

"Ayos lang ako, medyo nahilo lang" sabi ko. Atsaka nagpatuloy sa pag lakad. Ramdam ko anman ang presensiya niya sa likod ko.

Eto na iyon Amanda, eto na ang iniintay mong pagkakataon.

Nang malabas kami ay humarap na agad ako sakanya.

"May gusto lang akong itanong sayo at para maliwanagan na ako tungkol sa nangyari noon." sabi ko atsaka yumuko.

"Anong tanong?" inosente niyang tanong.

Nagsimula naman mamuo ang luha ko pero pinigilan ko iyong pumatak sinikap kodin na hindi ako pumiyok bago magsalita.

"Why did you cheat?" nakayuko ko padding sabi.

"Anong niloko? yung tungkol ba kay Adelyn?" napaangat naman ako sakanya ng tingin atsaka dahan dahang tumango.

"Look, Adelyn was my Ex pero wala na akong koneksiyon sa kanya matagal na. Pero nang malaman niya na bumalik ako sa states pumunta siya sa Bahay nasaktuhan noon na magkacall tayo" paliwanag niya.

Maharot amp. Coincidence?

"Ano iyong sa fb mo noon? At bakit hindi ka sumubok na kontakin ako noon?" kalmado kong sabi.

One Last TimeWhere stories live. Discover now