Kabanata 15

41 20 0
                                    

Amanda's Point of View.

Nagising nalang ako sa isang kama halos puro puti lahat ng marealized kong clinic pala ng school to.

Pano ko napunta dito?

Eh ang naalala ko lang nung nawalan ako ng malay. Napalingon naman ako sa paligid ng makita si Ash at Eros sa gilid. Nagtama ang mata namin ni Ash na halatang nag aalala sakin ngitian ko naman siya kahit hinang hina ako.

"Ano okay kana ba? May masakit ba sayo? sabi ng Nurse allergic ka sa mga seafoods kasi tinanong niya kami ano kinain mo" alalang tanong sakin ni Eros.

Umiiling naman ako at umayos para makaupo.

"Wag ka muna maglikot kelangan mo magpahinga" sabi ni Eros.

Tumango nalang din ako sakanya kasi nanghihina ako ng sobra, hindi ko alam na ganito padin pala ang mangyayari sakin kahit kumain ako ng may hipon.

Lumapit naman sakin si Ash na maluha maluha.

"Im really sorry Amanda hindi ko naman alam na allergic ka pala don, im really sorry" sabi niya pa sakin na maiyak na halos.

Hinawakan ko naman ang kamay niya para iparating sakanya na ayos lang yon.

This time tumungo naman ang mga mata ko kay Eros.

"Ano bang pumasok sa isip mo at kinain mo pa yon? gusto mo ba talagang ipahamak ang sarili mo?" sabi niya.

"Ayoko naman kasi hindi kainin dahil nakakahiya kay Ash" mahina kong sabi.

Bumuntong hininga naman siya at ako naman ay yumuko.

"Hindi namin pinaalam kay tita to kasi baka mag alala siya ng sobra" sabi ni Eros pero nanatili pa din akong nakayuko.

"Alam mo bang alalang alala ako sayo nung nakita kitang pabagsak sa sahig kanina?" naiinis na sabi ni Eros.

"Uhm iwan ko muna kayo kunin ko lang ang bag ni Amanda usap muna kayo dyan, Amanda im sorry talaga" malambing na sabi ni Ash

Ako naman ay ngumiti lang sakanya, lumabas na siya ng clinic ng magsalita si Eros.

"Amanda sagutin moko bakit mo pa kinain yon?" inis na sabi niya

"Sinabi ko na nga eh nakakahiya kay Ash atsaka akala ko wala na akong allergies don" naiiyak kong sabi.

"Shhh... Please don't cry, I don't like seeing you crying please stop nag aalala lang naman ako sayo" lumapit naman siya sakin at niyakap ako at niyakap ko din siya pabalik.

And suddenly I feel im safe na walang mangyayaring masama sakin. Ganito ba talaga ang mararamdaman mo kapag niyakap ka? Bumitaw naman na siya sa yakap at hinawakan ang pisnge ko.

Ngumiti naman ako sakanya.

"Sige na magpahinga kana maya maya ay pwede na tayong umalis kelangan mo lang daw magpahinga" tumango naman ako sa sinabi niya at umayos na ng higa.

"Wag ka umalis, please" bulong ko sa kanya.

"Sige umidlip ka muna dito lang ako di kita iiwan" sabay ngiti sakin at kinuha ang upuan sa gilid at puwesto sa gilid ko.

Pumikit naman na ako. Naramdaman ko ang kamay niyang hinahaplos ang buhok ko, napaka gaan ng kamay niya na para bang ang hinahawakan niya ay babasagin.

Hinalikan naman niya ako sa noo at dahil dun tuluyan na akong nakatulog...

One Last TimeWhere stories live. Discover now