Kabanata 43

10 1 0
                                    


Tahimik naman kaming kumakain ng lugaw sa kwarto ko ni hindi na din binanggit ni Philip ang nangyari kanina dahil alam niyang galit ako.

Tumikhim naman si Philip kaya napatingin ako sakanya. "Pwede kana palang umuwi ngayon." sabi niya.

Tumango tango naman ako. "Daan muna tayo kay mama bago ako umuwi, pakitawagan na din muna sina Ash at Axel para magbantay pag uwi ko sa bahay. Kukuha din ako ng damit ni mama" sabi ko.

Tinabi ko naman ang styro na pinagkainan ko.

Umalis naman si Philip at tumawag ng nurse na mag aayos ng higaan iniready ko naman ang sarili ko para sa pag alis. Nang matapos ang lahat pati ang kama ay  niyaya ko na si Philip na pumunta kay mama.

Habang naglalakad ay nag iisip naman ako about kay mama.

Sa sobrang kakatrabaho mo Ma nagkasakit ka tuloy. Kailangan ko tatagan ang loob ko.

Nang nasa tapat na kami ng kwarto ni mama ay may sinabi muna si Philip sakin.

"Tulog pa ngayon si tita pero kanina ay gumising din siya" asik niya.

Tumango naman ako. "Ayoko din makita ako ni Mama na ganto, baka maiyak lang din ako. Mas okay na yung tulog siya ngayon kung kelan ko siya bibisitahin." Sabi ko.

Pinihit naman ni Philip ang pinto at tinulak papasok, ganon parin ang itsura ni mama pero hindi na siya kasing putla nung una kong nakita.

Tumabi naman ako kama niya at hinaplos ang buhok niya. "Babalik ako Mama ah? Kailangan mong magpalakas." Yun palang ang nasasabi ko pero naiiyak na ako. Hinalikan ko naman ang noo niya at nagpaalam na ako ganoon din naman si Philip.

"Pakisabihan nalang muna si Ash na sila muna dito ha?" Sabi ko. Tumango din naman si Philip. Lumabas naman na kami ng kwarto ni Mama dumaan naman muna si Philip sa desk para sabihing babalik kami. Pagkabalik naman niya ay sumakay na kami agad.

"Pag dating natin sainyo magpahinga ka muna saglit bago mo ayusin ang mga gamit ni tita and mag lunch na din muna tayo sainyo. Okay?" Bulalas niya pagkabukas ng pinto ng sasakyan.

Tumango naman ako sakanya. Nilagay naman niya ang kamay niya sa batok ko at hinila palapit sakanya, at nilapat naman niya ang noo ko sa noo niya.

"Magiging maayos din ang lahat okay?" Bulong niya. Dahan dahan din naman akong tumango sakanya. Pinaghiwalay nadin niya ang mga noo namin atsaka nilapat niya ang labi niya sa noo ko. Bumitaw naman siya agad ngumiti sakin kaya napangiti din ako.

Isinarado naman niya ang pinto at naglakad papunta sa kabila. Nang makapasok siya ay pinaadar na agad niya ang kotse papaalis. Habang nasa daan ay naisip ko naman na buksan ang radyo ng sasakyan, sakto namang pagbukas ko ay ang tugtog ay ang
The That Got Away by Katy Perry. Bigla naman may punasok sa isip ko.

Summer after high school, when we first met

We make-out in your Mustang to Radiohead

And on my eighteenth birthday, we got matching tattoos

"Naalala mo noon? 4 years ago... napasabi nalang ako sarili ko na, baka nga hindi na ako pagbalik mo." Sabi ko sa gitna ng tugtog. Saka lumingon kay Philip.

"Wala namang nagbago, wala ding bago." Sabi niya habang nakatutok padin sa daan.

Used to steal your parents liquor and climb to the roof

Talk about our future like we had a clue

Never planned that one day I'd be losing you

"Katulad din sa kanta, hindi ko aakalain na isang araw mawawala ka din sakin." Patuloy ko.

Napayuko naman ako. Inabot naman ni Philip ang mga kamay ko.

"It's okay naglalabas lang ako ng emosyon ko." Sabi ko sakanya. Nag aalala naman siyang tumingin sakin.

In another life, I would be your girl

We keep all our promises, be us against the world

In another life, I would make you stay

So I don't have to say you were the one that got away

The one that got away

"Sabi ko pa sa sarili ko, 'siguro nga hindi talaga tayo ang para sa isa't isa na baka hanggang dito nalang talaga tayo, dito na magtatapos ang kwento nating dalawa."

Huminto naman ang kotse sa tapat ng bahay namin pero hindi siya bumaba.

"I won't leave you, you're the love of my life okay?" Sabi niya atsaka hinaplos ang buhok ko.

Inilagay naman niya ang kamay niya sa batok ko at dahan dahang lumapit ang mukha niya hanggang sa dumampi ang malabot niyang labi dun ko lang napagtanto.

Hindi na talaga kita papakawalan.

Sabi ko sa isip ko bago sumabay sa galaw ng labi niya.

One Last TimeWhere stories live. Discover now