Kabanata 16

48 19 3
                                    

Amanda's Point of View.

Ilang buwan na din ang nakalipas simula nung isinugod nila ako sa clinic ang bilis ng panahon at naghahanda na kami para sa finals yun nalang at makakagraduate na kami.

College na kami sa pasukan, Ang kukunin ko ay Accounting kahit medyo tagilid.

Si Ash naman ay mag teacher, si Eros mag Doctor ayon daw kasi ang gusto ng mga magulang niya para sakanya.

Dr. Eros Philip Rodriguez.

My future Doctor.

Charot! HAHAHAHAH

Sunday naman ngayon at wala masyadong ginagawa dito sa bahay.

"Nak? may ginagawa kaba?" tawag ni Mama sakin.

"Wala naman po ma bakit po?" lumabas naman ako ng kwarto para bumaba.

"Andito kasi si Eros, bakit dimo sinabi saking may lakad pala kayo?" nagulat naman ako sa sinabi ni mama at natuod sa pwesto ko.

May lakad kami? Parang wala naman siyang sinabi sakin.

"Ah sige po mama maligo lang po ako!!"sabay takbo papunta sa kwarto ko.

Ano nanaman ba iniisip nitong si Eros? At bigla nalang pupunta dito sa bahay.

•••••

Ng matapos na akong maligo ay bumaba na ako agad nakakahiya naman kung pag iintayin ko pa siya. Pag baba ko naman ay nakita ko agad siya na nakaupo sa sofa habang nanonood si mama naman ay nasa kusina.

Lumingon naman siya sakin nung nakita niya ako. Pinasadaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ano yang suot mo?" sabay tingin sakin ng nagtataka.

Anong ano suot ko? malamang damit!naka simpleng dress lang naman ako na puti atsaka sling bag.

"Damit? May nakikita kapa bang ibang suot ko? Duh." Pilosopong sagot ko sakanya.

Kumunot naman ang noo niya at napahawak sa bridge ng ilong.

"Alam kong damit magpalit ka mag pants ka wag kang mag dress" sabay sabi niya.

Eh?

Ano naman mali sa suot ko?

"Bakit ano ba problema? Pangit ba tignan?" tanong ko sabay tingin sa damit.

Bigla naman sumingit si mama.

"Oh anong problema niyong dalawa?dahil sa suot ni Amanda? rinig na rinig kayo hanggang kusina" tumingin naman ako kay mama na parang humihingi ng tulong na wag papalitin ng damit.

"Sorry po tita, ayoko lang po kasi na mabastos si Amanda kaya po pinagpapalit ko po ng pantalon" sabi niya sabay tingin sakin.

Hayy. So ano magpapalit pa ako ng damit?

"May punto naman si Eros sige na mag palit kana gusto niya lang naman kung ano makakabuti sayo" bumuntong hininga nalang ako at tumango.

One Last TimeWhere stories live. Discover now