Kabanata 33

22 9 0
                                    

Nang makapasok kami sa loob ng Resort ay panay bati naman ang staffs kay Axel at samin. Ako naman ay di mapigilan na lumingon sa likod kung nasaan si Philip.

"Dito tayo, may 4 na bedroom tas 2 bathrooms... Pinapuno ko na din ang Ref dyan sa loob" sabay bukas niya sa room. 4? Eh lima kami lahat? Oo nga pala mag girlfriend at boyfriend nga pala. Tsk.

Nang makapasok kami lahat ay naupo naman muna ako sa sofa sandali, dumako naman ang mga mata ko kay Philip na kausap yong babae habang papasok sila sa kwarto nila. Ano ba Amanda kelangan tutok ka? Hindi paba sapat sayo ang nakikita mo? May iba na nga diba? Hindi na nga ikaw.

Pumasok naman ako sa sarili kong kwarto atsaka inayos ang mga gagamit ko nang may kumatok naman sa pintuan ko.

"Ano yon?" Sigaw ko. Pero diko na buksan ang pinto.

"Kakain kami sa labas sasama kaba?" Tinig ni Ash.

"Hindi, busog pa ako" sigaw ko pabalik.

Narinig ko naman ang yapak niya papalayo. Naligo naman ako, hinubad ko na din ang kwintas na suot ko atsaka nilagay sa bag.

Paglabas ng kwarto ay dumiretso ako sa ref para uminom ng tubig. Nang marinig na may bumukas na pinto na isa sa mga kwarto. Akala ko ba kakain sila?

Pag angat ko naman ng tingin ay muntik ko nang maihulog ang baso sa gulat. Lumabas si Philip sa kwarto at basa pa ang buhok.

"Bakit andito ka?" Mataray kong sabi.

"Susunod ako sakanila naligo lang ako, bakit?" Malamig niyang sabi.

Nilapag ko naman ang baso atsaka papasok na sana ako sa kwarto ng marinig ko uli ang boses niya.

"Asan na yung kwintas mo?" Lumingon naman ako.

"Ano bang pakielam mo?" Sabay taas ng kilay sakanya. Ngumisi naman siya.

"Nothing, it looks good by the way" ngumisi naman siya ulit atsaka lumabas ng kwarto. Talagang nang iinis eh alam naman niya na sakanya galing yung singsing nayon. Dapat talaga tinapon ko na yon noon pa eh!

Padabog ko namang sinara ang pinto atsaka sumalampak sa kama. Kinuha ko naman ang phone ko at inistalk ko siya.

Nag iba na Cover at profile niya. So nag break sila? Tas ibang babae naman tong kasama niya ngayon? Sana ol nagkaron ng iba nung naghiwalay kami, naghiwalay nga ba kami? Sa pagkakatanda ko hindi naman kami naghiwalay? Iniwan lang ako so hindi pa kami tapos?

Nasampal ko nalang ang noo ko sa mga pinag iisip ko. Pinatay ko naman ang phone. Dat kunin ko kung ano ang akin.

Tatango tango naman ako habang nag bibihis ng aking Floral crop top and long dress kinuha ko na din yung shades ko.

Pagkalabas ko ay maghahapon na papalubog na ang araw at medyo malamig ang simoy ng hangin na tumatangay sa buhok ko. Tinawagan ko naman si Axel.

(Asan kayo?) tanong ko habang naglalakad sa tabing dagat.

(Andito kami sa may tindahan ng mga pasalubong)

At ibinaba ko agad ang tawag. Hindi naman ako nahirapan hanapin yon dahil malapit lang din kung san ako nakatayo.

Nakita ko naman sila lahat kasama si Philip na andon kasama yong babae. Lumingon naman sakin si Ash.

"Oh akala ko dika sasama?" Gulat niyang tanong.

"Nabored kasi ako sa room, ako lang mag isa" Palusot ko pero ang totoo ay gusto ko lang tignan ang gagawin nila.

Lumingon naman ako sa gawi nina Philip nakatingin naman sakin si Philip at yong babae, ngumiti naman ako nang sarkastiko sa babae.

"Bukas pala ay pupunta tayo sa kalapit na isla dito maganda mag snorkling dun" sabi ni Axel. Tumango naman kaming lahat sakanya.

"Tara na, para makapag pahinga na tayo... magbrebreakfast tayo sa baba bukas" nagpahuli naman ako sa paglalakad.

"Axel maiwan muna ako dito sa tabing dagat papahangin" sabi ko.

Tumango naman siya at dumiretso na sila sa room.

Ako naman ay naupo sa may buhanginan.
Napapikit naman ako habang nilalanghap ang simoy ng hangin.

Nanumbalik naman sakin ang mga alaalang 4 na taon na ang nakakalipas.

I'm the one who stayed, pero hindi ako ang pinili mo.

Napadilat nalamang ako. At tumingin sa kalmadong dagat.

No matter how you hold on, when something is not meant to be... You just have no choice but to let go.

Tumayo na ako sa buhanginan at napadako naman ang tingin ko sa may balcony ng room namin kung saan andon si Philip at si Andrea na masayang nag uusap. Tumingin naman sakin si Philip pero si Andrea ay tuloy ang kausap sakanya. Dumiretso nalang ako ng pasok sa may loob.

Pagka pasok ko naman sa room ay bumungad sakin sa salas si Philip na prenteng nakaupo. Himala di niya kasama yung parang linta makadikit. Dederetso na sana ako sa kwarto ng magsalita siya.

Kaming dalawa lang ang nasa salas siguro ay nasa kanya kanya na silang kwarto."Ano yang suot mo?" Lumingon naman ako sakanya atsaka siya nginisian.

"Walang problema sa suot ko" sabi ko sakanya. Magsasalita pa sana siya pero pumasok na ako agad sa loob atsaka nilock ang pinto. Napabuntong hininga naman ako habang nagbibihis ng pangtulog.

Kinuha ko naman kwintas sa bag ko at sinuot. Bahala ka mainis.

Atsaka humiga na ako sa kama ko, hindi naman ako nahirapan makatulog dahil sa pagod sa byahe.

••••

One Last TimeWhere stories live. Discover now