Naalimpungatan naman ako at di namalayan na nakatulog sa kakaiyak. Dumiretso ako sa banyo atsaka tinignan ang sarili sa salamin.Tinignan ko naman ang itsura ko sa salamin. Maga ang mata, magulo ang buhok, at namumulang mukha. Naghilamos naman ako atsaka nanatili padin sa kwarto ko.
7:30 pm.
Gabi na pala. Umaga sa kanila.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan si Philip.
Hindi lang isa o dalawa beses ko tinawagan pero walang sumagot. Ganto ba ang gagawin mo Philip? Tinawagan ko naman siyang huli.
At sinagot nya din.
(Hello?) boses ng babae ang sumagot.
Ako naman ay di nagsalita.
(Hello? Sino to? Bat mo tinatawagan si Philip?)
Sagot ng babae sa kabilang linya. Hindi ba niya sinave ang pangalan ko or yung number? Tangina sakit naman non.
Nanginginig naman akong binaba ang telepono. At nanatili ang tingin sa screen.
Napahawak naman ako sa singsing na binigay niya sakin noon.
'I'll marry you when the time comes, just wait for me'
Ulol mo pakasalan mo kabit mo.
Babalikan mo ako pagtapos ng pag aaral mo? Wala ka nang babalikan. Oo nasaktan mo ako pero hindi ibig sabihin non tatanggapin kita ulit.
Tinignan ko naman ang teddy bear na binigay niya saakin noon.
"Tsk, may iba tatay mo..." sabi ko pa sa Teddy bear.
Tangina mababaliw ata ako. Kinuha ko naman ang teddy bear at hinubad ang singsing atsaka nilagay sa drawer ko. Ang teddy bear naman ay nilagay ko nalang sa loob ng closet ko.
Minsanan lang ako maghabol Philip, pero pag napagod na ako wala na talaga.
Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Axel.
(Hello.) sabi ko pagkasagot nya ng tawag.
(Kailangan mo na ba nang tulong ko?)
(Samahan moko sa mall bukas bibili ako bagong phone at sim card) desidido kong sabi.
(Ha? E pano mo makakausap si Philip?)
(Kakausapin ko paba? Hindi paba sapat yung nakita ko sa videocall? Yung sa fb? Yung sinend sakin?) galit kong sabi.
(What? Anong sinend?) litong tanong niya.
(Ipapakita ko nalang sayo bukas, hindi ako palahabol na tao Axel kung ayaw na sakin wala na ako magagawa dun.) usal ko.
(Hays okay... Sasamahan kita bukas, magpahinga kana muna ayoko makita ka na ganyan. Pakiusap)
(Okay, I'll see you tomorrow, bye) Atsaka binaba na ang tawag.
Hindi dapat ako mag paapekto. Malakas ka Amanda.
Kinaya mo na to noon, kaya kakayanin mo to uli.
Hindi na bago sayo to Amanda... Kayang kaya mo isalba sarili mo.
Bumaba na ako at kumain na ng hapunan. At pagbalik ko sa kwarto ay hinihiling ko na sa sarili ko na makalimutan ko nalang ang lahat.
Pero diko lubos akalain na aabot ng ganito ang pagmamahal ko sayo Philip... Hindi parin kita magawang bitaw bitawan kahit pa na sobra akong nasaktan.
YOU ARE READING
One Last Time
Teen FictionDoes true love has a habit of coming back? Or it just happens that it found you in your mess? What if the love you forgot, found you again? What will happen when two lost souls found peace in each other? Will it be a happy ending? Or just an another...