Kabanata 11

28 18 0
                                    

Eros POV

Natawa ako nang makita ang mukha niyang gulat na gulat habang nakatingin sakin.

Siguro nagtataka siya bakit ako nandito.

Sapagkat ako at si Philip ay iisa hindi paba halata nung una palang.

"Rose, eto na pala si Philip ang anak ko"

Pati si tita Rose gulat na gulat din pareho sila ni Amanda ng mukha.

Hays mag nanay nga talaga.

"Teka? Eto na si Philip? Eh diba ikaw si Eros?"

Tumikhim naman ako umabante sa harap.

"Magandang umaga po, Ako po si Eros Philip Rodriguez" sabay tingin kay Amanda na nakahawak sa kanyang bibig na gulat na gulat.

"Oh? Magkakilala na pala kayo ni Tita Rose mo?" sabi ni dad.

"Yes pa, Actually nung nakaraan lang" sagot ko kay dad.

"Okay then, Pumasok na tayo"

ma awtoridad na sabi ni papa.

Tumango naman sila at pumasok na, Habang naiwan kami ni Amanda sa labas.

"Hey, Im sorry ngayon ko lang sinabi"

Nag angat naman siya ng tingin sakin na may hindi maipintang mukha.

The fuck ngayon ko lang nakita mukha niya na ganyan.

"All this time Philip? Matagal na pala kitang kasama? Kaya pala nagtataka ako bakit parang kilala kita, Kasi kilala pala talaga kita"

Yumuko naman ako, I didnt know na magiging ganto.

"Im sorry"

"Tara na pumasok na tayo baka hinihintay na tayo nina mama"

Tumango nalang ako sakanya at sumunod na.

Andon na sila at nakaupo sa hapag kainan. Naka set na lahat ng pagkain sa lamesa tahimik kaming nakaupo ng bigla nagsalita si mama.

"Ah amiga, Balak ko sana pagusapan ang kasal nang dalawang to katulad ng napagkasunduan nung mga bata pa lamang sila"

Nabilaukan naman ako sa chicken curry na kinakain ko sa sinabi ni mama, Ganon din si Amanda.

Dali dali akong uminom ng tubig bago nagsalita.

"Teka ma?! Bata palang naman kami? Grade 12 pa kami may 4 years pa kami sa college bakit kasal agad?!" gulat kong tanong.

"Oo nga po madami papo kaming pangarap sa buhay" sabi ni Amanda.

Pero totoo naman kasi maski ako ay hindi ko alam na may ganito palang mangyayari.

"Mas maayos sana kung mas maaga pag planuhan, matagal na itong kasunduan ng dalawang pamilya" sambit ni dad.

"Oo nga amigo, pero sana pagkatapos nalang sana ng kanilang senior high saka natin pagplanuhan iyan" sabi ni tita Rose. 

Si Amanda naman ay parang malungkot na nakatingin kay tita.

Bakit? Ayaw niya ba na sakin maikasal pagdating ng panahon? Napatango nalang kaming lahat sa napagkasunduan ng pamilya.

"Ma, Lalabas muna kami ni Amanda" paalam ko.

Tumango naman si mama sakin basta daw at umuwi kaagad, Saka ko inaya si Amanda tumayo naman siya at naglakad na kami palabas, Habang papunta kami sa park ay tahimik lang siyang naglalakad.

Nandito kami ngayon at nakaupo sa swing.

"Amanda, Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo gusto ko kasi na masopresa ka kaso mukhang hindi, Im really sorry"

lumingon naman siya sakin at matamlay na ngumiti.

"No, Okay lang siguro nabigla lang talaga ako dahil sa nalaman ko. Ikaw ano masasabi mo sa kasal daw natin?"

"Nabigla ako sa totoo lang, Hindi ko naman kasi talaga alam ang tungkol dito, Ikaw?"

Tumingala naman siya sa langit at saka nagsalita.

"Gulat din, Pero ayoko naman makasal na hindi naman ako gusto nung tao, Ayoko matali ka sakin na wala ka naman nararamdaman hindi ako ganon ka selfish Philip. Alam mo gaano ko itrine-treasure kung ano meron tayo."

Wala ka kaideideya kung gaano kita gusto pakasalan ng hindi kana mawala pa sakin o mapahiwalay ako sayo.

Gusto kong maging selfish pagdating sayo.

You're mine, Only mine.

That's how possessive I can be when it comes to you.

One Last TimeWhere stories live. Discover now