CHAPTER # 48 |Back to school|

73 4 0
                                    

DANIEL POINT OF VIEW


.

"La, alis na po ako"pagpapaalam ko bago tuloyang umalis ng bahay.

Papasok na ako sa bago kung skwelahan, paniguradong magiging famous ako agad dahil sa mukha kung sobrang gwapo, diba? Hindi naman sguro masamang maging totoo sa sarili. Nalaman ko rin na mag aaral din si yana, sana naman hindi dito para hindi masira ang unang araw ng pagpasok ko.

Wala ng masyadong tao sa hallway siguro oras na ng klase. Sayang naman hindi nila masaksihan ang pagdating ng isang macho at gwapong si danel tyler. Feel na feel ko yung hangin bawat dapo niya sa mukha ko, nililipad din ang aking mga buhok. Wala pa akong masyadong oras para pumunta sa barber shop dahil may kailangan pa akong ayosin. Saktong nasa tapat na sana ko ng may marinig akong ingay, di kalayuan sa silid aralan na papasukan ko sana.

"Parang kilala ko yung boses na yun"wika ko sa sarili ko at sinundan ang ingay.

Ang lakas ng kutob kung siya tong maingay na to, napaka imposible namang hanggang dito susundan parin niya ako. Napaka mahal na siguro ako ni yana kung ganun. Nakangisi ang labi ko habang papunta dun at nung makita ko na ang tatlong nakapalibot sa kaniya sumandal ako sa pader at pinagmasdan ko sila.

"Hindi niyo ba talaga ako titigilan?"umuusok na yung ilong ni yana at mukhang nakakaexcite silang makitang lilipad kapag mas lalo pa nilang ginalit to.

"Pumayag kana kasing maging jowa ka ng boss namin miss"sagot naman nung naka grey.

Ohhhh! Wala silang taste sa babae at pati halimaw pinapatulan nila, mas lalo tuloy akong nanabik kung kailan niya papaliparin ang tatlong ugok na to.

"Ang panget niyo para sagutin ang isa sa inyo!"pagtataray niya, napahawak naman ako sa bibig ko habang pinipigilang hindi matawa.

Nagkatinginan yung tatlong mukhang ongoy ang itsura."Ano na boss, ayaw niya talaga e"tanong ng nakared.

Hindi nila ako napansin dahil nasa taas ako at nasa medyo baba naman sila."Banatan niyo na, wala din namang silbi ang babaeng yan"sagot nung boss nila na mukhang si jhonny bravo, ang laki ng ulo maliit naman ang katawan. Alien ka boi!?

Lumapit na yung dalawa at nakahanda na rin si yana pero ngayon na ang tama ng pag eksina ko, paniguradong kikiligin nanaman ang babaeng to pag pinagtangol ko siya."Hoy!"natigilan sila pareho sabay lingon sakin, medyo nagulat din si yana ng makita ako.

"At sino ka naman?"tanong ni jhonny, yun nalang tawag ko sa kaniya total magkamukha din naman sila.

"Ako?"nagsmirk ako sabay harap sa kanila, nilagay ko ang dalawa kung kamay sa bulsa at medyo pinatagilid ang aking ulo. "Jowa niya ako, bakit papalag ka?"kinindatan ko si yana na nakatulala na ngayon, baby babes wag kalimutang itikom ang bibig baka mapasukan yan ng langaw!

Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa, sympre! Napahanga ko sila sa taglay kung aura."Ano? Idol niyo na ako niyan?"pagbibiro ko sabay tawa.

Nilagpasan ko sila at tinignan ko si yana, pasalamat ka dahil mabait ako ngayon araw na to. Naalala ko din ang rules sa school na to at ayokong magkaroon ka agad ng pangalan sa guidance, masyadong maaga pa para maexpelled ka.Sayang ang pera ni luke dahil paniguradong sla ang nagpapasok sayo dito.

Tumingin ako sa kanilang tatlo sabay akbay at kumapit ang mga kamay ko sa balikat nila."Sorry nalang kayo dahil taken na ang pinagpapantasyahan niyo"tumingin ako kay yana."Diba, baby babes?"sabay kindat.

Hindi ko na hinintay ang isasagot nila dahil paniguradong ilang buwan pa yun bago sila magsalita, nakalimutan din ata nilang isara ang mga bibig nila. Kayo din naman mapapasukan ng langaw kaya bahala kayo!

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon