Kabanata 41

13 3 0
                                    


Nagising naman ako sa isang kwarto at naamoy ko agad ang amoy ng gamot kaya nalaman ko agad na nasa ospital padin ako. Teka ano ba nangyari? Tumingin naman ako sa paligid nakita ko doon si Philip na nakaupo at natutulog.

Ang huli ko lang na naalala ay nasa ospital kami at sinabi ni Philip ano nangyari kay mama.

Ano na ang nangyari kay mama? Tatayo na sana ako kaso bigla namang nagising si Philip at dumiretso agad sakin atsaka ako yumakap.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo." Sabi niya yumakap naman din ako sakanya pabalik.

"Si mama kamusta na siya? Baka kailangan niya ako dun" sabi ko atsaka akma sanang baba ng kama pero pinigilan niya ako.

"Hindi ka pwede mag kikilos kailangan mo magpahinga" sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Pero si Mama gusto ko andon ako sa pag gising niya Philip, dapat andon ako." Sabi ko.

"Tangina naman Amanda, isipin mo naman sarili mo... Nahimatay kana nga kanina hindi mo padin iniisip ang sarili mo." Pikon niyang sabi kaya natahimik nalang ako.

"Sorry..." atsaka yumuko.

Inilapit naman niya ang noo niya sa noo ko at pinagdikit napapikit nalang din ako. "Hindi ko na alam ang gagawin ko kung maulit pa ito, alagaan mo naman ang sarili mo kailangan ka din ni Tita, kailangan kita." Sabi niya.

Dumilat naman ako at saka tinignan siya inilapat naman niya ang labi niya sa labi ko agad din naman niya iyong binawi pero dama ko ang lambot sa labi niya.

"Gutom kana ba? Mag oorder ako ng pagkain sa labas, wala kasi lasa ang pagkain dito sa Ospital" bulalas niya.

"Medyo gutom lang, asan sina Ash at Axel?" Tanong ko sakanya.

"Pinauwi ko muna sila, sila din kanina ang nagbantay kay Tita doon habang wala kang malay kanina." Sabi niya habang hinuhubad ang lab coat niya kaya ngayon ay suot niya ay isang polo. Kinuha naman niya ang susi sa sa table.

"Magpahinga ka muna dito, lalabas lang ako sandali para bumili ng pagkain." Sabi niya.

Tumango naman ako sakanya atsaka tinignan siya habang lumalabas ng kwarto, nang makalabas ay kinapa ko naman ang phone ko at laking tuwa ko na nandon pa rin iyon kung saan ko nilagay. Napagpasyahan ko naman mag fb muna habang inaantay si Philip nang may litratong nakakuha ng atensiyon ko.

Adelyn Fritz...

Tinignan ko naman kung anong picture iyon at laking gulat ko na kuha iyon sa Airport at isang oras lang nakakalipas ng ipost niya iyon. Agad namang kumulo ang dugo ko dahil sa nakita.

Tanginang Adelyn yan, sisiguraduhin kong may bangas ang mukha niya kapag nagkita kami. Wag ka lang mag kakamali. Inialis ko naman dun ang atensiyon at naghanap nalang ng mapagkakaabalahan

Lumipas din naman ang halos 30 minuto ay bumalik na agad si Philip na may dalang Mcdo.

"Bilis mo ah?" Asar ko sakanya.

Tumawa lang siya atsaka inilapag ang susi sa table.

"Paano hindi bibilis katapat lang ang mcdo drinive thru ko na para mabilis ayoko pumila sa loob" sabi niya. Arte amputs. Kaya tumawa nalang din ako

"Kumain kana dyan at matulog kana." Sabi niya habang tinuturo ang paper bag na dala niya.

"Eh ikaw hindi ka kakain?" Sabi ko.

Umiling lang naman siya atsaka umupo sa tabi ko at isinalansan ang mga binili sa table sa harapan ko. Kumain naman ako agad pagtapos niya mag ayos.

Pagtapos kumain ay inayos niya na din ang hihigaan ko. "Hindi ka matutulog?"

"Babantayan kita sige na pwede naman ako matulog dito sa upuan" sabi niya.

Tumango naman ako at umayos ng higa lumapit naman siya sakin at hinalikan ang noo ko atsaka lang ako pumikit.

One Last TimeWhere stories live. Discover now