Kabanata 48

8 1 0
                                    


Nakauwi naman na sina Axel at Ash kami nalang ang naiwan ni Philip, naka duty siya pero dumadaan padin siya sa cubicle ni Mama. Alam ko naman na nahihirapan na din siya dahil sa pagod.

Pumasok naman siya na may dalang pagkain at inabot iyon sakin. "Salamat." Sabi ko.

"Kumain kana ba? Gabi na hindi kapa maghahapunan?" Bulalas ko.

Umiling naman siya sakin. "Mag a-out naman na ako at uuwi naman na din tayo maya maya patapos naman na ang visiting hours." Sabi niya.

Tumango naman ako. Kinain ko naman ang dala niya na pag kain para sakin... Nagsimula na din naman na bumuhos ang malakas ng ulan. Mukhang mapapaaga ang uwi namin.

Nang matapos kumain ay naglipit na ako at inayos ang mga gamit ko... Mukhang bukas pa ata ang gising ni Mama. Lumapit naman ako kay mama at hinawakan ang kamay niya.

"Mag pagaling ka Mama okay? Kapag bumalik na ang lakas mo mag chechemo kana... Kapit lang okay? Laban lang." sabi ko kay mama kahit na tulog ito. Hinalikan ko naman sa noo si mama bago umalis.

Pagdating ko sa entrance ng ospital ay andon na si Philip at nag iintay sakin habang may dala na payong. Lumapit naman na ako sakanya at binuksan niya ang payong at dumiretso kami sa parking. Nang makasakay ay pinaharurot na niya ito papunta sa bahay at ng huminto na ang kotse sa tapat ng bahay pero hindi pa din bumaba si Philip kaya nanatili muna kami sa loob. May kinuha naman sa likod ng kotse at pagbalik niya ay may dala na siyang isang bouqet ng rosas... Ako naman ay wala kaalam alam pero tinanggap ko iyon, may sulat naman na andon sa loob. Kinuha ko iyon at binasa.

This is my confession,

I don't want to be left in the dark again, it just remind me of something I once had but lost...

-Philip.

Maluha luha naman ako napatingin sakanya.

"Will you be officially my girlfriend?" Sabi niya.

Tumulo naman ang mga luha ko at niyakap siya. "Yes! Yes Philip." Habang tumutulo ang mga luha ko.

"I love you so damn much Amanda. At mababaliw ako kapag hindi kapa naging sakin..."

"I love you too..."

Nakangiti naman ako sakanya, pinunasan naman niya ang mga luha ko at saka ako hinalikan.

Tinanggal ko naman ang bag ko at phone ko at iniwan sa sasakyan saka ako lumabas kahit na malakas ng sobra ang ulan. Binuksan ko naman ang pinto sa tabi niya at hinatak siya.

"What are you doing? Magkakasakit ta---" pinutol ko naman siya atsaka hinalikan sa ilalim ng ulan. Nagsimula na din ako mabasa ng sobra. Inilagay naman niya ang isa niyang kamay sa bewang ko at ang isa ay sa likod ng batok ko atsaka ako hinapit palapit lalo sakanya. Pinatong ko naman ang ulo ko sa sa dibdib niya at niyakap siya.

Pagkatapos noon ay nagsayaw kami sa ilalim ng ulan at madilim na gabi. Kahit na nagmukha kaming timang ay wala na ako pake.

Dahil natupad na din ang isa sa hiling ko...

One Last TimeWhere stories live. Discover now