Jade Point Of View
.
Maaga akong nagising dahil sa totoo lang hindi ako nakatulog may bumabagabag sakin, hindi ko matukoy kung ano, siguro dahil sa sinabi ng kung sinong bumulong saken kahapon.
Umupo ako sa isang duyan, hindi ko alam kung bat ako napadpad sa lugar na to. Naglakad lakad lang ako tas yun nakita ko tong nakatagong playground malapit sa apartment. Hindi pa ako nag ayos ng sarili kasi maaga pa naman at ayokong malaos pagdating sa classroom mamaya. Sinipa ko yung buhangin dahilan para magkaalikabok sa paligid.
Medyo luma na at mukhang wala ng pumupunta o gumagamit dito dahil sobrang alikabok ng paligid.
"Bat ganun? Pakiramdam ko parang nag iisa parin ako"ginulo ko ang buhok sabay yuko. Haist! Nababaliw nanaman ako, kinakausap ko nanaman ang sarili ko ng mag isa.
"Alone?"inangat ko ang ulo ko ng marinig ko ang isang tinig. Nakita ko ang mukha ni gab, nakaramdam ako agad ng inis dahil siguro nung nagkita kami hindi niya ako nagawang pansinin.
Hindi ko siya pinansin pero tumingin na ako sa unahan habang inaayos ang buhok kung magulo.
"Mas lalong dumadami ata ang pumapasok sa MU"natatawang wika niya, nilingon ko siya at seryosong tinignan siya ng mabuti, iniscan ko ang katawan niya hanggang sa may napansin akong isang kakaibang nakaukit sa leeg niya.
Pinagmasdan ko yung mabuti, dun ko tinigil ang aking paningin. Isang napaka liit lang na tattoo pero hindi ko makita kung anong klaseng tattoo yon. Ano kayang ibig sabihin nun? Sobrang liit lang niya pero kung malapitan mo sigurong titignan yon malalaman mo kung ano yon.
Natauhan ako bigla ng takpan niya ang leeg niya sabay tayo."Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito?"unti unti niyang tinatanggal ang kamay niya sa leeg.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Anong ibig niyang sabihin? May kahulugan ba ang nasa leeg niya? Nabigla ako ng nilapit niya ang leeg niya sakin, tama ang hinala ko. May maliit na larawan dun, isang dragon na kulay pula ang mata.
Lumayo na siya sakin sabay ayos sa damit niya."Lahat ng makikita mong may ganito matagal ng nandito sa MU at posibleng magkaroon karin nito"wikan niya sabay smirk.
"Tinatakot mo ba ako?"nginitian ko siya pabalik sabay sandal sa bakal na nakatayo dito.
"Bakit? Natatakot kana ba?"pabalik niyang tanong. Yes, takot na ako kaya kung pwede lubayan nalang nila ako. Hindi ako magtatagal sa lugar na to, sinisigurado ko yan.
Akmang aalis na ako pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan."Tandaan mo jade, iisang panuntunan lang ang nandito pero hindi ibig sabihin nun hindi kana mag titiwala sa mga taong nasa paligid mo"
"May mga tao paring dapat mong pagkatiwalaan at mahalin pero iilan nalang sila kaya galingan mo sa pag pili. Hindi sapat na kaibigan muna siya dati ay kailangan mo ng magtiwala sa kanila. Nagkakamali ka!"naglaho siya sa harapan ko na parang bula. Inikot ko ang mata ko pero ni anino niya hindi ko makita.
Silang tatlo ba ang tinutukoy ni gab? Mga kaibigan ko ba ang sinasabi niya? Hindi! Kailangan ko silang pagkatiwalaan kasi matagal na rin kaming may pinagsamahan at hindi sapat sakin ang mga katagang binitawan ni gab. Tinatakot niya lang ako kaya niya yun nasabi.
Tumakbo na ako papunta sa apartment ko sabay ayos sa sarili. Pagkapasok ko sa classroom namin kunti palang ang mga nandito kaya napagpasyahan kung matulog na muna total wala pa naman ang aming guro.
Tumatakbo ako sa napakadilim na bahagi ng paaralan. Walang katapusang pagtakbo, hindi ko maramdaman na pagod na ako kahit may mga pawis ng pumapatak sa gilid ng ulo ko. Napatingin ako sa gilid ko kung saan may kasama akong isang tao, magkahawak kaming dalawa. Kitang kita ko sa mukha niya na gusto niya akong ilayo sa lugar na to ngunit may isang balang bigla nalang tumama sa dibdib niya dahilan para matumba siya sa sahig.
Hindi ko alam pero subrang basang basa ng mukha ko dulot ng luhang pumapatak sa dalawang mata ko. Anong nangyayare? Bat ko siya iniiyakan ganung hindi ko naman siya lubos pang kilala?
"Okay class dismiss"unti-unti kung inangat ang ulo ko, palabas na yung guro namin. Anong nangyare? Pawis at luha ang sumalubong sakin pagkagising ko. Bat ako tumatakbo kasama siya? Bat parang ang bigat ng pakiramdam ko ng mabaril siya?
Bakit ko napanaginipan si luke smith na magkasama kami??
.
Someone's Point Of View
.
Hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami rami ng paaralan, dito pa nila naisipang pumunta. Isang nakakatakot na experience ang mararanasan mo sa loob ng Mysterious University (MU) . May mga bagay na hindi mo maiintindihan. Isang rason na ang may bumubulabog sayo sa gabi kapag baguhan ka pa lang at isa pa, sobrang bilis ng takbo ng orasan dito. Wala pang isang minuto na bumaba ka sa rooftop, pagkatingin mo sa relo 12 na agad.
Nung pumasok si jade dito, first time ko ulit maramdaman yong kaba na matagal ko ng hindi nararamdaman simula ng mawala saken ang taong mahal ko,madalas ko siyang bantayan baka may masamang mangyare sa kaniya kahit na nasa malayo siya.
Hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyare kaninang madaling araw, nakakapag taka lang kasi yong mga naunang estudyante na pumasok dito wala naman kaming naramdaman o ingay na naririnig pero nung araw na pumasok mismo si jade dito naranasan ulit namin yong ganun. Hindi lang ako ang nakarinig nun kundi kaming lahat kaya nung may meeting sa gymnasium lahat ng estudyante balisa at halatang puyat.
Ganitong ganito yung naramdaman din namin nung unang pagpasok ng babaeng sobra kung minahal.
Karamihan sa mga estudyante nagtataka kung bakit ganito kalawak at kaganda ang paaralan dito samantalang hindi naman nila ito nakita sa labas, maski ako hindi ko alam ang sagot sa tanong na yan kasi matagal na akong nakakulong sa lugar na to at ni minsan hindi pa ako nakalabas kaya naman hindi ko alam ang mukha ng nasa labas at wala akong masasagot sa tanong na yan. Nagpapakita lang ako kapag may pumapasok sa entrance at ako ang taga welcome duon.
Hindi ako basta basta nagpapaalala sa mga baguhan tanging kay jade lang dahil may pakiramdam ako na nauuto siya agad ng mga taong nakakasalamuha niya tulad din ng taong minahal ko. Ang dami nilang similarities kaya hindi ko maiwasang hindi sila ikompara.
At sa taong matagal ko ng hindi nakakapiling sana naging masaya ka kung nasaan ka man ngayon, hindi ako magiging ganito kung hindi ka nawala nandito paden yung sakit ng iwanan mo ko.
Patawad kung hindi ko matutupad ang pinangako kung ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa mawala ako sa mundong to dahil mukhang may isang taong magpapabago nun dahil magkatulad kayong dalawa yon siguro ang naging dahilan kung bakit nahulog ako sa babaeng yon.
.
.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...