Kabanata 38

14 2 0
                                    

Kinabukasan.

Naalimpungatan naman ako sa ingay ng doorbell sa baba.

Ano oras na ba? Tumingin naman ako sa wallclock.

Awit naman. 8 am palang. Kukusot kusot mata pa akong bumaba para harapin ang nasa pinto.

"Ano po iyon?" Bungad ko sa tao sa labas ng pinto.

"Ah ma'am may nagpapadala po ng bulaklak dito sa address niyo po." Saka niya inabot sakin ang bouquet.

Red roses? Nanaman?

"Sang flower shop to galing?"

"Dun po sa may kabilang kanto po" sabay turo niya pa.

Kabilang kanto? Edi malapit lang din sakin ang nagbibigay ng bulaklak sakin?

"Thank you po" saka naman siya umalis.

Ganon din katulad ng nauna ay may note din na nakasiksik sa loob ng bouquet. Kinuha ko naman iyon at binasa.

I fell for you and I am still falling.

-Pippo.

Napakunot naman ako ng noo dahil doon. Pumasok naman ako sa loob para tawagan si Axel. Pag ka kuha ko ng phone ko ay tinawagan ko siya agad.

(Hello) sabi ko.

(Ano? Natutulog pa ako)

Rinig ko pa ang paghilik niya sa kabilang linya.

(Hoi! May nagpadala nanaman ng bulaklak dito)  sigaw ko sa telepono.

(Edi congrats)

(Axel naman eh! Gumising kana kasi lutang ka nanaman!) inis kong sabi.

(Ano ba kasi yun?)

(Uulitin ko pa ba? O pupunta kana dito kasama si Ash?) banta ko.

(Tsk. Oo na nga mangbabanta pa eh)

Binaba ko naman ang tawag atsaka kinuha ang mga bulaklak na nasa vase para ipakita kina Ash at Axel pagdating nila.

Mga halos ilang oras ang dumaan bago sila makadating.

"Tagal niyo kanina ko pa kayo hinihintay" sabi ko habang nakapamewang sa harap nilang dalawa na kakapasok lang.

"Pano kasi itong si Ash napaka bagal magbihis" masungit na sabi ni Axel.

"Che! Edi sana nauna kana diba? Bakit mo pa ako inantay duh!" Irap naman sakanya ni Ash.

"Tsk, oh ayan yung mga bulaklak eto naman ang notes na nakita ko na nakalagay" sabay abot sakanila ng 2 pirasong papel.

Kinuha naman nila iyon binasa.

"Weird naman name? Pippo? May kilala kabang pippo ang name or nickname?" Kunot noong sabi ni Ash.

"Wala eh" iling kong tanggi.

"Eh kanino galing tong mga to?" Sabi ni Axel habang tinitignan lahat ng nasa mesa.

One Last TimeWhere stories live. Discover now