Nang maihatid nila ako sa bahay ay dumiretso ako agad sa kwarto ko.
Umupo naman ako sa kama at nakatingin sa kawalan. Nang maalala ko ang singsing na binigay niya sakin noon.
Tumayo naman ako atsaka hinanap sa loob ng drawer ko. At nakita ko din, kinuha ko naman at ginawang kwintas iyon.
Naglakad naman ako sa papunta sa kama atsaka niyakap ang unan ko.
Akala ko nakalimutan na kita, pero hanggang ngayon ay binabagabag padin ako ng nakaraan hanggang sa pagtulog ko. Ang mga alaala na matagal ko nang binaon sa limot.
Napaiyak nalang ako dahil sa mga naiisip dahil sa sobrang sakit. Nang kumalma ako ay natulog na ako.
Pagkagising kinabukasan ay mugto ang mga mata ko, pagbaba ko naman ay naabutan ko nanaman sina Ash at Axel sa kusina.
"Ano ginagawa niyo dito?" Tanong ko sakanila.
"Ipinaalam ka namin kay Tita bago siya umalis kanina" nalito naman ako sa sinabi ni Ash.
"Anong bukas?"
Umirap naman siya sakin. "Diba nga pupunta tayo sa batangas, 1 week tayo don"
1 week? Hm di naman siguro masama. Tumango nalang ako sakanila.
"Dito kami ulit matutulog para kinabukasan lalakad na papuntang batangas, dala na namin mga gamit namin" sabi ni Axel.
"Okay, namiss ko na din mag beach... Tagal na ng huling punta ko sa beach eh"sabi ko sakanila.
"Ano gusto niyong gawin ngayon?" Sabi Ash habang nakain.
"Ano ba palagi nating ginagawa, kain at nood lang naman tayo" sabi ko kay Ash.
"Oh edi ano gusto niyo panoodin?"
"Kahit ano nalang" sabi ni Axel habang may hawak na popcorn.
Ganon lang ang ginawa namin mag gabi para sa oras ng tulog.
•••••
"Ano ayos na ba gamit mo Amanda?" Tanong ni Axel. Si Axel naman ay nakasuot ng Sando atsaka ng Shorts
"Oo ayos na, tulungan mo nga ako dalhin sa likod ng kotse." Sabi ko pero kinuha naman na niya agad ang bag na dala dala ko.
"Tara na!" Sigaw ni Ash habang nakadungaw sa pinto.
Nakasuot naman ako ngayon ng white shirt atsaka shorts lang nasa ilalim non ang one piece black bikini ko.
Humarap naman ako kay Mama para mag paalam. "Ma alis na kami, palagi ka maglock pinto mag isa kalang dyan sa bahay"
Nginitian lang naman ako ni Mama atsaka kumaway na samin. Pagkapasok ko sa kotse ay pinaandar na agad ito ni Axel.
Mga 3 oras lang naman ang layo namin sa Batangas, kaya hindi masyado matagal ang byahe... At pare pareho naman kaming tahimik buong byahe kadahilanan na pare pareho kaming puyat kakapanood. At ako naman ay nakatulog.
"Andito na tayo, gising na" alog sakin ni Axel. Nag unat naman ako atsaka bumaba ng kotse ganon din ang ginawa ni Ash. Sinuot ko naman ang shades ko dahil sa tirik ang araw.
May kasunod din kaming sasakyan sa likod. Nanlaki naman ang mata ko na makita ang driver ng kotse na iyon.
Napalingon naman ako kay Axel. "May alam ka dito?" Pinaningkitan ko naman siya ng mata, siya naman ay ngumiti lang si Ash naman ay nagkibit balikat halatang walang alam sa nangyayari.
Bumaba naman sa kotse na yon si Philip atsaka isang babae. Iyon din ang babae na kasama niya noon sa Venue. Tumingin naman sakin kay Axel at sa dibdib ko sa kwintas to be exact... hinawakan ko naman iyon.
Inirapan ko naman silang dalawa."Tara na Axel" yaya ko. Pero hindi ako pinansin, sa halip lumapit ito kay Philip atsaka nakipag kamustahan at niyaya pa sumama samin.
Nalaglag naman ang panga ko sa ginawa ni Axel. "Axel! Tara na!" Sigaw ko sakanya.
••••
YOU ARE READING
One Last Time
Teen FictionDoes true love has a habit of coming back? Or it just happens that it found you in your mess? What if the love you forgot, found you again? What will happen when two lost souls found peace in each other? Will it be a happy ending? Or just an another...