Kabanata 37

18 3 0
                                    

Nandon naman ako sa may sofa pag kauwi habang tinitignan ang bulaklak ay bumukas ang gate sa labas.

Teka wala pang halos 2 oras uuwi agad si mama, taka naman akong lumingon sa pinto at nakita si Philip doon sa may pinto at nakatayo naka pormal na damit siya.

Tumayo naman ako at lumapit sa pinto."ano ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

"Ah eh, break ko kasi sa ospital kaya naisipan kong pumunta dito" sabay kamot sa batok niya.

Kaya naman pala naka polo.

Tinaasan ko naman siya ng kilay."pumasok kana" atsaka tumabi sa daanan para makapasok siya tumalikod naman ako para sana bumalik sa may salas.

"Sandali." Sabay hawak niya sa palapulsuhan ko.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong habang palipat lipat ang tingin sakanya atsaka sa kamay niya.

"Pede ba ako manligaw ulit?" Nahihiya nyang tanong.

Mas lalo naman kumunot ang noo ko. Wtf?

"Ano bang pinagsasabi mo?" Sabi ko atsaka tinanggal ang kamay niya sakin.

"Seryoso ako, liligawan kita ulit... Please." Sumeryoso naman ang mukha niya.

What if maulit ulit ang nangyari noon?

"Pag isipan ko." Sabi ko atsaka tumalikod na ng tuluyan.

"Talaga?" Tumaas naman ang boses niya na parang natutuwa.

"Ang sabi ko pag iisapan ko hindi ko sinabing pumapayag na ako" saka ako naupo sa sofa.

"Kumain kana ba?" Tanong ni Philip sakin.

"Hindi pa." Tipid kong sabi.

"Gusto mo ba mag order ako? Hindi kasi kakayanin ng oras ko kapag nagluto pa ako eh"

Napalingon naman ako sakanya.

"Talaga? Oorder ka?"

Tumango naman siya, ako naman ay napangiti. Teka ang rupok naman eh! Pagkain lang yan tas aayos na pakikisama mo sakanya? Pero kasi pagkain yon eh.

Nagtatalo naman ang isipan ko dahil sa ginawa ko. Nakatingin naman ako sakanya habang umoorder nakatingin din siya sakin kaya nginisian ko siya.

Maya maya din naman ay dumating na din ang inorder niya sa na ang lumabas sa may gate. Nagulat naman ako pag pasok niya dahil halos diko na makita kalahayi ng mukha niya dahil natatabunan ng paper bag mata nalang ang kita.

Lumapit naman ako sakanya atsaka kinuha ang nasa pinaka ibabaw para makita niya ang dadaanan. Dumiretso naman ako sa kitchen at pagkabalik ko ay andon padin siya sa pwesto niya.

Naka nguso naman siya habang nakatingin sakin."Ano ginagawa mo? Ilapag mo na dun sa kitchen" sabay nguso ko pa.

"Akala ko kasi yayakapin mo ako. Psh umasa ako." Sabi niya.

"Sira kaba bakit kita yayakapin? Sana ayos kalang... Sige na ilagay mo na yan don, tama na kakangarap" atsaka bahagya pa siya tinulak sa papunta sa kitchen. Ibinababa naman niya don at umupo siya ng padabog.

"Bakit?"

"Tch wala!" Pataas na boses niyang sabi.

"Edi wala, kumain kana dyan. Tas bumalik kana sa trabaho mo istorbo ka" sabi ko sakanya atsaka umirap na siyang ikinanguso niyo. Nak nang, 22 years old na ganyan padin siya ata ang pasyente eh hindi doctor.

"Eh, samahan moko" pacute pa niyang sabi.

"Tigilan moko sa pag papacute mo baka mahambalos kita ng upuan, sige na" saka umirap.

"So nacucute-an ka naman?" Asar niyang sabi.

"Kilabutan ka oi! Asa ka." Sabi ko atsaka umupo na.

Tahimik naman kaming kumain dalawa at nang matapos kumain ay dali dali din naman nagpaalam si Philip.

"Aalis na ako, 30 minutes nalang tira sa break ko"

"Umalis kana dalian mo" taboy ko sakanya.

"Oo na eto na! Babalik ako bukas ah." Bago pa man ako makareklamo ay malapit na siya sa kotse niya kumaway naman siya sakin.

"Bye!" Sigaw niya.

Bye.

One Last TimeWhere stories live. Discover now