CHAPTER #10|Dream!|

170 13 0
                                    

Jade Point Of View

.

Nakalabas ako ng ligtas at nung magkita na kami ni gab halos ayaw na niya akong bitawan dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sakin. Problema ng mokong na to!?

"Lets go!"hinila nalang niya ako basta² pagkatapos akong yakapin ng mahigpit. Gago ata ato ah! Hindi niya ako robot para gawin niya sakin to.

Inalis ko ang kamay niya sa kamay ko dahilan para mapatingin siya sakin at mapatigil kakalakad. Binigyan ko siya ng matulis na tingin, hindi mo ako alalay dito kaya pwede mauna kanang maglakad sakin kasi may paa naman ako at hindi na ako bata para mawala pa sa lugar na to.

"Mauna kana! Sipain kita dyan e!"inis kung wika sabay snob, nag simula na ulit kaming maglakad. Nakalagay na ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

Gwapo rin naman tong si vice lee pero parang may pagka phsyco lang dahil ngingiti tapos mamaya hindi mamamansin, parang timang!! Oh! Si president luke? Umm! Gwapo naman talaga siya kaya nga maraming nagkakagusto sa kaniya diba kahit ganun ugaling pinapakita niya sa ibang tao.

Sabay kaming pumunta sa office at nadatnan namin dun si mr.quezon may kinuhang papeles sa table niya at agad din itong umalis ng hindi man lang kami tinitignan. Ano yun? Hangin kami para di niya mapansin? Masyadong busy? Ganun?

"Ilagay mo nga rin to sa stuck room, jade"may magagawa pa ba ako? Secretary lang ako at vice president siya!

Kinuha ko yung mga notebook sa kamay niya sabay alis. Nasa kalahati palang ako ng paglalakad ng makita kung nasa unahan si bella, bumalik sa dati yung itsura niya. Buhaghag ang buhok tska parang wala sa sarili. Nababaliw na ata to!

Hindi ko siya pinansin para bang wala akong nakitang tao sa harapan ko. Hindi niya rin ata ako nakita dahil patuloy siya sa paglalakad niya. Kapag nabaliw si bella panigurado ako, ako ang unang mag sasabi ng SAYANG! Sobrang sayang ng ganda niya kung may kililing naman siya.

Sigh.

Nilapag ko ang mga notebook at alikabok ang tumambad sakin. Tsk! Napaubo tuloy ako sa amoy. Pinaypayan ko ang mukha ko para mawala ang alikabok na tumatama sa buong mukha ko. Iginalaw ko na ang paa ko para makaalis na sa pesteng lugar na to pero may naapakan akong isang notebook, pilit kung inaalis sa paa ko pero may glue ata kaya ayaw maalis sa sapatos ko.

"Peste naman to ,oh!"tumuwad pa talaga ako para lang alisin ang notebook na to. Ano ba to?

Nung nasa kamay ko na, itatapon ko na sana pero may nabasa ako. Isang......"Diary?"bulong ko sa kawalan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko alam. Anong meron? Bawat paglipat ko ng isang pahina sa kwaderno na to ay isang kabog ang maririnig ko sa dibdib ko. Pare-pareho lang naman ang nakasulat, Dear diary, ngunit wala ng kasunod? Fvck! Tssk!

Isang lipat pa ang ginawa ko at may kadugtong na ang dear diary na nakasulat. Kumunot ang noo ko nung mabasa yun.

Dear diary,
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil may isang lihim akong ako lang ang nakakaalam. Lihim na pwedeng ikasira ng buhay ko.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Shit! Sinong nagsulat nito? Hindi ko magawang ilipat ang mata ko sa susunod na salita dahil natatakot ako na posibleng may iba pa akong malaman tungkol sa MU.

Isa ako sa pinakamatagal ng nakakulong sa pesteng lugar na to at isa lang ang gusto kung hilingin. Ang makalaya sa lugar na to. Yun din ang mga hiling ng bawat isang makakapasok dito.

Sa bawat minuto, sigundo, oras na lumilipas nagdarasal ako na sana maawa na sila samin ngunit kahit anong dasal ko pala ay wala ring mangyayare. Hanggang sa may isang taong muling naligaw sa lugar na to, ang amo ng mukha niya ngunit delikado siya. Mabait siyang tao ngunit may pagkademonyo tulad ko, nahulog ng tuloyan ang loob ko sa kaniya ngunit sa kasamaang palad, may hindi pa pala ako alam sa kanila, sa kaniya. Sa sobrang galit ko hindi ko na napigilan ang sarili ko............

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon