Kabanata 5

41 21 0
                                        

Amanda's POV

Nandito kami ngayon sa sala nila Ashlie para kumain, after nung nangyari sa labas hindi na sila nag imikan.

Ang set ng kasi ng sofa nila isang pangtatluhan o dalawahan tas dalawang tig isa bahala na kayo mag imagine ang hirap iexplain.

"Ako na magluluto dyan nalang kayo" pag prepresinta ni Ash.

Tumango nalang kaming lahat.

"Tara Ace bili tayo softdrinks sa labas, Dyan muna kayo ha? Bantayan mo tropa namin miss Amanda" sabay kindat.

Ano bang trip ng mata nitong mga to?

Tumango nalang din ako, alam ko naman na iniiwas muna nila si Ace kay Eros eh. Lumabas na din yung dalawa. Nanatiling tahimik sa buong salas.

Hanggang sa ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Ayos kalang ba?" tanong ko

biglang napalingon siya sakin na parang di inaasahan na magsalita ako.

"Hindi"

Eh? Drama nito? Sabagay nagtanong ako e.

"Bakit? Dahil ba sa kanina?"

Umiling naman siya.

Dahil naman kaya saan? Eh dahil curious na ako tinanong ko na din.

"About naman saan?" tumingin siya deretso sa mga mata ko at kita ko yung emosyon niya.

Malungkot na mga mata.

"May iniisip kasi akong babae na hindi na ako maalala" sabi niya atsaka ngumiti, pano niya nakukuha ngumiti kung ganon naman pala iniisip niya.

Saklap naman nun..

Pero

SANA OL MOMENTS

"Ano ba nangyari dun sa babae? Bakit hindi ka niya maalala?"

Agad siyang nag angat ng tingin at nagkwento na siya.

"Simula kasi nung umalis ako nung papuntang ibang bansa naiwan ko siya dito sa Pilipinas"

Parang kami din ni Philip dati. Iniwan niya ako noon eh pero hindi naman ako galit sakanya.

Tumingin siya ulit sa mata ko. Pero wala na yung lungkot sa mga mata niya, well I hope napagaan ko loob niya kahit papaano.

"Hayaan mo ikain nalang natin yan ng ice cream okay?" Sabay abot sa kamay niya.

tas ngumiti na siya sakin.

"Ayan mas pumopogi ka kapag naka ngiti ka!" ginantihan ko din siya ng ngiti

"Free kaba sa susunod na araw?" Tanong niya sa akin.

"Sa susunod na araw? Pupunta kasi akong puntod ni Papa sa susunod na araw e

hinawi naman niya buhok niya, taena bakit ang pogi mo?!

"Sa isang araw? Edi samahan na kita tapos labas tayo kung okay lang sayo sana okay lang ba? Sabi niya.

"Pwede naman, after ko naman pumunta sa puntod ni Papa wala naman na ako gagawin

ngumiti naman siya sabay gulo ng buhok ko.

Hilig niya siguro manggulo talaga buhok

O baka naman

Bakla siya?!

Saktong kakadating lang ng pagkain na niluto ni Ashlie as usual PANCIT CANTON! Maya maya dumating na din yung dalawa na may dalang dalawang coke na litro.

"Luto na pala pagkain eh! Sakto lang, Chibog na tayo"-Joshua


Eros Point of View.

Naiinis padin ako sa ginawa ni Ace talagang sinusubukan niya ako.

Nasa malalim ako na pag iisip na magsalita si Amanda.

"Ayos kalang ba?"

Ako ayos? Eh gusto ka nga atang agawin sakin nung kupal na yon tsk.

Agad ko naman siyang sinagot.

"hindi" alangan naman mag sinungaling ako? Eh halata naman siguro sa kanina at sa mukha ko ngayon.

"Bakit? Dahil ba sa kanina?" Inosenteng tanong niya.

Sasabihin ko ba? O hindi?

Umiling nalang ako bilang sagot, katulad padin siya ng dati curious sa mga bagay.

"About naman saan?"

ikaw.

"May iniisip kasi akong babae na hindi na ako maalala" ngumiti naman ako.

Natigilan naman siya, Halatang wala siyang kaalam alam na siya yung tinutukoy ko.

"Ano ba nangyari dun sa babae? Bakit hindi ka niya maalala?"aba malay ko sayo bakit hindi mo maalala.

Nag angat naman ako ng tingin atsaka ng kwento. "Simula kasi nung umalis ako nung papuntang ibang bansa naiwan ko siya dito sa Pilipinas"

Wala talaga siyang ideya? Na siya ang tinutukoy ko?

"Hayaan mo ikain nalang natin yan ng ice cream okay?"sabay abot niya sa kamay ko.

Ang cute talaga ng babaeng to favorite parin niya talaga ang ice cream.

Dahil naman dun napangiti ako.

"Ayan mas pumopogi ka kapag naka ngiti ka!" nahanap na kita eh kaya masaya na ako ulit.

Ginantihan niya din ako ng ngiti.

""Free kaba sa susunod na araw?tanong ko sakanya.

I have to shoot my shot.

Nag isip naman siya.

"Sa susunod na araw? Pupunta kasi akong puntod ni Papa sa susunod na araw e?" Sagot niya. 

Hinawi ko naman ang buhok ko.

Napatingin naman siya sakin.

"Sa isang araw? Edi samahan na kita tapos labas tayo kung okay lang sayo sana okay lang ba?"  Kung ganon nga edi sasama nalang ako

"Pwede naman, after ko naman pumunta sa puntod ni Papa wala naman na ako gagawin" Tugon ko saka ginulo ang buhok niya.

Saktong dating ni Ashlie bitbit yung tray ng Pancit Canton

Sabay dating din ng dalawang kupal na may dalang dalawang litro ng coke.

You will always be the light in my life my love.

Saka palihim na ngumiti.

One Last TimeWhere stories live. Discover now