Kabanata 30

27 19 0
                                    

Kabanata 30: Past.

"Kamusta na kayo ni Philip? Tas yung Adelyn?" Sabi ni Ash. Habang prenteng naka upo sa sofa.

Umirap naman ako sakanya. Tagal na pero pinapaalala padin."Sige asar pa, happy ka diba?" Sabay irap.

"Girls ano tara na? Baka malate na tayo sa concert" sigaw ni Axel mula sa labas.

"Eh bakit mukhang apektado kapadin? 4 na taon na nakakalipas diba?" Echos naman niya sakin.

"Sige ikaw iwan ng walang eksplenasyon iniwan kalang bigla, matatahimik kaluluwa mo ha?" Pikon kong sabi atsaka siya tinarayan.

"Oh tama na yan, tara na" yaya ni Axel.

Sumunod naman ako sa labas pagkatapos namin magpaalam kina mama.

"Parang gusto ko mag vacation" singit ni Ash.

"Vacation ka mag isa mo" irap ko.

"Eto napaka kj! Mag vacation nga eh para di na mainitin ulo mo" sabay hampas sakin.

"Saan naman?" Tanong ko.

"Batangas tayo? May resort kami don, gusto niyo ba?" Sabi ni Axel. Lumingon naman ako kay Axel na nakangiti.

"Ayon naman pala eh! Don nalang" sabi ni Ash.

"Kelan naman?" Tanong ko.

'Nextweek' sabay nilang sagot. Next week agad? Eh Friday na ngayon.

"Sige " sabi ko atsaka pumirmi ng upo.

Nang makarating naman kami sa Venue ay mahaba na agad ang pila, open area naman siya buti na nga lang pagabi na hindi masyado mainit.

"Oh papasok na tayo, medyo madami tao magtabi tabi lang wag kayo masyado lalayo" paalala ni Axel samin.

"Ano kaba? Ang tatanda na natin ganyan padin?" Sabi ko.

"Psh, anong matatanda ka dyan 20 years old lang tayo tanga ka?" Sumbat niya.

Tumawa naman si Ash kaya napairap naman ako.

"Sige na tara na" saka nauna sakanila.

••••

Habang kalagitnaan ng pagtugtog naman ang banda ay nagsisimula na din mag ingay ang paligid, hindi naman ganon kasikip kaya nakakagalaw ng maayos. Lumingon naman ako sakanila atsaka nakita silang nagsasaya.

Lumingon naman ako sa kabila at may nahagip naman ang mga mata ko na pamilyar na likod sa kalayuan.

Philip...

Kumalabog naman ng sobra ang puso ko at binalot naman ako ng kaba at takot, malayo siya pero nasisiguro kong si Philip yon.

Umalis naman ako sa pwesto ko para sana kumpirmahin ngunit nasiksik ako bahagya. Tinulak ko na din ang nasa gilid ko pag kalabas ng crowd.

Nagpalinga linga naman ako habang hinahanap siya. Hindi ako pwede magkamali. Siya yun.

Nang makita ko naman siya ulit ay hinabol ko naman ito palabas ng venue pero paglabas ay may inakap itong babae. Na siya namang nagpatigil sakin sa paghabol. Lumakad naman sila palayo na magkahawak ang kamay.

After all these damn years ikaw padin. Pero hindi na ako.

At ako naman ay nanatili doon na nakatayo. Hinahanap ang sagot sa tanong na matagal ko nang alam.

Hindi na nga ako.

Nag ring naman ang phone ko tumatawag si Axel.

(Asan ka?)

(Nasa labas ako ng venue) tulala kong sabi.

(Ha bakit? Anong ginagawa mo dyan? Intayin mo kami dyan)

(Axel...) mahinahon kong tawag.

(Ano?)

(Bumalik na siya.)

(Ha? Sinong bumalik na? Wait dont tell me?)

(Oo siya nga, bumalik na siya) lutang kong sabi.

(Okay sige, antayin mo kami dyan wag ka umalis kung nasan ka papunta na kami) atsaka binaba ang tawag.

Nanatili naman ako doon. Akala ko okay na? Akala ko okay na ako.

Maya maya naman ay dumating na sina Axel at Ashlie. Sinalubong naman nila ako ng yakap.

"Sigurado kaba na siya yung nakita mo?" Alalang tanong ni Ash.

"Kelan pa ako nagkamali pagdating sakanya Ash? Kelan." Walang emosyon kong sabi.

"Nagkausap ba kayo?" Tanong naman ni Axel.

"Hindi, hindi na ako" sabay yuko kong sabi.

Damn it! Bakit ba disappointed ka Amanda? Diba dapat alam mo na sa sarili mo yan? Na hindi na ikaw.

Nanlaki naman ang mata nilang dalawa. "Tara na, umuwi na tayo" sabi ni Axel at hinablot ang kamay ko.

Habang pauwi sa bahay ay tahimik lang ako. At nag iisip.

Inabot naman ni Axel ang kamay ko. Lumingon naman ako at mahinang ngumiti.

"Ayos lang ako" pagsisiguro ko sakanya.

"Sainyo na kami matutulog ni Ash" usal niya.

Tumango naman ako. Salamat.

Lumingon naman ako sa likod at nakita si Ash na nakahiga na. Napatawa nalng ako.

Nang makauwi sa bahay ay dumiretso agad kami sa loob ng kwarto ko.

"Hindi ka na namin tatanungin kung anong nangyari o ano naabutan mo, dahil alam naman namin na hindi ka pa handa pag usapan iyon." Antok na sabi ni Ash na humihikab pa.

"Matulog nalang tayo" sabi ko.



•••••

One Last TimeWhere stories live. Discover now