Kabanata 27

27 18 0
                                    

Nagising ako kinabukasan ay may naiwan namang text don galing kay Axel at Philip.

Buti naman at naisipan mo pa akong kausapin?

Axel: hope you're okay na, call me if sumagot na sayo si Philip.
30 mins ago...

Philip: hey sorry medyo busy lang ako kagabi. Videocall tayo after ng Pasok ko.
10 mins ago.

Umupo naman ako sa kama at inunang magtipa ng mensahe kay Axel.

Me: Nagtext na si Philip sakin pero di ko muna rereplyan maya na siguro after ng klase niya.

Reply sent!

Maya maya ay tumunog naman agad ang phone ko.

Axel: Okay sige punta ako.

Me: Okay sige, mag ingat ka😊

Naligo naman ako at pagtapos ay bumaba agad naabutan ko si Mama na kumakain ng agahan pero nakabihis pang alis.

Teka, Sunday diba san punta ni mama?

"San punta mo ma? Bakit naka bihis ka Sunday ngayon diba?" Sabay halik sa pisngi niya.

"Hay nako, napaka daming gawain sa opisina ang dami ko padin na naiwan na trabaho kagabi kahit pa na nag overtime ako" sabi niya habang kumakagat sa Sandwich

"Pupunta pala Ma si Axel dito maya maya" sabi ko atskaa kumuha ng tinapay at kinuha ang palaman.

"Mabuti naman at nang may kasama ka dito, hindi yung mag isa kalang... Wala pa si Philip dito sa pilipinas" natigilan naman ako habang nag lalagay ng palaman.

Tsk. Kung alam mo lang Ma hindi ako nirereplyan tch.

Pinagpatuloy ko naman ang ginagawa atsaka kumagat sa sandwich ng magpaalam na si Mama "O sige na anak mauna na ako, baka malate pa ako trabaho... Wag mo na ako hintayin mamayang gabi panigurado malelate nanaman ako nang uwi" sabi niya. Tumango nalang ako.

Tumayo naman siya atsaka kinuha ang bag. Humalik naman ako sa pisngi niya atsaka siya naglakad palabas ng bahay.

Tinapos ko na ang kinakain ko at naupo sa may sofa habang hinahantay si Axel.

Hindi naman ako nag antay ng matagal dahil maya maya din ay may bumubusina na sa harapan. Pinagbuksan ko naman siya ng gate atsaka pinapasok.

"Ano hindi mo padin tinatawagan?" Sabi habang nilalapag ang susi sa counter ng kusina.

"Eh inaantay kasi kita bago ko tawagan si Philip"

"Oh andito na ako tawagan mo na dali" sabay bahagyang tulak sakin. Inirapan ko naman siya, pero tinawanan niya lang ako.

Nagpunta naman ako sa messages ng phone ko ayoko tumawag bigla baka mamaya ay nasa klase pa siya.

Me: Tapos kana sa Class mo? Tatawag na ako sayo.

Reply sent.

Maya maya ay tumunog din ang phone ko. Si Axel naman ay nakasilip sa phone ko na akala mo nakikichismis.

Philip: Free na ako, you can call na.

"Free na daw, pede na ako tumawag" sabi ko kay Axel. Tumango naman siya.

Pinindot ko na ang videocall. Si axel naman ay lumipat sa harapan ko para hindi siya makita sa video.

Ilang saglit pa ay sinagot na din niya ang tawag.

Nakita ko naman ang mukha niya, mukhang puyat at kulang sa tulog. Nakita ko naman sa background na nasa kwarto siya.

(Hey sorry hindi na ako masyado nakakatext sayo, medyo busy.) sabi niya. Habang hinahawi ang buhok.

Nag angat naman ako tingin kay Axel. Binigyan niya lang ako ng 'see i told you' look. Umirap naman ako.

(Okay lang, kamusta ka? Mukhang puyat na puyat ka at nangangayayat? Kumakain kaba?) tanong ko.

(Busy kasi sa finals, alam mo naman sina mam--)

Naputol naman ang sasabihin niya ng may kumatok at nakita kong pumasok sa kwarto niya.

(Baby, I missed you! Who's that girl? Is that your Bestfriend?) sabi ng boses sa kabilang linya habang nakatingin sakin.

Eto naman ako ay napako ng tingin sakanya at gulat na gulat. Siya naman ay gulat din. At binabaan ako ng telepono. Lumingon naman ako kay Axel. At parang hindi padin nagsisink in sakin ang mga narinig ko.

Bestfriend? Baby?

Tangina?

Nanghihina naman ako tumingin kay Axel.

"Narinig mo yun hindi ba?" Walang emosyon kong sabi. Nanatili naman siyang nakatingin sakin na parang naawa sa sitwasyon ko.

"Narinig mo?" Ulit kong tanong.

I dont have anything to lose, but please not you.

Napapikit naman ako sa sakit at panlalamig na nararamdaman ko sa akong puso.

One Last TimeWhere stories live. Discover now