Nakaalis na si Philip nung gabi mismo na iyon. Ako naman ay nanatiling gising nung gabi dahil diko maisip na umalis na talaga siya. Kaya ngayong umaga ay antok padin ako. Pero Sabi ko ay tawagan niya ako kapag nakalapag na ang eroplano.
Nag ring naman ang cellphone ko.
Philip Calling...
Sinagot ko naman iyon.
"Kamusta byahe niyo?" Tanong ko.
"Maayos naman, Nag breakfast kana ba?"
"Hindi pa eh, Inaantay kasi kita tumawag" sabi ko sa kabilang linya.
"Kumain kana mamaya magvideo call tayo pag ka uwi namin ng bahay" halata sa boses niya ang pagod sa byahe.
"Okay sige, mag ingat kayo"
Yun lang at binaba na ang tawag. Miss ko na agad siya.
Pano ko pa kaya indahin ang apat na taon? Kung ngayon na isang araw palang eh namimiss ko na siya.
Naputol naman ang pag tingin ko sa singsing ng tumawag si Mama. "Anak andito si Axel, Bumaba kana dito" napakamot naman ako ng ulo.
Ano bayan istorbo tch.
Pagbaba ko ang nakaupo don si Axel sa may sofa.
"Anong ginagawa mo dito? Ang aga aga" Mahina kong sabi.
"Gusto ko sana na mag usap tayo"
"Kumain kana ba?" Tanong ko habang papunta sa ref.
"Hindi pa, Nagmamadali kasi ako pumunta dito" sabay tayo sa sofa.
"Kumain kana muna sabay na tayo bago tayo mag usap" naghain naman na ako.
"Oh anak aalis na ako ha kung aalis ka ilock mo pinto, Axel bantayan mo to si Amanda ha wala si Philip kaya samahan mo muna" sabi ni mama saka humalik sakin.
"Sige na ma ingat ka" sabay halik din sakanya.
Nagsimula naman kami kumain pero pareho kaming tahimik.
"Asan pala si Philip?" Tanong niya.
Napatigil naman ako sa pagkain.
"Umalis siya, Nagpunta ibang bansa para mag aral babalik naman daw" atsaka nagpatuloy na ako sa pagkain.
Natapos naman na kami sa pagkain.
"Dito kana muna maliligo lang ako"
Atsaka Umakyat naman na ako agad sa kwarto ko agad na naligo. Nang makababa ako uli ay nandon na siya sa sofa.
Hindi naman siya umimik kaya ako na ang naunang nagtanong.
"Anong pag uusapan natin?"Napakamot naman siya sa batok niya.
"Uhhh yung tungkol sana sa nangyari noon"
Tumingin naman ako sakanya.
"Hayaan mo na yun" sabi ko atsaka bumuntong hininga.
"Mapapatawad mo ba ako?" Tingin niya sakin.
Sino ba naman ako para hindi kita patawarin?
"Oo naman, pero di ako nangangako na katulad padin ng dati siguro oo pero hindi muna sa ngayon" atsaka matamlay na ngumiti sakanya.
"Ganon mo pala talaga siya kamahal no? Ni hindi ko malampasan"
Napatigil naman ako ng nag angat siya ng tingin sakin.
"Im sorry Axel, Okay naman na tayo diba?" Sabay hawak sa kamay niya.
"Oo naman pipilitin kong huwag kang mahalin kahit na mahirap tagal na eh bata palang tayo" saka yumuko naman siya.
"Pero mas magtatagal tayo sa magkaibigan Axel, ayoko mawalan ng matinong kaibigan" sabi ko.
Pinisil ko naman ang kamay niya. "Sabay tayo mag enroll sa college mag simula tayo ng bagong memories hindi naman ako madamot sa Second chance Axel" nag angat naman uli siya ng tingin.
"Talaga? Salamat Amanda" sabay yakap sakin.
Hinimas ko naman ang likod niya para kumalma siya.
"Oh sabi ni mama bantayan mo daw ako" biro ko.
"Halika dali bonding tayo tawagan mo si Ash" sabi niya atsaka tumayo.
"Sige sige pero ikaw mag luto ng pagkain ah!" Biro ko.
••••
Dumating din naman agad si Ash at nag movie marathon kami. Mukhang may dadagdag sa tropa.
YOU ARE READING
One Last Time
Ficção AdolescenteDoes true love has a habit of coming back? Or it just happens that it found you in your mess? What if the love you forgot, found you again? What will happen when two lost souls found peace in each other? Will it be a happy ending? Or just an another...